"Ano sasama ka ba?" tanong sakin ni Angel. Kanina pa nya ko pinipilit na sumama sa bonding nila nung iba nya pang mga kaibigan.
"Isipin ko muna.." nahiga ako sa sofa. Wala naman sigurong mawawala kung sasama ako, nakakabored din naman dito sa bahay. "Sige sama na ako."
"Yehey, maligo kana maya maya darating na yung sundo natin" ngumisi sya.
Tumango lang ako at nagpunta sa kwarto. Biglang tumunog ang cellphone ko at alam ko na kung sino ang nagtext.
Dylan: Nasa Bulacan na kami :)
Automatic akong napangiti. Bigla kong naalala na hindi pa pala alam ni Angel na nagkita kami ulit ni Dylan. Saka ko na siguro sasabihin pag napatunayan ko ng deserving sya sa chance na ibibigay ko. Tsaka alam kong galit si Angel kay Dylan kasi nakita nya kung pano ako nasaktan nung mga panahong iniwan ako ni Dylan.
Nilagay ko muna sa higaan ko yung cellphone ko at naghanap ng masusuot. Black t-shirt at short pants nalang. Nilagay ko narin yung damit sa kama at nagpunta na sa cr. Dito nako sa cr ng kwarto ko maliligo para mabilis.
Pagkalabas ko ng kwarto nadatnan kong nakahiga si Angel sa sofa at nagpipipindot sa cellphone nya.
" 'Dice pwedeng pakisilip sa labas kung nandyan na yung blue na van?" sabi nya ng mapansing nakalabas na ako ng kwarto.
Dumiretso ako sa pinto at sumilip dito. May van na nga sa harap ng bahay at aktong bababa yung lalaki na nakaupo sa gitna ng van nung nakitang bumukas yung pinto ng apartment namin.
Nginitian ko lamang sila at bumalik sa apartment para tawagin si Angel pero nasa pintuan na sya at ngumingisi habang nakatingin dun sa lalaki.
"Tara na." aya ni Angel sakin.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako maOOP ha." bulong ko habang palabas kami ng gate.
Ngumisi lang sya.
Bumaba yung babae na nakaupo sa passenger seat at lumipat sa gitna nung van.
"Yesu nga pala." nilahad ni Yesu ang kamay nya habang nakangiti.
"Candice." kinamayan ko sya at ngumiti rin.
"Dito ka na umupo.." tinuturo nya yung passenger seat. "Puno na kasi kami dito sa likod eh." nakangiti parin sya. Si Angel naman ay nakapasok n sa loob ng van.
Tumango nalang ako at inalalayan nya ako sa pagpasok. "Salamat."
Ngumisi sya at bumalik na sa loob ng van. Napalingon ako sa driver's seat at si Zach pala ang nagdadrive.
Ngumiti ako kay Zach at ngumiti rin sya pabalik.
"So, tara na sa studio" sabi ng isang babaeng katabi ni Angel. Yung kaninang nakaupo dito sa passenger seat. Agad namang pinaandar ni Zach yung sasakyan. "btw, I'm Loreen." nilahad nya ang kamay nya saakin kaya humarap ako sa kanila. Kinamayan ko sya. So sya yung girlfriend ni Zach? Maganda sya. "This is Miyuki.." tinapik nya ang balikat nung isang babae na nasa kanan nya. Singkit at nakasuot ng headphones. "And this is her twin sister, Miyumi Alvarez" tinuro nya yung babaeng katabi ni Miyuki. Naka salamin sya at natutulog. Siguro kung tatanggalin ni Miyumi ang salamin nya, mapagkakamalan kong iisa lang sila ni Miyuki.
Tumango tango ako at napatingin sa likuran ng van. Sumunod naman ang tingin ni Loreen doon.
"Nameet mo na si Yesu.." tinuro nya si Yesu na nasa likuran at kumindat naman sya saken. Napansin kong napatingin sya sa rear view mirror at ngumisi. "At eto naman, si Jacob." tinapik nya rin si Jacob na nasa likuran din kasama ni Yesu at tumingin ito sakin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Friend
Teen Fictionmaliit lang talaga ang mundo.. hindi mo alam na konektado pala sayo ang mga taong nakakasalamuha mo. isa na dun yung taong minsang pinagbitawan mo ng pangako, na ngayo'y kaibigan na ng pinakamatalik mong kaibigan. © 2017 Bliaaa