Chapter 17-Ano ba 'tong pinasok ko?

29 3 0
                                    

A/n: Meron na palang Part Two! Ahehehehehe

-

"Halika dito Miss?" Sabi sakin ni Mama Jin. Mama Jin nalang daw kasi ang itawag ko sa kanya, baka daw kasi isuka niya sa pagmumukha ko 'yung intestines niya. Talent bang tawag dun?

"MISS!"

"AY! LECHENG BAKLANG MAHILIG SA PINK!" Ay! Nakakagulat naman si Mama Jin! Napatingin naman sakin 'yung limang kaibigan ni Tae. Parang may sinasabi 'yung mga tingin nila eh. Para bang Omg-Yari-Ka-Kung-Hindi-Ka-Magsosorry Look. Mga ganun ba. OMG. "Ay sorry po", kita ko naman ang pagthumbs-up nung lima at parang sinasabi nilang Buti-Nalang-Nagsorry-Ka-Ligtas-Kana Look. Phew! Nakakatakot naman kasing tumitig si Mama Jin, parang pinapatay niya na ko eh.

"Bagay talaga kayong dalawa ni Taehyung eh, mga utak munggo. Ano nga kasi 'yang leshe mong pangalan?!" Pasigaw na tanong ni Mama Jin, eh malay ko ba na tinatanong niya 'yung name ko! Wala naman siyang sinasabi! Miss ng Miss! Kaurat to ah? -___-

"Xera po." Magalang kong sagot. Ano ba kayo? Ambait ko kaya.

"Okay, so Xera, Anong ginagawa niyo ni taehyung kanina?" Napanganga naman ako sa tanong ni Mama Jin. Like OMG! Mukha bakong kaladkarin? Prostitute? One night stand? At higit sa lahat, May Martilyo at Pako anong tunog? POKPOK?!

"HYUNG!" Napatingin naman ako kay tae. Aba't nandito pa pala 'tong isang 'to? Kala ko kase naglaho na. -_-

"Anong HYUNG ka dyan?!" Sigaw naman ni Mama Jin. Bakit nga kasi Hyung? Jin ang name niyan eh. Biglang tumabi sakin 'yung lima. Bale 'yung lalaki na malaki 'yung ilong sa kanan ko, sa kaliwa naman 'yung unano. "Get ready for the live movie," sabi ni Ilong sabay abot naman ni Unano ng Popcorn sakin. Where did these came from? Napaenglish ako sa sinabi ni Ilong ah. Syeeet. "Nga pala, ako si Jungkook. Iyang unano na nasa kaliwa mo ay si Jimin, ayun namang isa na katabi niya ay si Kabayong JHope. 'Yung sa tabi naman nun ay si RapMon. Eto namang katabi ko, si Suga. Nice to meet you."

"Pero Xera ang name ko." Inosente kong sabi kay Ilong-- este Jungkook pala. Nakita ko namang napa-pokerface si Jungkook. Bakit na naman?

"Ang cute mo. Ito 'yung tinutukoy ko oh!" Sabi niya sabay hampas sa dibdib ni Suga. Kitang-kita ko naman ang pagkagulat ni Suga, lumaki kasi 'yung mata niya eh. Kahit ako magugulat eh, nanahimik ka tapos bigla kang hahampasin sa dibdib? Ang brutal lang.

"Fine! MAMA JIN NA KUNG MAMA JIN!" Napatingin ulit kaming lahat dun sa dalawa. Sumigaw kasi si Tae. Parang mapapa-tae na 'tong isang 'to ah?

"Good." Sabi ni Mama Jin sabay dahan-dahang tumingin sa harap ko habang... pvtangina. Nakaevil-smirk siya. Ramdam na ramdam kong sakin sila nakatinging lahat. Napalunok nalang ako. "Ikaw." Turo ni Mama Jin sakin.

Next thing i knew i was kissing the floor. Aba! Itulak ba naman daw ako ni Jungkook at Jimin! Eh ang lalaki kaya ng braso nilang dalawa! Nasan ang hustisya?

"Okay ka lang ba?" Napatingin naman ako kay Tae. Nagbibiro ba siya?

"ARAY!" Sigaw ni Tae, sinuntok ko kasi.

"Okay ka lang?" Seryoso kong tanong.

"MALAMANG HINDI!"

"LALO NAMAN AKO! ANG TANGA MO KASE!" Pabalik ko namang sigaw sa kanya.

Nagkaroon ng katahimikan sa buong clinic, 'yung tunog lang ng pagnguya ni Jimin sa popcorn 'yung nangibabaw. Nasapak tuloy siya ni Jungkook sabay sabi pang,"Mamaya ka na kumain!" Ang brutal lang ni Jungkook eh no?

Nagkatitigan kami ni Taehyung at sabay nalang kaming natawa sa itsura namin. Aba, ngayon lang ata 'to nangyari. At tinawag ko na rin siya sa Tunay niyang pangalan. Hindi kaya----  Ano ba itong pinasok ko?

-
Ahyeah. May gagawin akong bagong story! Libreng Plug. Ahehehehez. Tignan niyo nalang po sa works, kung interested po kayo. Komawo~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Slowly Updating) Look Back Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon