Chapter 3: Series of Unfortunate Events

7 0 0
                                    

Chapter 3: Series of Unfortunate Events

Andy's POV

Hindi ko alam kung paaano ako nakauwi sa bahay. Ni hindi ko nga alam kung paano ako  nakasakay ng bus. Hindi ko na din alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko na lang nandito na ako sa bahay namin. Nakatapat sa malamig na tubig ng shower. Nakatayo lang ako. Blangko ang isip ko. Hindi ko na pansin ang napakalamig na tubig na umaagos sa aking balat. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Eto na naman kami ng makukulit na likido na nanggagaling sa mga laspag ng butas sa aking mata. Kung ang pagluha ay may bayad, malamang mas mayaman pa ako kay Bill Gates.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Napakalamig ng tubig pero siguro nga sobrang sabog at wala sa katinuan ako kaya hindi ko nararamdaman ito. Sa sobrang kahinaan ay natumba ako at tumama ang hita ko sa gripo. Nagkaroon ng laslas sa may kanang hita ko. Hindi naman siya malalim pero mahaba.

Agos ng agos ang dugo. Naghahalo na ang tubig na galing sa shower at ang dugo ko. Pero nandoon lang ako. Nakasalampak na parang walang nangyaring kung ano. Sa itsura ng sugat ko malamang ay napakasakit nito. Pero bakit ganun? Wala akong nararamdaman? Wala ni katiting na kirot man lang.

 Tuloy tuloy pa din ang mga luha ko sa pagbagsak. Parang mas malakas pa ang kanilang pagbagsak kaysa sa tubig na nangagaling sa shower. Pero wala ni isa mang hikbi ang maririnig mula sa akin. Nakatulala lang ako. nakasalampak. Marahil ay nagtataka na si Mame sa sobrang tagal ko sa loob ng banyo pero wala na akong pakialam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong lakas pa ng loob na tumayo mula sa pagkakasadlak ko ngayon. Gusto ko na lang sumuko. Gutso ko na ang maubusan ng dugo dito sa banyo na to hanggang sa mawalan na ko ng buhay.

Ganito na ba ako kamanhid? Ganito pala talaga kalakas ang epekto niya sa akin. Kahit isang taon na ang lumipas ni hindi man lang ata nabawasan ng ni katiting ang pagmamahal ko sa kaniya. Napakahirap makalimot lalo na sa isang taong alam mong siya lang ang pupuno at kukumpleto sa ngayong miserableng buhay mo.

Minsan nga iniisip ko. Paano kaya kung iba ang nangyari ng araw na iyon? Paano kung hindi ganoon ang kinalabasan ng ginawa ko? Paano kung pareho pala talaga kami ng nararamdaman? Napakasaya ko siguro ngayon. Hindi ko na siguro nararamdaman ang sakit na to. Ang sakit na dinamdam ko ng isang taon. Sakit na kahit kalian man ay hindi nawala sa katauhan ko. Oo Masaya ako sa  pagpapahalaga ng tao sa akin. Pero napakasakit pala na taaga na kung sino pang minahal mo ay siyang hindi ka mamahalin. Hinding hindi.

Mahal na mahal ko pa din siya. Kahit ang sakit sakit na. Kahit ang hirap hirap na. Kahit ikamatay ko pa.

Mahal na mahal ko pa din si Jigger Samaniego

FLASHBACK

*1 YEAR AGO

Good Morning Philippines! ^_______^

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang ganda ng mga ulap sa asul na kalangitan. Ang bango ng mga buklaklak sa harap ng bintana ng kwarto ko. Ang sarap sarap gumising ngayong umaga. ^____________^

Nagtataka ba kayo kung bakit masaya ako? Sino ba namang hindi sasaya kung napanaginipan mong nagtapat ng pagibig sayo yung taong matagl na matagal mo ng mahal diba? HEAVEN! WOOOO! CAPSLOCK PARA INTENSE :D

ETO ANG SCENE SA PANAGINIP KO

Nasa isang beach kami ni Jigger. Sunset ang setting. Sobrang breathe taking. May mga batang nagtatakbuhan at nagtatawanan sa di kalayuan. May mga ibong lumilipad. Samantalang kaming dalawa ay naglalakad. Ang isa sa aming mga kamay ay magkahawak at isa naman ay hawak ang kanya kanyang mga panapin sa paa.

Loved, Finally.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon