AKALA

113 2 1
                                    

*bzzzt bzzt*

From: Nick

Shane! Kita tayo. Alam mo na kung saan ha? Sige na! May sasabihin ako! Salamat!

--

Nagtext nanaman tong si Nick. Ano nanaman kayang ikkwento niya?

Matagal na akong may gusto kay Nick, grade 3 palang kami, crush na crush ko na siya. Hanggang ngayong 4th year highschool na kami, siya padin ang gusto ko. Ewan ko ba! Hindi naman siya gwapo. Hindi naman siya katulad ng iba na, kapag tinignan mo, halos malaglag na panty mo sa sobrang gwapo.

Si Nick kasi yung tipo ng lalaki, matalino,mabait, caring, mapagkakatiwalaan, sweet and etc. Kaya siguro, hanggang ngayon, siya padin ang gusto ko.

Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Kasi, mula nung elementary days namin, mahal niya na si Abby, ang bestfriend since birth ko. Masakit, pero tinitiis ko yun mula noon pa. Nakikisakay ako kapag naghaharutan sila. Nakikikilig ako kapag sweet sila sa isa't isa.

Kaya alam niyo, tuwang tuwa ako nung nalaman kong may kaMU na ang bestfriend kong si Abby. Kasi may pag-asa ng maging kami ni Nick. Pero shempre, ayokong masaktan si Nick, kaya hindi ko sinasabi na may kaMU na si Abby.

"Hmm, Abby. May pupuntahan pa ako eh. Mauna kana umuwi. Bye girl! Mwa!" Tapos nagbeso ako sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya kung saan ako pupunta. Chichikahin nanaman ako nun eh.

*bzzzt bzzt*

From: Nick

Nasaan kana Shane? Naghihintay na ko dito sa puno. Dali! Tumakbo kana.

--

Sabi ko nga tatakbo na ako eh. Kapag si Nick ang nag-uutos, sumusunod agad ako. Ewan ko kung bakit? Siguro kasi mahal ko lang talaga siya. Psh! Nakakalokang magmahal, lalo na kung hindi ka mahal ng mahal mo. Mapapasayaw ka nalang bigla ng, WAG NANG MAGPATUMPIK TUMPIK PA BOOM KARAKA-RAKA! Hahaha.

Nakarating nako dito sa punong pinagtatambayan namin ni Nick.

Naging close naman na kami kasi nga, gusto niya yung bestfriend ko.

Kumbaga ako yung nagiging tulay sa kanila.

Kaso yung tulay, naputol, nafall sa isa.

Nakita ko siyang nakatingin sakin. 

At para bang nakaramdam ako ng..

SLOW MOTION..

Yung tipong bumagal ang pag-ikot ng mundo.

Nawala lahat ng nasa paligid namin.

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo to."

"Ano yun?"

Nagtaka naman ako kasi, kakarating ko lang nagsalita na agad siya. At yung mga mata niya, para bang wala sa sarili niya.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Sana dati ko pa sinabi to, natotorpe lang kasi ako. Hindi ko alam kung pano ko maipapaliwanag sayo ang nilalaman ng puso ko. Mahal mo din ba ako? Kasi ikaw, mahal na mahal kita."

O_____O

Hindi ako nakapagsalita.

Para akong binuhasan ng malamig na tubig.

At para bang napako ako sa kinatatayuan ko.

Tinalukuran ko siya. At bumulong ako.

"Mahal din kita Nick."

One Shot Stories. :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon