Like a Kid

10.7K 264 9
                                    

Hello grabe ang init ngayon and may cater sila kaya bantay ako ngayon ako sa pamangkin ko while my dad is sleeping like a log tsk tsk pero ok na din since hindi na masyadong pasaway ito.

Thanks sa mga nagbasa ng previous chapter parang medyo minadali kasi hinahabol ko ung deadline na before 12midnight since ayaw ko naman masira ung consistent update everyday hehehe di ba RashelleGo hehehe

Picture of Jake Angelo on the right========>>>>>

Song is Forever Young by Sam Concepcion

===============================================================================

CHAPTER ELEVEN

Jake's POV

Hindi naman ako makapaniwala sa kakulitan ng taong ito, sobrang kasi itong persistent at talagang tinotoo ang paghihintay sa paglabas ko.

At dahil ayokong magpatalo dito ay nagdecide akong mag stay pa sa store kahit na nga ba three pm na. Makikipagtigasan talaga ako dito.

"Jake bakit nandito ka pa? Out ninyo na ng three ah." tanong ni Ma'am Rose nang mapansin nitong abala ako sa paglilinis ng salamin sa labas.

"Tinatapos ko lang po ito Ma'am, saka po gusto ko pa pong matuto pa nang mga dapat kong gawin." pagdadahilan ko naman dito, mukhang naniwala naman ito at mukha pa ngang nagustuhan nito ang sagot ko base sa reaksyon nito, kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit ayaw ko pang umuwi. Gusto ko talagang makita kung gaano tatagal si Arnold sa paghihintay sa akin, knowing Arnold hindi ito sanay na pinaghihintay ito.

Bandang alas cinco nang magdecide na akong mag logout, two hours din ang ginugol ko sa store, sayang nga lang at hindi talaga puwedeng bayaran, wala din naman akong karapatan magreklamo dahil ginusto ko to.

Nagpalit lang ako ng suot kong uniform sa suot ko kanina nang pumasok ako, at agad na din akong umalis matapos magpaalam sa mga kasamahan ko at kay Ma'am Rose.

Hindi ko naman maiwasang hindi gumala ang mga mata ko, mangilan ngila na lang din ang tao sa store kaya naman hinding naging mahirap sa akin libutin iyon, may kaunting panghihinayang sa puso ko nang hindi ko na makita si Arnold sa loob.

"Mabuti ngang umalis na siya." sa loob loob ko, matapos maipacheck ang dala kong bag sa security guard ay agad na din akong lumabas ng store.

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang makita ko si Arnold na naghihintay sa tapat ng Dunkin Donuts. Ang buong akala ko kasi ay talagang umalis na ito.

Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon, nakangiti ito nang malapad habang nakatingin sa akin, hindi ko tuloy maiwasang hindi ito hangaan.

Agad ko naman pinigilan ang sarili ko, nakakunot noo at magkasalubong ang dalawang kilay ko nang salubungin ko ito.

"Sobrang kulit mo talaga no?" asik ko naman dit, ngunit imbes na maapektuhan ay sinuklian lang niya ang pagsusungit kong isang ngiti.

"Madami dami nga ang nagsasabi na sobrang kulit at sobrang tigas ng ulo ko, pero sabi din nila sobrang cute ko daw." biro naman nito na hindi ko sinakyan.

Sinubukan kong lagpasan siya, binilisan ko pa nga ang paglalakad ko, ngunit mas lalo din binilinsan ni Arnold ang paglalakad.

"So, handa ka na ba sa lakad natin?" tanong nito, at talagang hindi ito naaapektuhan sa mga pagsusungit ko.

Sinubukan ko talagang huwag itong pansinin pero paulit ulit ito sa tanong nito kung handa na ba ako sa lakad namin.

"Huwag mo na lang pansinin yan Jake, magsasawa din yan." paulit ulit ko naman bulong sa sarili ko, hindi ko maiwasang hindi mainis dahil ang layo kasi ng sakayan.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon