"Ikaw lang talaga, Ian. Ikaw lang."
Pagkasabi nya nyan, nakatulog na sya. Nakatulog sya sa tabi ko. Yung ulo nya, nakahiga sa balikat ko. Tinitigan ko syang mabuti habang tulog sya.
"Ano bang meron sayo at nabaliw ako ng ganito?" Nasabi ko bigla ng mahina habang nakangiti ako at nakatingin sa kanya. Pagkalipas ng ilang minuto, binuhat ko na sya at isinakay sa kotse ko. Hinatid ko na sya pauwi sa bahay.
--
Nakakatamad. Lunes nanaman. Buti na lang at summer na.... Oo buti na lang talaga summer na at kaka-graduate lang namin ni Riesa.
"Ian! You don't wanna be late for work, don't you?" Mahinahon na sabi ni mama habang kumakatok sya sa pintuan ng kwarto ko. Work? Huh?
"Ma! What are you talking about? Kelan pa ako nagkaron ng work? Wala nga akong pinag-apply-an pa na kumpanya eh." Naguguluhang tanong ko tapos binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko.
"You did apply the other night."
"MA! What are you talking about? Are on drugs?"
"Shut up, son! Drugs mo muka mo."
"A-aray ko ma! Masakit. Tama na!" Binatukan kasi ako ni mama tapos sinakal pa ko. May balak atang patayin ako. =______=
"Tumawag si Ellena at Matt sakin. Ikaw haaa! May HD ka pala sa best friend mo." Tapos pumasok sya sa kwarto ko. Sinundan ko naman sya.
"And so? Kelan ka pa naging concern sa love life ko?"
"Kelan? I'm always concerned about your love life, son. Hindi lang halata kasi I never talked about you regarding you love life. Pero ngayon, it's time for me to shine!" Sabi nya tapos parang kumikislap kislap yung mga mata ni Mama. Nako, masama 'to.
"Ma! Don't even dare. I'm telling you. Isusumbong talaga kita kay papa. Hindi mo naman siguro gustong mawalan ng credit cards for at least a week, diba?"
"Don't try to blackmail your mother, Ian. Walang bisa yan. And besides, your dad knows about it. Paaaaaaaaaul!" Tapos sinigaw - sigaw nya yung pangalan ni Papa hanggang sa dumating din sa kwarto ko si papa.
"Oh anak, bakit hindi ka pa ready? Yung driver mo kanina pa naka-ready." Sabi ni papa tapos binuksan nya yung closet ko.
"Ba't kelangan ko mag-ready?"
"Para sa Oplan: ArIan." Sabay na sagot ni mama at papa. Baliw na ata 'tong mga magulang ko. Nakakabaliw ba maging mayaman? Kasi kung oo, ipamimigay ko na lang sa charity yung mamanahin ko mula sa kanila. =_____=
"Ma! Pa! Tumigil nga kayo. Para kayong teenager sa mga ginagawa nyo oh."
"Gusto lang naman namin ng apo. Yan din ang sabi ni Ellena at Matt. Aba! Sayang naman ang genes nating mga Salvatore at genes ng mga Domingo kung hindi kayo ang magkakatuluyan." Sabi ni mama tapos tumayo sya at parang beauty queen lang. Yung chins up, stomach in, breast out tapos kumaway kaway pa sya habang si papa naman akala mo high school student na nanonood ng porn.

BINABASA MO ANG
10 Little Things
Novela JuvenilOne list, one name and one guy that will make her list happen. Who is she? Who is he? Find out.