Chapter 2 : Missing Her.
Jigger's POV
" Oh yung mga bababa dyan sa Terminal. Balanga na tayo." Sabe ni mamang konduktor. Ang bilis ng biyahe. Nandito na uli ako. Ang bilis ng panahon. Isang taon na din pala noong huli akong mauwi dito. Masyado kasing naging busy sa mga gawain sa school at siyempre sa mga ibang bagay pa.
Pagkababa ko ng bus. Lumingon lingon ako sa paligid. Malaki na pala ang pinagbago ng lugar na to. Madami ng bagong tayo na mga building. Masyado ata akong matagal na nawala. Nakakamiss din pala ang Bataan. Nakakamiss umuwi.
Higit sa lahat. Namimiss ko siya.
Yeah. I miss her.
I miss my bestfriend.
I miss Andy.
But i don't think she misses me. After I ended our friendship last year.Hindi o nga alam kung gusto pa niya ako makita pagkatapos ng nangyari.
FLASHBACK*
1 YEAR AGO
Habang palabas kame ng school ng mga barkada ko, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko naman agad kung sino ang nagtext. Si Andy pala. Eto namang mokong na kaibigan ko kinantyawan na naman ako.
"Ui nagtext na si labs niya. Haha. Kinikilig na yan. Haha." Binatukan ko nga ang mokong. "Gag*! Haha. Magkaibigan lang kami netong si Andy. Masyado kang malisyoso." Sagot ko naman.
"Asus. Kaibigan nga lang ba? Sigurado ka bang yun din ang nararamdaman niya sayo? Masyado kang manhid Jiggs. Hindi mo alam isang araw bigla na lang sabihin sayo ni Andy na mahal ka na niya." Seryosong sabi ng mokong. Aba't may matino din palang nasasabi to.
"Imposible yon. Namakadaming boyfriend ni Andy tska loka loka iyon. Hindi magkakagusto sa akin yon." Sabe ko sa kaniya. Pero may point siya. Parang iba nga si Andy netong mga nakaraan. Masyado na siyang selosa. Dati pag may ipapakilala ako sa kaniyang girlfriend ko o gusto ko, wala lang sa kaniya. Pero ngayon, nagtatampo siya. Parang lagi na siyang nagtatampo pag hindi ko siya naasikaso. May times din na sobrang sweet na niya na parang boyfriend na ang turing niya sa akin. Hay buhay. Sana talaga hindi totoo tong iniisip ko. Sana hindi ako gusto ni Andy.
"Osige. Sabihin mo ang gusto mong sabihin pre pero kilala kita. Alam kong nagiisip ka na din kung may gusto siya sayo o wala dahil nagbabago na siya. Sana nga lang pag nangyari yon. Walang maskatan sa inyong dalawa. Ge pare. Mauna na ako. Ingat ka." HIndi na ako nakapagsalita sa sinabe niya at umalis na siya.
Waaaaaaaa. Mababaliw na ako. Psh. Ay may text nga pala si Andy. Mabasa na nga.
FROM: Andy.Labs♥
Hey labs! Uwian niyo na ba? Lunch tayo. May sasabihin ako sayo :)
Luh? Ano kaya sasabihin ng babaeng to. Mareplyan na nga agad baka magalit na naman sa akin to.
TO: Andy.Labs♥
Ano ba yun? Mukhang seryoso yan ah. Sakto palabas na ako ng school. Sa Mcdo na lang tayo para malapit sa school niyo. Susunduin pa ba kita?
After 3 minutes. Nagreply na siya
From: Andy.Labs♥
Eh basta mamaya mo na lang malalaman. Osige punta na ako don. Wag mo na ako sunduin. Bilisan mo ah. Ayoko ng matagal. I love you.♥
Haha. Edi siya na ang sweet. Grabe.
TO: Andy.Labs♥
Yes mam! Papunta na po. Ingat ka. I love you too.♥
Habang papunta ako sa Mcdo napapaisip ako kung ano ang sasabihin niya. Sana naman hindi iyong pinagusapan namin kanina ni Mong. Psh. KInakabahan naman daw ako.
Pagdating ko sa McDo, Napakadaming tao. Hinanap ko agad ng tingin si Andy. Doon siya nakaupo sa usual seat namin dito. Malapit sa may bintana yung pwesto. Pang dalawang tao lang. Sabe niya gusto niya daw sa pwesto na yun kasi madami siyang nakikitang tao na dumadaan sa labas at nakikita din niya ang lahat ng tao dito sa loob. Ganyan kasi yan si Andy mahilig sa tao.
Habang papalapit ako sa kaniya. Tinitigan ko sia ng mabuti. Maganda naman si Andy. May pagkamabata nga lang. Haha. Bagay na bagay sa kanya ang puting bestia na uniform niya at bun na buhok. Haha. Ang cute sarap pisilin ng pisngi. Napansin kong tahimik lang siyang nakatingin sa bintana at nakapangalumbaba kaya hindi niya namalayan na dumating na ako.
"Ay bwiset ka! Bastos mo naman ay labs!" Gulat na sabi ni Andy at pinaghahampas ako.
"Aba! Ikaw na nga itong kiniss sa cheeks nagagalit ka pa! Haha. " Napatigil naman siya sa paghamapas at napansin kong nagbablush siya.
"Ui labs ang pula mo! Haha! Mukha kang makopa!" Haha nakakatuwa siya asarin. Ang kulit. Haha.
"Nako tumigil ka na nga! Umorder ka na at nagugutom na ako. Ang tagal tagal mo kasi dumating!"
"Psh. Opo prinsesa eto na po oorder na. Matagal man ako dumating. Naghintay ka pa din. Mahal mo kasi e." Sabay kindat at talikod ko sa kaniya.
"Yeah. asdfghjk" May binulong ang loka.
"Woy ano yon?!" Sabe ko sa kaniya sabay lingon.
"Huh? Wala! Sabe ko ang panget mo. Eww face! Shoo Shoo! Umorder ka na kasi!" Panic ang loka loka. Ano kaya yun? Psh. Malalaman ko din yon.
Pagbalik ko sa table namin dala dala ko na ang mga inorder ko. 2 Chicken 2 McFloat 2 sundae tsaka 2 extra large na french fries. Haha. Takaw lang namin ano?
"Ayan na po ang order niyo mahal na prinsesa." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Salamat. " Matamlay na sagot naman niya. Aba hindi ata natuwa? Dati rati pag ganyan kadami ang inoorder ko tuwang tuwa na yan at lalantakan na agad ang pagkain. Pero ngayon ang tahimik niya. Nilalaro laro lang niya yung float niya. Mukhang malalim ang iniisip.
"Labs. " Hindi siya tumtitingin. Pibaglalaruan pa din niya yung float niya.
"Ui labs." Medyo nagulat siya tapos napatingin sa akin.
"Oh ano yon? Bakit? Ano nangyari? May sinasabe ka ba?" Mukhang kinakabahan yung itsura niya na hindi ko malaman. Ano kaya problema nito?
"Kanina ka pa tahimik dyan. Hindi mo man lang ginagalaw ang pagkain mo. Diet ka ba? Himala ata to? Haha." Tatawa tawa kong sabi sa kaniya with matching taas pa ng kamay na parang yung kay Nora Aunor ng Sinabe niyang walang himala. Haha.
"Ano ka ba wala nu. Haha." Tumawa siya na paputol putol. Hmm. Fake na tawa. Alam ko na to. May gusto sabihin to kaso kinakabahan siya.
"Oy Andriana Louisse. Kilala na kita. Wag mo ako pinaglololoko. Alam kong may gusto kang sabihin. Ano yun?" Tinignan ko siyang mabuti. Kabadong kabado siya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Ah eh. Kasi. Ahm." Utal utal. Hindi niya masabe. Ano kaya iyon?
"Ahm. Jiggs. Mahal mo ba ako?" Sabe niya na nakayuko.
Natawa naman ako. Akala ko ba naman e ano na yung sasabihin niya. " Andeng tinatanong pa ba yan? Oo naman nuh. Mahal kita syempre."
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Bigla akong kinabahan. Nararamdaman kong may sasabihin siyang makakagulo sa sitwasyon naming dalawa.
"Buti naman. Ako kasi Jigger. Mahal kita. Higit pa sa pagiging kaibigan."
---
Wooo. Tagal ko sinulat nito. Kahit na kasi revised edition lang to nung isa ko. Ang hirap pa din baguhin ng mga scenes. Tsaka mas dinagdagan ko pa ng details. Sana nagustuhan niyo. :)
-AiramAneley♥
BINABASA MO ANG
Loved, Finally.
Teen FictionLove is a risk. Love is a challenge. Love is war. Are you strong enough to fight for love? Are you worthy to say that you are Loved, Finally?