Third Person's POV
Martes ng umaga ng magpunta sa puntod ni Erica si Jacob at Charee.
Erica Marie H. Trinidad
Born: November. 27, 19**
Died: January. 13, 20**"Happy Birthday Rica. Miss na kita. Pati kakulitan mo namimiss ko na rin. Mahal na mahal kita Bestie!" Sambit ni Charee habang umiiyak.
At sa di kalayuan ay isang babae ang nakatayo at nakatingin lang kina Jacob at Charee. Isang babaeng di nakikita ng kahit sino. At siya ay si Erica.
Umalis na sila Charee at Jacob para pumasok sa eskwelahan.
Habang si Michelle naman ay nasa Banyo at nagsusuklay ng buhok, nakarinig na lang siya ng isang nakakatakot na tunog.
"Aaaaaaaaahhhh!" Napasigaw na lang siya at lumabas sa banyo.
"Huy! Michelle! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Jared.
"I think there's a jerk inside the comfort room who's trying to scare me!" Galit na sagot ni Michelle
"Kumalma ka na nga lang. Tara na sa room." Sambit ni Jared.
Lahat nagkumpulan sa bulletin board ng school.
"After prelims na pala yung Retreat eh. Exciting! 1 week to go na lang!" Masayang sambit ni Darwin
"Oo nga yehey." -Jessa
"Ngayon ko lang narinig yung Villa Estrada. Saan yun? Parang liblib ata yun." -Jacob
"Oo nga Jacob. Bago lang din sa pandinig ko. Tara na Jacob." -Charee
Nagpunta na sa gymnasium si Jacob at Charee para sa P.E class nila.
"Charee! Patulong namang magsabit ng banner oh!" Sigaw ni Tanya.
Habang si Jacob kausap ang basketball varsity team.
Umakyat si Charee sa may bleacher.
"Tanya! Diba sira tong hawakan sa bleachers?" Tanong ni Charee
"Hindi. Kakatapos lang gawin to Charee. Patulong na." Sambit ni Tanya
Habang nagtatali sila Tanya at Charee ng banner. Biglang nabaklas ang hawakan ng Bleachers at nadulas si Charee. Buti na lang at nakahawak siya sa bakal.
"Tulong!" Sigaw ni Tanya. "Sandali lang hihingi ako ng tulong Charee."
"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Charee
Agad namang narinig ni Jacob ang sigaw ni Charee kaya agad siyang tumakbo.
"Charee!" Sigaw niya
"Jacob tulong!" -Charee
Habang nakahawak si Charee sa bakal napatingin siya sa taas. At nakita niya si Erica ng harapan. Face to face kumbaga kaya napapikit siya. At sa pagkapikit niya muli nanaman niyang nakita ang duguang mukha ng isang babae.
"Aaaahhh!" Napasigaw siya sa takot at napabitiw sa bakal.
"Charee!" Napasigaw silang lahat. Pero nasalo siya ni Jacob. Pero sa lakas ng pagbagsak ni Charee. Napaupo si Jacob.
Si Charee tulala at naluluha lang.
"Charee sorry talaga." Naiiyak na sambit ni Tanya
"Charee? Ayos ka lang?" Tanong ni Jacob. Pero biglang nahimatay si Charee.
Binuhat ni Jacob si Charee papuntang clinic at binantayan lang.
At ng magising siya.."Charity. Okay ka na ba?" Tanong ni Jacob. Niyakap niya si Jacob at umiyak.
"Natatakot ako." Sambit ni Charee
"Tahan na. Nandito lang ako. Wag ka ng matakot. Pangako lagi akong nasa tabi mo." Sambit ni Jacob.
Inihatid na lang ni Jacob si Charee sa bahay nila.
JACOB'S POV
Hinatid ko na lang si Charee sa bahay nila. Nagaalala ako para sa kanya.
Paguwi ko umidlip muna ako sandali. Dala na rin ng pagod.
"Charee? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko kay Charee na nakatalikod sa akin.
Di siya sumagot. Hanggang maglakad siya papunta sa isang babaeng nakaputi at may mahabang buhok. Teka.
"Erica? Uy Erica! Long time no see ah!" Sambit ko.
Pero bigla na lang bumagsak si Charee. At si Erica may hawak na kutsilyo na may dugo.
"Charee!" At nang sumigaw ako biglang naglaho si Erica at Charee.
"Charity!" Napabangon ako mula sa pagkatulog isang panaginip lang. Tama. Masamang panaginip.
Bigla na lang along kinabahan. Pakiramdam ko totoo yung nangyari sa panaginip ko.
Hinanap ko na lang yung year book namin noong high school. Nang makuha ko na ang year book biglang may nahulog na papel.
News: Student from St. Louis Academy found dead in the river side.
Kinilala ang 3rd year high school student mula sa St. Louis Academy na nakitang wala ng malay sa tabi ng ilog sa isang probinsiya. Siya ay si Erica Trinidad, 15 taong gulang.
"Dapat tinatapon na to eh. Case closed na rin naman. Hinayaan na lang naman ng Mama ni Erica ang kaso." Sambit ko sabay tapon ng papel sa Basurahan
Naiwan mang palaisipan sa amin kung bakit hindi tinuloy ng mama ni Erica ang kaso at pagiinbestiga wala na rin kaming magagawa. Di na mababalik nun ang sakit at katotoohanan na wala na si Erica.
YOU ARE READING
Blockmail
RandomA heart that is full of revenge. Who will you trust? Can you break the mystery? What are you going to do to know the Blockmail? Keep it as a SECRET or You'll DIE.