8 and 9

908 20 13
                                    

"Ian!!!!!!"


"What do you want?" Natatawang tanong ko. Tapos nahiga ako sa kama. Nakabalik na kami sa resort. Nakakapagod din pala mag-gala.


"Ano mo nga kasi yung Christine?" Pangungulit nya. Kanina pa kasi nya paulit - ulit na tinatanong yan sakin.

"Bakit mo nga ulit tinatanong yan?" Tanong ko na may halong pang-aasar. Ang kulit - kulit kasi. Kanina pa eh. Nakakarindi. =__=

"K-kasi best friend mo ako at obligado kang sabihin sa akin lahat ng nangyayari sa buhay mo." Medyo natagalan sya bago sumagot sa tanong ko kanina.

"Wala nga lang kasi yun. Si Christine ay isang kaibigan. Friend. Anong bang dapat ko pang sabihin?" Nagsisimula na akong mainis. Sa ilang taon naming mag-best friend, eto pa lang ang pangalawang beses na maiinis ako sa kanya. Kung sakali lang naman.

"Talaga? Hindi mo sya girlfriend?" Pang-twenty na tanong na ata nya 'to. Tumango ulit ako. Tatalsik na ata yung ulo ko kakatango dito kay Ariesa. "Kahit 1% hindi mo nagustuhan yung Christine?" Interrogation ba 'to? Anong kaso ko? =___=

"Fine. Si Christine maganda, mabait, matalino, magaling kumanta. Ano bang hindi kagusto-gusto sa ganung klaseng babae? Oo, plano kong ligawan sya d------" Naputol yung sasabihin ko ng biglang nagsalita sya.

"Edi sinabi mo yung totoo. Plano mong ligawan sya. Yun lang pala, pinatagal mo pa 'tong usapan na 'to." Parang biglang nagbago yung aura ng muka nya.

"Anong problema mo?" Naguguluhang tanong ko tapos ngumisi ako. Ang sarap asarin netong si Ariesa.

"Wala! Osige, dyan ka na. Aalis muna ako." Tapos kinuha nya yung bag nya.

"Saan ka pupunta?" Napabangon ako bigla sa kama.

"Magkikita kami ni Damon. Sige na, bye." Tapos lumabas na sya. Bumangon ako sa kama at dali - daling tumakbo palabas ng kwarto namin.

"Ariesa! Come back at 8:30! May pupuntahan tayo! Ingat!" Sigaw ko kay Ariesa na hindi kalayuan ang distansya. Para mas makasigurado ako, tinawagan ko sya.

"Did you hear me?" Tanong ko.

("Of course, I did. I'm not deaf.")

"I will wait for you. Okay?"

("Why? Where are we going? Can I bring Damon with me?")

"Of course, you can't. It's a best friend's day. So..... I'll see you later."

("Ang dami mong alam. Fine, fine. See you later.") Tapos inend ko na yung call ko. Pero wala pang one minute, nagring nanaman yung cellphone ko.

Ariesa calling......

Sinagot ko yung call. "Ow?"

("Don't forget to open the veranda doors. Okay?") Napangiti naman ako sa sinabi nya.

10 Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon