2: Clueless

13 0 0
                                    

Naalala ko na naman. Lahat ng masasaya at masasakit na pangyayari sa buhay ko dahil lang sa pagkikita namin ulit ni Dylan.

Masakit. Sobrang sakit. My parents died because of plane crash. Wala na sigurong mas sasakit pa sa mamatayan ng magulang. Nakakabaliw. Lalo na't ang mga magulang ko ay only child. Wala akong tita o tito man lang. Only child din ako. Wala akong kapatid. Wala akong kamag-anak. Wala akong masasandalan at wala rin akong karamay. Di ko na alam ang gagawin ko nun. I'm in the middle of choosing life and death but Dylan came. Siya ang rason kung bakit nagpatuloy parin akong mabuhay. Kaso noon yun. Mas masakit ang ginawa niya sakin. He left me because of his career. Mas pinili niya yung pagaartista niya kesa sakin.

I'm an actress back then. Pero umayaw ako nung nagfifteen ako, nung natapos yung contract. Buhay pa noon sila mama. In-enroll nila ako sa isang school; college school. Maaga akong natapos ng high school kaya diretso na ko ng college. Sila ang pumili ng course ko.

Fashion Designing

Nakita daw kasi nila ang potential ko sa pagguhit at sa modeling. The hell! Dun ba yun nakikita? Di ba nila nahalata na inlove na ko sa music mula pa nung bata ako? Pero, mas pinili ko paring sundin sila. Siguro tama sila. Siguro fashion designing talaga ang para sakin. Siguro.

"you're still stunning and gorgeous like the first time we met" nakahalumbaba si Dylan habang nakatingin sakin. Or more like, nakatitig sakin. Halata ko yun kahit naka-shades siya.

Wala na dapat akong planong magsalita pa at kausapin siya kaso nag-uunahan ang mga luha ko sa paglabas. Pinipilit kong pigilan. Ayokong makita niyang mahina parin ako, na hindi ko kayang wala siya. Ayoko. "please stop this shits, Dy.. Please!" pinipilit kong wag siyang tignan. Pero hindi ko kaya.

"pero Candice, mahal parin kita. Please din, give me a second chance" hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad kong iniwas.

"STOP! I hate you! I hate you! Wag ka ng babalik sa buhay ko. Wag mo na kong sisirain ulit!" tumayo na ko at iniwan nalang ang frappe at natirang choco cake sa mesa. Bago pa ko tuluyang makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko.

"please be mine again" halos pabulong lang ang pagkasabi niya sa nagmamakaawang boses. Kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Mga luhang nagbabadyang pumatak.

"naiinis ako. Naiinis ako sayo. Naiinis ako sa sarili ko. Kahit anong pilit kong iwasan at wag magpadala sa sinasabi mo, hindi ko kaya" nagulat ako sa sarili ko ng automatic na niyakap ko si Dylan pero mas nagulat ako sa sumunod kong sinabi. "I still love you, Dy"

Maya-maya lang ay may mga nakita akong flash ng camera mula sa likuran ko. Nakarinig din ako ng mga bulong-bulungan:

"sabi na eh! Si Dylan myloves yan! Kyaaahhhh!"

"Gosh! Sino yung girl? Bitch!"

"uhh ohh.. Abangan na natin sa labas yan! Sinisira niya ang tambalan ng Starfire and Dylan love team!"

"argh! Buwisit na babaeng yan! Pabebe! Akala mo naman kung sinong maganda"

Gusto ko mang lingunin ang mga taong nasa cafè ay di ko magawa. Ilang taon din akong nagtago sa media. Ayoko ng mapasok ulit sa showbiz. Ayokong masira sa mga tao. Ayoko na ulit gumulo ang buhay ko. Inub-ob ko ang mukha ko sa dibdib ni Dylan. Akala ko'y di nila nahalata na si Dylan nga to.

"sandali. Suotin mo ang mga to tapos sabay tayong tatakbo palabas okay?" inabot sakin ni Dylan yung extra shades niya at hoodie. Siguro pwede na tong pang-disguise. Siguro di na nila makikita ang mukha ko. Tumango ako bilang sagot.

"Mga kabarkada! Nakikita po natin ngayon si Dylan Rodriguez na may kasamang ibang girlaloo? Pano na si Ms. Chua? Paano na ang Dylan and Starfire love team? " naririnig ko ang boses ng baklang reporter. God! Naiiyak na ko. Ayoko ng ganitong eksena. "Tara lapitan natin sila"

My Bestfriend's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon