(A/N: Kacareerin ko na 'to! Malapit natong mag 600+ reads. Thanks sa mga bumabasa ah?! @bubblykimmy kapatid ko! Salamat ng marami)JHERICKA'S POV
Hindi talaga ako makapaniwala na magiging kami nitong si Namja Dobi ko! Kase naman, Before pangarap ko lang siya. Siya 'yung tao na kauna-unahan at kahuli-hulihan lalaki na iistalk ko. Ngayon, abot kamay ko na siya. Abot kamay ko na ang pangarap ko. Dahil lumingon siya. Liningon niya ako.
Flashback
/Two Months Ago/"Friendship, nakita ko si Chanyeol na may kasamang chickabebeng chaka sa may locker room." Kwento sakin ni Felicito. Nandito kami ngayon sa Canteen at NagLa-Lunch kaming Dalawa ni Bestfriend. Halos maibuga ko yung kinakain kong kanin sa mukha ni Felicito kaya naman bigla na lang akong napahampas sa Table namin. Tubig.. I need water!
"Ayos ka lang ba friendship?" Tanong sakin ni Felicito. Bobita talaga 'to. Mukha ba kong okay?! E halos mabilaukan na ko sa sinabi niya! Kaya naman sinapak ko siya.
"G-gaga. Akin n-n-na 'yang j-juice m-mo!" Mamatay-matay kong sabi kay Felicito. Nagpanic naman ang baklang 'to at inabot sakin 'yung Orange juice niya. Agad-agad ko naman 'yong nilagok na para bang wala ng bukas.
"Ay, friendship! Naaalala mo pa ba 'yung kaaway mong si Becca?" Napatango ako sa tanong ni Felicito. Ano naman kayang meron dun sa Number One na karibal ko kay Chanyeol?! I hate her so much! That flirt. Matusok sana siya ng Eyeliner niya ng mabulag na siya. Tss. "Siya 'yung kasama ni Chany---" Hindi na naituloy ni Felicito ang sasabihin niya dahil naibuga ko sa kanya ang iniinom kong juice. LIKE OMG! Bakit siya pa?! Bakit hindi nalang 'yung isa kong karibal na kaklase nitong si Felicito?! 'Yung Xera na 'yon? Argh!
"What the hell friendship?!! 'Yung damit ko?! Argh!" Pag-iinarte nitong si Felicito na hindi ko nalang pinansin. May kailangan akong puntahan. May kakalbuhin pa ako.
"Felicito, Samahan mo ko sa Locker Room ngayon na! May kailangan akong kalbuhin ngayon." Madiin at seryoso kong pagkakasabi. At alam ni Felicito na pag ganun ako magsalita, Seryoso ako. Im dead serious.
*****
"Felicito! Pede ba bilisan mo nga!" Iritadong sigaw ko kay friendship.
"Hoy friendship! Lizy sabi ang itawag mo sakin! Nakakasuka na nga 'yung pangalan ko, pinapaulit-ulit mo pa! Kung ayaw mo ng lizy, friendship nalang!" Rinig kong paga-alburuto nitong si Felicito. Bakit ba? Felicito ang gusto ko e. So bear with me nalang diba?
"Lizy?! Friendship?! At kung ano-ano pa! Felicito ang itatawag ko sayo forever! Wala ka nang magagawa. Bilisan mo sabi! Ano ba?!" Sigaw ko naman.
"Walang poreber gaga."
Tss. Umandar na naman ang pagkabitter nitong isang 'to. Kainiszxc. Kasi naman si Bentong nagbabae, e nahuli nitong si Felicito. Edi 'yun nga, Kinalbo niya ang Chaka. Hep, Moment ko 'to. Basta, Single na ulit ang Bakla. Tapos.
"Umaandar na naman 'yang pagka-bitter m---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang takpan ni Felicito ang bibig ko. Problema nito?! Nagpumiglas ako at nakita ko siyang nagmamasid. E? Saan kaya?
"Gaganess mo talaga. Tumahimik ka nga at baka makita nila tayo." Sabi ni Friendship sabay nguso sa kanan. Napatingin naman ako at nakita ko si Bentong kasama 'yung Chaka Doll na sinasabi ni Felicito. Gosh. Chaka nga. Grabe 'yung make-up niya. Naglamutak sa face niya, Dahil siguro 'yan kay Bakla.
Handa na sana akong kutusan ang baklang 'to kasi nga si Chanyeol ang pinunta namin dito, tapos eto? Etong harutan ni Bentong with Anabelle ang makikita ko? Hustisya bhe.
Napatingin ako kay Felicito, Hayszxc. Umiiyak siya, Grabe talagang magmahal 'tong si Bakla e. Sagad hanggang sa laman at buto. Nakakaawa siyang tingnan. Sa ngayon. Dahil sigurado ako, isa lang ang makakatulong sa kanya sa pagmo-move on. Shopping~
"Lizy, tahan na. Hayaan mo, hahanap tayo ng Boylet mo sa Mall mamaya pagkatapos nating mag-shopping. Tahan na ah?" Pwe, ngayon ko lang siya tinawag na Lizy e. Tutol talaga ko sa pagiging bakla nito e. Gwapo kaya nito! Tsk. Bakla lang kase, Pero bhe, Mas gwapo pa 'to sa mga nagiging Jowa niya. Ultimong si Bentong na Hearthrob e, kinabog niya! Sayangnescxz.
Nakita ko naman na biglang nagningnig ang mga mata niya. Talaga 'to. Boys at Shopping talaga ang nagpapasaya sa isang 'to.
"Talaga friendship?" Tanong niya sakin. Napatango nalang ako at naglakad na palayo. Mukhang wala na sina Chanyeol dito e. *pakkk* ARAY KO! Massaquette! Sinapak ako ni Felicito. Araykubhe. "Gaganeszxc. Bobita. At san ka pupunta? Nandito si Fafa Chanyeol sa loob no! Whiz ka na! Gora na sa loob at kalbuhin mo na si Chakabebe sa Loob. Make sure that there will be no hair left, Okay?" Litanya sakin ni Bakla sabay Wink at tulak sakin sa loob.
Lets get it on, Mayweather.
Chos lang. Humanda ka Becca Labog. Kakalbuhin kita.
BINABASA MO ANG
(Slowly Updating) Look Back Or Not?
FanfictionBTS' KIM TAEHYUNG'S FAN FICTION. /Also Known As, V./ Lilingon o hindi?! #StiffNeck