Chapter 4 : Her Ways of Coping
Adonis’ POV
Saturday morning.
Ano ba yan ang boring naman wala akong magawa. Ano kayang magandang gawin? Magmall? Nah. Wala akong pera. Tsaka nakakatamad magisa. Haha. Magonline? Psh. Nakakasawa na magcomputer.
Ah! Alam ko na! Agad agad kong kinuha ang phone ko.
Calling: Dyosing…
“Oh Adong? Ano problema mo at napatawag ka? Ang dame mong load ah? Haha.”-Siya
“Ano ginagawa mo?”-Ako
“Wala nga e. Tamad na tamad na nga ako dito sa bahay eh. Itetext na din dapat kita kaso tumawag ka na.”-Kapitbahay nila. Este siya pala(medyokurni)
“Punta tayo kila Andeng!”-Sabe ni Coco Martin (wahaha kapal!)
“Osige sige. Miss ko na din si babsi eh. Walang paramdam ang poksi.”- Sabi ni Anne Curtis (tuwa yan!)
“Okays. Ligo na din ako tapos daanan kita dyan sa inyo.”
“Okays pows.”
Inend ko na yung call. Sayang ang load ko. Bakit nga ba kasi tumawag pa ako eh pwede naman magtext na lang. Nakakainis lang ay.
Binilisan ko na maligo. Hindi na ako masyadong nagpapogi dahil pogi naman na talaga ako. Agad na akong lumabas ng bahay naming at sumakay ng tricycle. Nagpadaan muna ako kila Dyosing dahil susunduin ko pa siya.
“Dyosa tara na aba!” Tawag ko sa kanya.
“Opo sir anjan na po.”- Sabi ng baliw at sumakay naman na agad sa tricycle.
Mg after 1o minutes ay nasa tapat na kami ng bahay nila Andy ng may mapansin akong lalaking nakasandal sa may lilim ng puno malapit sa kanila. Tinitigan ko siya ng mabuti. Nakapantalon ang lalaki at nakasimpleng white tshirt. Nakacap siya kaya hindi ko makita masyado ang mukha.
“Tao po? Andy?” Tawag ni Dyosing. Mukha kasing walang tao.
“Dyosing wala atang tao ah.” Sabe ko sa kanya. Napalingon naman ako doon sa direksyon ng lalaki. Papalapit na siya sa amin ngayon kaya kitang kita ko na ang mukha niya.
Nak ng! Ano ang ginagawa ng mokong na to dito? Sinalubong ko agad siya at kinuwelyuhan. Nakakapanggigil. Anong karapatan niyang magpakita pa kay Andy pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa niya. Napaka kapal naman pala talaga mukha niya. Pilit akong inaawat ni Dyosing pero hindi ko talaga mapigilan ang galit ko.
“Anong ginagawa mo ditong !@#@#$#!%$ ka?! Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa kay Andy pagkayari ng ginawa mo! “ Sigaw ko sa kaniya.
“Adonis tama na. Bitawan mo na si Jigger. Wala naman ginagawang masama yung tao.” Sabe ni Dyosa.
“Wala? Dyosa naririnig mo ba ang sarili mo? Tayo ang nandito at nakasaksi ng nangyari kay Andy dahil sa
!!@!@!!$@!#!#@$#!@#$! Yan! Tapos sasabihin mo wala siyang ginawang masama?!” napakamakakalimutin naman pala si Dyosa. Parang napatawad na niya ang mokong na to ah!
“Tama na Adonis. Kumalma ka. Nakakahiya sa mga kapitbahay.” Awat pa din sa akin ni Dyosa. Binitawan ko naman na siya.
“Gusto ko lang Makita si Andy.” Sabe niya ng nakayuko.
“Wala kang karapatan makita siya o ni maaninagan man lang. Matagal nang nawala sayo ang karapatan na maging konektado sa kanya sa kahit anong paraan. Umalis ka na.” Tumalikod na ako sa kanila. Napansin kong may dumaan na kapitbahay nila Andy.
BINABASA MO ANG
Loved, Finally.
Teen FictionLove is a risk. Love is a challenge. Love is war. Are you strong enough to fight for love? Are you worthy to say that you are Loved, Finally?