My Best friend is Gay

9.4K 213 15
                                    

Kaway kaway sa inyong lahat trying to finish this story hanggang sunday sana matapos ko na hehe

Pa follow naman and thank you dorshylover sa pagpromote ng I Remember The Boy ♥♡♥ 

Picture of Larry Samonte on the right===========>>>>

Song is Complicated by Avril Lavigne

===============================================================================

CHAPTER TWENTY

Larry's POV

Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa paparating na kaibigan ko, kasama niya ang....... Urgh! Pakiramdam ko ay masusuka ako nang malaman ko ang relasyon ni Arnold kay Jake. I despised all gays, to the point na gusto ko silang saktan lahat,  at napakaironic na ang best friend ko ay bakla din pala.

Hindi ko alam kung paano ito haharapin kaya naman minabuti ko na lang na umiwas sa mga ito, mahirap na at baka may magawa pa akong hindi maganda.

Matagal na kaming magbestfriend ni Arnold, magbestfriend na kami since high school pa lang, ginagawa namin ang lahat nang magkasama, kaya naman hindi ko lubos maisip kung bakit ito nagkaganito.

I blamed Jake! Simula kasi nang dumating ito sa buhay naming magkakabarkada ay nakita ko na ang biglang pagbabago kay Arnold, noong una ay binalewala ko lang ang bagay na iyon, at inisip kong baka naaawa lang si Arnold kay Jake, ngunit maling mali pala ako.

Nagdecide akong umabsent sa una naming klase, kaklase ko kasi si Arnold sa Calculus at hindi ko pa kaya itong harapin. Nagtungo na lang ako sa bakanteng lote sa school, may puwesto kasi ako doon kung saan ako tumatambay kapag gusto kong mapag-isa.

I decided to play some music using my phone, nagsuot na din ako ng earphone para walang makaalam sa puwesto kong iyon.

Twenty minutes na din siguro ang nakakalipas nang may mapansin akong grupo ng mga estudyante na patungo sa bakanteng lote.

"Great! So much for my me time." naiiling na naibulalas ko, akma akong tatayo nang mapansin kong kasama nila si Jake, at base sa reaksyon ni Jake ay mabigat sa loob nito ang pagsama nito.

Nanaig ang curiosity ko kaya naman nanatili ako sa puwesto ko, wala pa din nakapansin na nandoon din ako. Laking gulat ko na lang nang simulang saktan ng mga ito si Jake. Oo naasar ako kay Jake dahil naniniwala akong ito ang may sala kung bakit naging ganoon si Arnold, pero hindi ko din kaya na may makitang sinasaktan nang walang kalaban laban. 

I was about to stand up to help, when I saw Arnold rushing to his side. Agad niyang prinotektahan si Jake. I can see the love in Arnold's face para kay Jake at ganoon din si Jake dito.

"I love this man at kung sino man ang manakit sa taong mahal ko ay sisiguraduhin kong magbabayad." narinig kong sinabi nito, habang buhat buhat palayo si Jake, muli ay nanariwa ang galit ko nang maalala ko ang larawan nilang dalawa kanina.

Galit ako sa mga lalaking pumapatol sa kapwa nila lalaki, galit ako kay Jake Angelo for polluting my best friend's mind, galit ako kay Arnold for falling in love with a man at galit ako sa Dad ko.

Pinilit kong kalimutan ang tungkol kay dad, lalo na't nangako ako kay Mommy na hinding hindi na ako magpapaapekto nang iwan niya kami.

Tuluyan na akong nawalan nang ganang pumasok, kaya naman minabuti ko na lang na umuwi na lang, agad kong pinaharurot ang black BMW, palayo sa lugar na iyon.

"Larry anak, bakit ang aga mo atang umuwi?" tanong sa akin ni Mom nang makarating ako sa bahay, abala ito sa pagdidilig ng halaman nito, halata sa itsura nito ang pinagdaanang paghihirap nang mawala si Daddy.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon