59

39 3 9
                                        

[ MESSENGER ]

cloverisms
Today, 8:02 PM

caf kayo?

cia
Oo clief
May papabili ka?

tubig please
'yong 'di malamig

cia
Okiiii
Food ayaw mo?

teka
pabili nalang din dalawang toppings
dalawang water na rin pero malamig 'yong isa
thank you, cia!!!

cia
Okay okay
Sige teka lang




[ INT. CLASSROOM - EVENING ]

Nakaupo si Kaela sa sahig, kasama ang iilang props team, at may ginugupit sa papel na kakailanganin nila para sa musical nang tumabi si Clief sa kaniya. Hindi ito kumibo, pero ramdam niya ang tingin nito sa kaniya. Kaya galing sa ginugupit, inilipat niya sa binata ang tingin.


CLIEF
Hello, Kae.


Pagod itong ngumiti kahit at tila kumikislap ang mata.

KAELA
Naka break kayo?

CLIEF
Oo. 30 minutes daw. Pero baka mag one hour kasi sa labas kumain 'yong iba.

KAELA
Okay.

Ibinalik ni Kaela ang atensyon sa ginugupit.

CLIEF
Kae, idlip lang ako, ha?

Tumango ang dalaga rito, pero hindi siya naging handa nang isinandal ni Clief ang ulo sa balikat niya. Natigilan siya saglit sa pag gupit, saka ito nilingon.

Hindi niya napigilan ang mahinang pag singhal.

KAELA
Clief.

CLIEF
Hmm?

KAELA
Magkaka-stiff neck ka niyan. 'Wag diyan.

Hindi pa rin ito gumagalaw kaya ang balikat niya na lang mismo ang itinaas baba niya.

KAELA
Sasakit nga sabi leeg mo diyan. Kalaki mong tao.

Hindi napigilan ng binata ng mahinang pagtawa sa sinabi ni Kaela. Pikit mata itong umupo muli nang matuwid, ang likod ay nakasandal sa pader.

Hindi nakatakas kay Kaela ang mga labi nitong bahagyang nakanguso. Muli siyang napasinghal at itinuwid ang mga binti.

KAELA
O, dito.

CLIEF
Ha?

Iminulat ni Clief ang mata, pansin dito ang antok na gumagapang sa kaniya.

KAELA
Higa ka na lang. Dito ka umunan.

Tukoy ni Kaela sa mga binti niya. 

gently like leaves (de torre twins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon