JACOB'S POV
Bukas na ang retreat. Everything is set. Buti na lang pumayag si Mrs. Tan na gamitin na lang yung kotse ko.
Si Axle at Daniella ang sasabay sa kotse ko. Si Michelle at Jared ayun magkasama sa kotse ni Jared.
"Anak okay na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni Mommy
"Opo Ma." Sagot ko.
"Okay. Magiingat kayo dun ha? Always love you my son." Paalala ni Mommy
"Of course Ma." Sambit ko.
"Okay. Matulog ka na anak. Good night!" Sambit ni Mommy sabay Kiss sa noo ko.
Kinabukasan sinundo ko na si Charee sa kanila.
"Anak ingat kayo doon ha. Jacob ikaw ng bahala sa anak ko ha?" Sambit ni Tita Elaine
"Opo Tita." Sambit ko.
Nagpaalam na si Charee at sumakay na rin sa kotse ko. At ng makarating kami sa school. Paalis na halos, kaya sila Axle at Daniella sumakay na sa kotse ko.
After 1 and 1/2 hour nakarating din kami sa Villa Estrada. Medyo liblib yung daan papunta sa mismong Villa.
"Grabe. Ang liblib ng lugar na 'to." Sambit ni Daniella.
"Ang creepy." -Charee
"Tignan mo oh. Ang ganda nung bahay na yun." Turo ni Daniella
Bumaba na kaming lahat. Ang lawak ng Villa Estrada.
"Okay. Everyone! This is the Villa Estrada, and may mga restricted area tayo." Sambit ni Mrs. Tan
"Ang unang restricted area sa Villa ay ang bahay na 'yon. Di pwedeng pumunta diyan. Next yung bakuran doon bawal ding magpunta. Dito lang sa Function hall at sa mga cabins pwede." Sambit ng isang Matandang babae.
"Okay? Ayos na ba? Ngayon pumunta na kayo sa mga cabins niyo." Sambit ni Mrs. Tan
Nagsipuntahan na kami sa mga cabins namin. At matapos naming malagay ang gamit namin naglakad lakad muna kami.
"Bakit kaya pinagbawalan na pumunta sa bahay na yan?" Tanong ni Axle
"Baka bahay ng may-ari yan?" Sagot ko
"Weird. Mukhang walang nakatira eh." Sambit ni Axle.
"Ja! Okay ka lang? Tahimik ka ah." Tanong ko kay Jared
"A-ah! Oo naman!" Sagot niya. Wirdo neto!
Bumalik na kami sa function hall. Nilapitan ko si Charee na kausap sila Michelle at Daniella
"Oh kamusta kayo?" Tanong ko
"Ayos naman. Nagugutom na ako." -Ella
"May cookies ako dyan." -Axle. Nilabas ni Axle ang cookies na dala niya
"Sarap niyan ah." -Michelle
"Charee okay ka lang?" Bulong ko kay Charee
"Oo naman. Naalala ko lang si Erica sa cookies." Nakangiti niyang sagot
Third Person's POV
Di alam ng magkakaibigan na sa isang tabi may nakamasid sa kanila.
Kinagabihan, nasa labas si Charee habang nakaupo sa isang upuan. Habang si Michelle natatarantang maghanap ng signal.
"This is so annoying! Walang signal! Asar!" Galit na sambit ni Michelle
"Michelle. Diba nga, we're here para sa retreat and the number one rule is don't use gadgets if it's not needed." Sambit ni Charee
"Charee can you shut up?! I don't care with those rules! It's just a jerk rules!" Galit na suway ni Michelle
"Hay. Bahala ka nga diyan Michelle. Sumunod ka na rin sa loob. Baka makita ka pa ni Mrs. Tan diyan!" Sambit ni Chares sabay pasok sa loob. Pero ng papasok na siya nakaramdam na lang siya ng kakaibang lamig.
"Masyadong pa-perfect!" Inis na sambit ni Michelle. "Where is the Signal?!"
"Haaaaaaaaa." Isang nakakatakot na bulong ang sumalubong sa kanya.
"I think I need to go inside! Creepy things again! Luh!" Sambit ni Michelle.
Sa kaliman ng Gabi nagising si Jared. Di mapakali.
"Sh*t! Think there's someone who's staring at me!" Sambit niya habang nakapikit.
Tahimik lang ang paligid. Pero iba pa rin ang nararamdaman ni Jared
"Hoy Bakla. Wag mo akong titigan! Lagot ka sa akin bukas pag-gising mo! Manyak na bakla to!" Sambit ni Jared at gumilid na lang.
Naramdaman na lang niya ang parang isang napakalamig na yumakap sa kanya.
"Stop it Bakla! Manyak ka talaga!" Napasigaw siya at napabangon. Nagtataka siya dahil lahat ay tulog na kahit si Jeffrey na bakla. "Weird. Whatever."
Kinaumagahan, maagang nakapag-ayos ang lahat. Nagpunta na sila sa Dining area. 90 students ang kasama sa retreat.
Ano kaya ang sunod na mangyayari sa kanilang retreat? Maligaya ba o mapupuno ng katatakutan?
YOU ARE READING
Blockmail
RandomA heart that is full of revenge. Who will you trust? Can you break the mystery? What are you going to do to know the Blockmail? Keep it as a SECRET or You'll DIE.