Chapter I: Start

2 1 0
                                    

CHAREE'S POV

"Ma, una na po ako. Mamita alis na rin po ako." Paalam ko kay Mama at kay Mamita.

"Umuwi ka ng maaga ha Charity." Paalala ni Mama habang nakatingin sa larawan ni Papa.

"Opo ma." Sambit ko sabay labas ng bahay.

Pagdating ko sa campus as usual maiingay ang mga tao.

"Charee!" Tawag sa akin ni Michelle.
"Bakit Miche?" Tanong ko

"Wala naman. May Retreat tayo next month! Sa pampanga daw." Sagot niya

"Nice. Magkano daw ang fee?" Tanong ko

"Hmm. Di ko alam eh. Pasok na tayo sa room baka andyan na si Ma'am terorista!" Sagot ni Michelle sabay pasok kami sa room.

"Charee.." Sambit ni Jared

"Bakit?" Tanong ko

"Wala lang namiss lang kita." Sagot niya

"Hoy Jared. Kung manttrip ka lang wag ako! Asar ka eh!" Sambit ko sabay upo sa silya ko.

"Class! I already have the memo. First batch na magreretreat ay kayo. Sad to say pero hindi sa Pampanga. Ibang lugar siya it's a big villa. And I am expecting everyone to come." Sambit ni Mrs. Tan.

After class nag-CR muna ako. Habang sila Michelle busy sa pakikipag-kwentuhan.

Napahawak ako sa lababo at napapikit sa sakit ng ulo ko. Pero agad ko ding minulat ang mga mata ko ng may makita akong babaeng duguan ang mukha.

"Hhhhhhhhhhhhh." Bigla akong kinilabutan ng marinig ko ang tunog na iyon.

Dali dali akong lumabas ng banyo. Nagtataka naman sila Michelle kung bakit putlang putla ako.

"Charee ayos ka lang ba?" Tanong ni Jared

"A--ayos lang." Sagot ko.

"It's like you saw a ghost or a creepy thing!" Sambit ni Michelle.

"Umuwi ka na kaya. Mukha kang di okay eh." Sambit ni Jacob

"Okay lang ako wag kayong magalala sa akin." Sambit ko.

Pauwi na ako at iniisip ko pa din ang nakita ko.

"Charee tama na. Wala kang nakita  wala kang narinig. Guni guni lang yon!" Sambit ko sa sarili ko

Paguwi ko si Mama nakaupo pa rin sa harap ng larawan ni Papa. Hindi makamove on si Mama sa pagkamatay ni Papa.

"Ma, mano po." Sambit ko sabay mano.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Mama

"Opo Mama. Matutulog muna po ako." Paalam ko

"Sige anak. Pauwi na niyan ang Kuya mo." Sambit ni Mama.

Pag panik ko sa kwarto nagpalit muna ako  nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Jacob
Ayos ka na ba?

"Mamaya ko na lang rereplyan si Jacob." Sambit ko

Humiga na ako at pumikit..

"Cha..Ree.. Charee.. Charee.." Tawag sa akin ni Erica

"Erica? Bakit ang lungkot mo? May problema ba? Erica?! Erica nasaan ka? Rics! Rics!"

"Charity! Gising!" Nagising ako sa pag-alog ni Kuya.

"Kuya.." Napayakap ako kay Kuya, naluha na lang ako.

"Tahan na." Sambit ni Kuya

Naguguluhan na ako! Bakit nakikita ko si Erica sa panaginip ko?

JACOB'S POV

Dalawang taon na ang nakakalipas pero malungkot pa din si Charity sa pagkamatay ni Erica. Case Closed na dahil wala namang nakapagturo kung sino ang may sala.

Tinext ko siya pero di naman siya nagreply. Ano kayang nangyari dun?

"Jacob? I heard about the Retreat. Are you going?" Tanong ni Mommy

"Siguro po.. Kung.."

"Kung sasama si Charity? Siguro naman sasama si Charity." Sambit ni Mommy

"I hope so Mom." Sambit ko.

Kinabukasan maaga akong nagpunta sa practice namin sa Basketball. Ganun pa rin! Late nanaman sila.

"May tao ata dito. Weird ah." Sambit ko ng makarinig ako ng pagtalbog ng bola na parang nagddribol.

Sa locker room ako unang nagtingin. May bolang nakapatong sa isang upuan.

"Mang Lito? Tao po. Mang lito nandyan po ba kayo?" Tawag ko. And something creepy sound ang narinig ko.

"Bakit?" Nagulat ako sa boses ni Mang Lito

"Ahh. Kanina pa po ba kayo dito?" Tanong ko

"Kakadating ko lang. Tsaka bakit kumuha ka na agad ng bola?" Sagot ni Mang Lito

"Yun nga po sana ang itatanong ko. Kung bakit may bola na pong nakalabas." Sambit ko

"Naku. Hayaan mo na lang nga. Lumabas ka na dito." Sambit ni Mang Lito.

Sobrang weird. Guni guni ko lang talaga siguro.
After ng practice dumaan muna ako sa bahay nila Charity.

"Kuya Charlie." Sambit ko

"Nasa taas siya. Puntahan mo na lang." Sambit ni Kuya Charlie sabay tapik sa balikat ko.

"Mano po Tita Elaine." Sambit ko sabay mano.

Umakyat na ako sa taas papuntang kwarto ni Charity. Nang marinig kong may umuungol.

"Charity.." Sambit ko. Nananaginip siya kaya ginising ko siya.

"Erica!" Sigaw niya sabay yakap sa akin.

"Charity? Kumalma ka. Anong nangyari?" Tanong ko

"Si Erica. Napanaginipan ko siya." Sagot niya. Nanginginig ang boses niya.

"Charee, maglakad lakad nga muna tayo para makalanghap ka ng masarap na hangin." Alok ko.

Naglakad lakad kami sa may village. Tuliro siya. Kaya umupo muna kami sa may park

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ko

"Magmula kahapon napaginipan ko si Erica. Tinatawag niya lagi yung pangalan ko." Sagot niya

"Charee siguro dahil malapit na ang birthday niya kaya ganun. Alam mo yun scientifically sabi nila diba if ang isang malapit sa buhay mo na namayapa tapos malapit na yung death anniversary or birthday or special day para sa inyo naalala mo siya." Sambit ko.

"Sana nga Jacob." Sambit niya.

Inihatid ko na siya sa bahay nila at sa Martes pupunta kami sa puntod ni Erica.

BlockmailWhere stories live. Discover now