CHAPTER 1

646 14 0
                                    

Can This be Love

2015

written by Libra




This is an aldub fanfic. Dahil sobrang hook ako sa loveteam nila gumawa ako ng sarili kong istorya. :)

No part of this story might be copy, redistribute, print or even sell without any consent of the author.

PLAGIARISM is a crime.



Prolouge:


Akala ko nung una malabo nang mahawakan ko siya o di kaya ay makalapit man lang sa kanya.

Pero parang isang magic na bigla nalang naging close kami sa isa't-isa.

Nandoon na sana kumbaga malapit na magkaroon ng kami kaso bakit biglang lumungkot ang istorya naming dalawa.

Tadhana nga naman, gagawa ng paraan para magkalapit kayo pero ito din ang dahilan para muling magkalayo.




Chapter 1:


"Aalis ka na? Bakit ang bilis naman?"

Nanggigilid ang luha na tanong ko sakanya. Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan. Isang malaking puno ng narra malapit sa aming kolehiyong pinapasukan.

"Biglaan kasi ang desisyon ng Dad. Naka-book na ako nextweek papuntang France." nakayuko niyang sagot sa akin.

"Di-diba magcecelebrate pa tayong dalawa ng graduation. Wag mong sabihing wala na yun?"

"Sorry Maine kailangan ko kasi ayusin ang mga gamit ko kaya hindi na tayo makakapagcelebrate na dalawa."

"O-Ok kung yan ang desisyon mo." pilit na ngiti na tugon ko sa kanya.

"Sorry talaga. Pano mauna na ako hah." bigla na siyang tumalikod para umalis pero bigla din siyang tumigil at bumaling ng tingin sa akin.

"Eto nga pala para sayo." may inabot siya sa akin na parang libro.

"Buksan mo yan sa sandaling makaalis na ako papuntang France." nakita ko sa mga mata niya na nalulungkot din siya. Tumango nalang ako at hindi na nakuhang magsalita hanggang sa tuluyan na siyang lumisan.

Dun ko na hindi napigilan ang pagtulo ng aking luha. Yung isang taon na masayang pagsasama namin bigla nalang natapos.

Yung isang taon na tinatago kong feelings sa kanya na hindi ko man lang nakuhang ipagtapat.

Lahat yun naglaho sa isang iglap.

Lahat yun naglaho sa isang paalam.

Isang taon na ang nakakalipas simula ng lubusan ko siyang makilala. Simula nun sinundan ko na siya at pilit nagpapansin para magustuhan niya.

Lahat ng effort lahat ng kabaliwan ko lahat ng katangahan at sikreto ko nawalan na ng saysay.





12 Months Ago....




Breaktime kaya nakatambay ako ngayon sa isang bench malapit sa tennis court habang kumakain ng ice cream. Ewan ko ba bakit naisipan kong tumambay ngayon dito.

Can This Be Love (ALDUB FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon