BUWELO NI T-O-R-P-E.

67 1 0
                                    

Wala lang 'to. Pachuchu lang 'to about sa mga torpe. Andaming narerequest eh. Susunod naman daw yung manhid. Haha! Natutunan ko lang 'to sa mga kaibigan ko. Charot! Basta basahin niyo. Lol. Bahala na si Batman kung man maitype ko dito. :D

PS: Nakaprivate to. Followers lang nakakakita. May pinaparinggan lang naman ako dito eh. Sana nababasa niya to. Madami kayo! Classmates, friends, BWAHAHA! :) TAMAAN KAYO PLEASE LANG!

T-O-R-P-E.

Sila yung klase ng taong, TAPAT ang nararamdaman. Yung tipong hindi puro salita lang, kasi dinidibdib nalang nila yung pagmamahal nila sa isang babae. Masasabi ko lang, huwag niyo masyadong dibdibin, may likod pa kayo. Joke. Ilabas niyo yan! Baka gusto ka naman niya, kaso nagsawa na siya kasi ganyan ka. Yung tipong NAGHIHINTAYAN nalang  pala kayo.. Nakakahiya naman sa mga babae yun diba? Babae pa aamin? Kaya kumilos ka! Ano ka? Si Juan Tamad? Hinihintay mo bumagsak ang biyaya papunta sa'yo? Well.. Wala na yan! Lahat na pinaghihirapan. May babaeng easy to get pero bihira lang yun! Kailangan pading maghirap.

Bigyan ko kayo ng eksena ha? Chuchu lang 'to. Imaginary friend.

May kaibigan ako, may dalawang lalaking torpe, PAREHONG GUSTO yung kaibigan ko. Ewan ko sa dalawang yun! Nagpapatorpehan ata! One day, nagtapat ng feelings yung isa. Edi nganga yung isa, eh si Girl, nalilito sa nararamdaman niya, mas gusto niya kasi yung lalaking hindi umamin. Hanggang sa naging MU sila nung lalaking umamin. Etong si Boy Nganga, edi nganga padin, torpe eh! After asdfghjkl months, nagkalabuan yung mag-MU. Etong si Torpe, kinaibigan si Girl. Edi kilig silang pareho kasi gusto nila ang isa't isa. Ngayon, magbestfriend sila, bestfriends with feelings ang drama nilang dalawa.

Anong lesson?

LESSON: Huwag hayaang magkagusto sa iba ang taong gusto mo. Walang patutunguhan yun. Kung alam mong may pag-asa ka, igrab mo na yun! Minsan lang yun. Kaibiganin mo muna yung gusto mo, kasi diba mas maganda kung magkaibigan muna kayo bago landian? Hahaha. Joke. Basta yun.

Another eksena!

Si Boy1 may gusto kay Girl. Si Girl may gusto kay Boy2. Si Boy2 may gusto kay Girl. Si Boy1 matino, mabait, gwapo kaso hindi maporma, maalaga sa babae kaso torpe. si Boy2, playboy, bastos, pervert, parang gangster, gwapo, maporma, mayaman, hindi torpe, mabola sa babae. Sinagot ni Girl si Boy2. Isang araw, pumunta yung girl kay Boy1, break na daw sila ni Boy2 kasi ayaw niyang may mangyari sa kanilang dalawa.

Lesson?

Huwag hayaang makuha ni Bad boy yung taong mahal mo. Mahal mo eh! Bakit hahayaan mong mahalin niya yung taong alam mong masasaktan siya. Gumawa ka ng paraan para mapunta sa'yo yung pansin niya. Kaibiganin mo! Magjoke lang lagi, kasi ang babae, kung napapasaya mo siya, madali siyang mafafall sayo. Syempre, saan siya lulugar? Sa taong hindi ka masaya, o sa taong sobrang saya mo? Ang tanga niya kung gusto niyang malungkot.

Eto pa!

May klase kasi ng lalaki na alam niya na nang may crush sa kanya yung babae, ayaw niya pang sunggaban! Joke! Wag niyong sunggaban. Haha! I mean, alam niya namang gusto siya nung babae, pero binabaliwala parin yun. Nagsusungit pa sa babae! Nagpapahabol effects pa, gusto niyo kayo ang nililigawan? Well, liligawan kayo ng tangang babae. 

TORPE?

Nasa sulok lang lagi yan. Laging nakatago. Gustong gustong makasama yung taong mahal niya pero kapag nandyan na, nagtatago na, nakayuko na. Anong bang magagawa ng pagtatago mo? Kumilos ka! Tapos kapag sinabihan kang torpe ka, ang isasagot mo lang. "BUMEBWELO LANG AKO." Ilang taon ka ba bubwelo? Simulan mo na ngayon! Ikaw rin, baka mahuli ka sa pila. Baka magsawa na siya kakahintay sa'yo. Ikaw naman pala gusto niya.. Kaso torpe ka.. Wala na! Alam ko na tanong sa isip mo!

"EH PANO KUNG HINDI NIYA AKO GUSTO?"

Woo! Sinasabi mo na agad yan! Hindi mo alam ganyan din nasa isip niya, nasa isip niya, may gusto kang iba at pagiging bestfriend niya lang ang gusto mo. Ilabas mo yan! Walang patutunguhan yan, wag kang puro buwelo! Umabante ka. Pano uunlad ang Pilipinas kung puro buwelo nalang. Kumilos ka! Hindi yan pwede kay Enrile. Hahaha!

PS: Torpe ka man, may patutunguhan din yan! Kung sisimulan mong kumilos ngayon na parang wala nang bukas.

--

All Rights Reserved.

(c)JannaMaeBaby

ANONG GUSTO NIYONG NEXT TOPIC? HAHA!

One Shot Stories. :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon