1: Heartbreak Boy

25 0 0
                                    

(June 27 ; Friday)

-Candice Zalora's POV-

"Huy Angel! Kanina pa tayo dito tapos wala parin yung sinasabi mong manlilibre satin!"

"teka lang kasi. Parating na yun.." lingon ng lingon si Angel sa may entrance ng KFC . Inaabangan niya siguro yung pagdating nung kaibigan daw niya. Two hours na kami dito pero wala parin yun. Takam na takam na kaya ako sa chicken. Amoy na amoy ko na kasi. Kung kilala ko lang yun, mababatukan ko na yun pag dating niya. Kaso hindi eh. Si Angel lang ang nakakakilala dun. Kaibigan niya nga kasi -,-

"pag natapos ang ten minutes tapos wala pa siya, aalis na —"

"ayan na siya" tumayo na si Angel at sinalubong yung bagong dating na lalaki. Yun na yata yung kaibigan niya. Walanjo, di pa ko pinatapos sa sasabihin ko.

Napansin kong may binulong si Angel dun sa lalaki tapos ay parang ayaw pa niya lumapit sa table namin. Napakunot ang noo ko. Wala naman akong nakakahawang sakit sa balat!

"uhh, h-hi" nag-wave ng kamay yung lalaki sakin nung finally ay nakalapit na sila.

"hello"

Tinulak ni Angel paupo yung lalaki. "uhm, Candice, meet Zach, Zach, meet Candice" nakangiting malawak si Angel habang paupo sa tabi ko. Nasa tapat naming upuan si Zach.

"nice meeting you" Zach and I said in chorus.

"uhh, gusto niyo na bang umorder?" -Zach

"malamang! Kanina pa kaya kami dito. Gutom na gutom na kami kakahintay sayo" si Angel. "chicken with rice chaka extra rice ang sa akin!"

"yun nalang din ang sa akin" wala naman akong ibang maisip na pagkain. Chicken lang ang laman ng isip ko ngayon. ╮(╯▽╰)╭

Tumango naman siya at tumayo na. Siya na yata ang oorder. Nakapunta na sa counter si Zach ng biglang magsalita si Angel. "pst. Type mo 'no?" sinisiko-siko pa ko ni Angel habang nagtataas baba yung kilay niya.

"alin? Yun?" tinuro ko ang kinaroroonan ni Zach. "Hindi 'no!"

"sus. Pero aminin mo, gwapo siya di'ba?" nakangiti parin siya. Iba sa natural na ngiti. Pang manyak yung kanya.

"hmm, makinis ang mukha, chinito, matangos ang ilong.. Pwede na"

"hala?! Tinitigan mo?!" pinanlakihan niya ko ng mata.

"tss. Ewan ko sayo" automatic na umikot ang mata ko. "baka ikaw ang may gusto dun. Ayiie! Lucky I'm inlove with my bestfriend~"

"sira! Hindi 'no! Taken na kaya yan"

"sinong taken?" biglang sumulpot si Zach. Nagkibit balikat lang kami ni Angel.

Isa-isa ng nilapag ni Zach yung mga inorder niya sa mesa. Nagumpisa na agad si Angel kumain habang kami nakatingin lang sa kanya.

"what?" punong-puno ang bibig ni Angel ng nagsalita siya. Napansin niya sigurong nakatitig lang kami sa kanya. "alam kong maganda ako. Stop staring"

"adik! Magdasal muna!"

"sus. Pray pray pa. Nasa public place naman tayo. Sari-sarili nalang ng pray" pinagpatuloy na ni Angel ang pagkain niya.

"ang takaw mo" tinutukoy ni Zach ay si Angel.

"ano naman? Pinaghintay mo kami ng dalawag oras dito ng walang laman ang tiyan. Natural lang na magutom kami. Porket birthday mo magpapa-importan— AY! HAPPY BIRTHDAY PALA! sorry nakalimutan ko. Ikaw kasi eh! Uy, 'Dice(pronounced as This ), birthday niya pala ngayon" hinampas ako sa braso ng bruha (Angel) akala niya naman di ko narinig yung pinuputak niya kanina.

My Bestfriend's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon