62

30 3 3
                                        

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
what the

km🔒@kaelamarie
ampota ayan kasi tanong tanong

km🔒@kaelamarie
ano na to ngayon gago

[ TELEGRAM ]

kambal
Today 10:48 PM

gising k p b
pls magising ka


yes
why? what happened?
are u okay?????
OMG
u're still not home where are u!!!


pauwi na kc teka
nasa kwarto k?


yes
i checked nong nag chat ka thinking u'll be here


cge
hintayin mo nlng aq dyan
lapit na q


no di na
i'll open na lang the gate for u


kylie maraming lamok sa labas


i'll wait sa sala tas chat kapag kanto ka na
so i can open the gate


ok


BUT FIRST ARE YOU OKAY


oo
wag k mag overthink pls


okay
i don't need to be worried ha?


oo nga


okay okay
chat kapag u're near na


oo



10:53 PM



kanto n


okay
Seen


***



Hindi bago para sa dalawang magkapatid ang magtabi sa iisang kama. Bago sila mag highschool, lagi silang natutulog magkatabi kapag nagagawi ang isa sa bahay ng isa. Kahit pa noong nasa iisang bahay na sila at may magkaibang kwarto, may iilang gabi na pinipili nilang matulog magkatabi- kahit nga ngayong nag kolehiyo. Kaya walang bago sa gabing tulad nito: dalawang magkapatid, tig-dadalawang unan, niyayakap ng parehong kumot.

Kahit ang kwentong naghihintay masabi ay hindi na bago sa dalawa. Dahil madalas, ginagawa lang naman nila ito kapag may gustong sabihin ang isa.

"Wala ka bang gagawin? Hindi ka busy?" basag ni Kaela sa katahimikan. Nakatingin silang dalawa sa kisame ng silid ni Kaela. Hindi tulad ng kay Kylie na may palamuting glow in the dark stars, purong espasyo lang ito.

"I'd say I wouldn't be here if I was busy, pero I know din na I would be here still even if I was swamped. Anyway, I'm not naman. Thankfully. Done na lahat ng final exams ko kanina so I'm finally free," daldal ni Kylie sa kambal. "How about you? Done na rin with exams?"

"Oo. Kanina lang din."

"How was it naman?" Lumingon si Kylie sa gawi ng kambal.

"Okay lang. Musical last assessment namin kaya medyo nakakapagod pero kinaya naman."

gently like leaves (de torre twins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon