Number 5

950 17 1
                                    

"I Love you, Ian. You're the BEST BEST FRIEND in the entire world."

"I Love you, Ian. You're the BEST BEST FRIEND in the entire world."

"I Love you, Ian. You're the BEST BEST FRIEND in the entire world."

"I Love you, Ian. You're the BEST BEST FRIEND in the entire world."

"I Love you, Ian. You're the BEST BEST FRIEND in the entire world."

"Bwisit na yan! Ba't ba nagrereplay ka sa utak ko? Gusto mo talagang ipamuka sakin ang pagka Friend Zone ko?! Aaaaargh!" Tapos ginulo - gulo ko yung buhok ko. Bwisit talaga. Simula pag-uwi ko kagabi, hindi na natigil sa pag-play sa utak ko yung sinabi ni Ariesa.

"Anak, papasok na ako ha." Sabi ni mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Oh? Hindi ba showing si Drake Palma ngayon?" Tanong ko pagkapasok nya sa kwarto ko. Sinimangutan lang ako ni mama.

"Bwisit na Drake yan. Laging kasama yung Shaira na yun." Kaya pala naka-simangot si mama eh. Tsss.

"Ma, please. Wala akong balak marinig ang rants mo tungkol sa Drake Palma na pinapanuod mo." Inis na sagot ko. "Aray! Para san yun?" Binatukan kasi ako ni mama. Tingnan mo 'tong si mama, sya na nga lang nakikipasok sa kwarto ko ako pa babatukan nya. Tsk.

"Siraulo ka kasi. Nagpunta ako dito para ibigay 'to sayo. Bakasyon. Hanggang sa debut mismo ni Ariesa." tapos may inabot sya sakin na plane ticket.

"Ako lang? Pano kayo?"

"Sa mismong araw ng birthday nya na lang kami pupunta ng papa mo o kaya the night before. Si Ariesa, may ticket na din para sa ngayong araw na 'to. Sabay kayo." Tapos umalis na si mama. May naiisip akong idea. Mwahahaha! >:)

--

("Ano? Bakit naman ngayon pa? Ian naman eh! Buong buhay ko, ngayon mo lang ako binigo. Aantayin na lang kita para sabay tayo.") Sabi nya sa kabilang linya. Magkausap kasi kami ngayon ni Ariesa sa telepono. Sabi ko kasi hindi ako makakasabay sa kanya papunta sa Palawan. Oo, ticket papuntang Palawan yung binigay mama kanina.

"Sorry, Riesa ah. Eh kasi emergency talaga. Kelangan ko puntahan si Berdy. Kawawa naman, naospital." Pagpapaliwanag ko.

"Berdy? Di ba aso yun?"

"Tao yun! Bernadette kasi yung pangalan nya kaya naging Berdy yung palayaw nya."

"Ah. Akala ko aso. Mukang pang aso yung nickname nya. Hay! Sige na nga. Basta sumunod ka, okay? Ayoko matulog dun mamayang gabi ng mag-isa." Sabi nya ng malungkot yung tono ng boses nya.

"Sige na. I have to go. See you later. Bye!" Tapos inend ko na yung call. Ang totoo nyan, aso talaga si Berdy. Aso yun ni Andy na pinaalagaan nya kay Glorie. Si Glorie naman, dating classmate ko nung high school. Umalis na ko ng bahay at nagpunta na ng airport. Naka-disguise ako para hindi ako mapansin ni Ariesa. Syempre, mahirap na.

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon