Dis oras na ng gabi pero andito pa rin ako sa labas ng bahay namin..
*roll flashback*
Pagkahatid ko kay cynthia pagkagaling namin ng ospital, habang nasa biyahe ako mag isa, tinitignan ko yung calling card na binigay sakin nung nurse na nagngangalang peach.
Sadyang hindi ko mapagtanto kung bakit kailangan niya ako bigyan nun
Ang akala siguro niya bumbay ako na pdeng utangan. Ganun na ba talaga siya kagipit? pati ako papatulan sa 5 6. Tyaka excuse me, kakulay ko lng ang bumbay pero kasing bango ko ang deodorizer sa bus. (pero sa totoo lang, hindi na talaga ako nagtataka. Sa itsura ko ba namang ito? imposibleng hindi mabighani sakin lahat ng babae no. Sus, maliit na bagay girls) sabay ngisi ko
Pero anak ng tokwa yung mga katabi ko sa jeep, akala mo may manyak na katabi kung makatitig ng masama sakin. O baka talaga nanlilisik yung mata nila kasi makahayop yung kagwapuhan ko? hays hirap ng ganito mga par.
Ayun sa sobrang pagkaawa ko kay nurse peach, napagisip-isip ko na kontakin na lang siya pagkauwi ko ng bahay.
-
"Hi ma! may makakain na po ba?" sabay mano ko sa kanya habang nanunuod siya ng telebisyon"Aa-ayy anak andyan ka na pala. kaawaan ka ng diyos" sabi niya pagkamano ko
"Nako anak wala pa eh. gusto mo ba bili ka na lang diyan kayla aling anastasya ng lutong ulam? nanunuod pa ako ng on the wings of love" pagutos niya sa gutom na gutom niyang anak. Pero teka nga..
"Ma, sino bang kausap mo? bakit ayaw mo akong tignan sa mata? ganyan ka ba kadesperado manuod niyan at kahit sarili mong anak hindi mo kayang bigyan ng atensyon?" biglang nagulat na nagpapawis yung mukha niya sa sinabi ko. problema neto ni nanay?
"A-ah ehh nak ano kasi, a-ano yung kuan, y-yung leeg ko!! oo yung leeg ko! nagka stiff neck ako anak kaya hindi kita matignan. pasensya na ha" seryoso ma, seryoso? akala mo sakin shunga? alam ko naman talaga ang dahilan eh. ano ba naman yan, kailangan pa ba magpanggap nay?
"Ma, sa totoo lang. Pwede ka naman magpakatotoo sa akin eh. anak mo naman ako. Hindi naman kita ikukumpara sa mga taong nakakapansin sakin. Syempre espesyal ka. Nahihiya ka po ba kaya ayaw mo sabihin ang totoong dahilan?" biglang lapit ng mukha ko sa kanya mga halos tatlong dipa ng kamay
"Alam ko naman pong nasisilaw ka sa taglay kong kagwapuhan eh" sabay ngiti ko, at sa sobrang pagkagulat niya sa katotohanang sinabi ko, bigla siyang naduwal kaya napatakbo siya sa banyo.
Napakamot na lang ako sa ulo kasi, napaka sinungaling talaga netong nanay ko. Hindi na lang magpakatotoo sa sarili, Ayan tuloy pati katawan niya hindi nasang ayon sa kanya (tawa ko na lang habang paakyat sa kwarto ko)-
Pagkabihis at pagkahilamos ko, nagmissed call na ako sa number na ibinigay sa akin ni nurse peach at sinundan ko ng text..
"Hello nurse peach. Ako ito yung kasama nung isang pasyente niyo kanina na inabutan mo ng calling card mo. Ako si Gipo, Gipoto Sebastian."
pagkapindot ko ng send, limang segundo pa lang ay meron na agad na sagot. Grabe ang bilis niya lang ah
Peach:
"A-a-ahh he-hello po! hello po kuya gipo? :') ikaw to diba? Yung gwapong lalaki na moreno?"
grabe to, halatang halata naman kung ano talagang pakay sakin ng babaeng to. sabay ngisi ko at tingin sa salamin at purihin ang napaka animalistic kong pagmumukha. At nagtype na nang irereply
Gipo:
"hello din ulit. oo ako yun,wala nang iba.Pero gusto na kitang deretsyahin, ano ba talagang balak mo at binigay mo sa akin 'tong info's mo?"Peach:
"Ano kasi kuya gipo.. pwede ba tayong magkita ngayon? " HA?! ANODAW?!Gipo:
"Ha? seryoso ka? dis oras na ng gabi ate. Gusto mo ba mapahamak? Ano bang napakaimportanteng bagay ang gagawin mo para makipagkita sa akin ng gantong oras. Deretsuhin mo na ako"
BINABASA MO ANG
Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)
Humor"Papatunayan kong hindi kailangan ng Make-over o kung anong operasyon sa mukha ko kasi ako ay isang Tunay na Gwapo" •UNEDITED VERSION• Pardon for the WRONG SPELLING AND GRAMMAR ≧▽≦y