Chapter 5: Plans

168 8 1
                                    


[ MELISSA ]


"Totoo ba yang sinasabi mo, Mel?" bungad sakin ng nakakunot na noo na si Mika.


Pabagsak na sumara ang pintuan ng kwarto ko dahil sa pagmamadali nilang dalawa. Bumagsak na rin ako sa kama ko dahil sa sobrang pagkahilo. Damn, i'm so drunk! And I won't ever do this again! Not anymore!


"Melissa!" Sigaw muli ni Mika.


Napairap nalang ako't nagtago ng mukha sa unan. Fuck, I really cant talk right now! Ugh.


"Melissa! Talk to us!" Si Maddie naman ngayon ang nangungulit.


Sumenyas ako na umalis na sila dahil umiikot talaga ang mundo ko. Alam kong ilang sandali na lang ay masusuka na ko. Lalo na't nangungulit pa sila.


Gumalaw ang hinihigaan ko dahilan kung bakit napatayo na agad ako't sinikap na makarating sa cr. Muntik pa kong matumba dahil sa pagkakahilo ko! I'm a drunken btich and I hate it. F!


"Ugh! Damn!"


Halos isubsob ko ang buong mukha ko sa toilet bowl. Sobrang sikip na ng dibdib ko at habol ko na ang hininga. Hindi ko na alam kung anong itsura ko pero wala na akong pakealam. I feel so sick as hell!


"Come on, Melissa. You need to tell us everything! Hahayaan mo nalang ba na tumunganga tayo pag nagkita na tayong lahat?" Ani Maddie.


Umirap ako kahit nakapikit ako. "I don't fucking care right now. I dunno if you guys are blind or just idiots. Masama ang pakiramdam ko. So will you two go out and leave me here? Alone?"


Hindi ko alam kung narinig ba nila iyon dahil wala man lang sumagot sakanila. Ni hindi rin ako nakarinig ng kahit anong kalabog.


Sumandal ako sa pader kahit na lamig ang dulot non sa buong likod ko. Umayos pa ako sa pagkakaupo at diniretso ang dalawang paa ko. Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko. Gusto ko nang matulog.


Hindi na ako nakamalay. Nasilaw na lang ako bigla sa sinag ng araw na nangagagaling sa balcony ng aking kwarto. Sino ba ang nagbukas ng kurtina? Malamang ay ang mga katulong 'yon at pinasok na ko rito sa loob ng kwarto.


"Mads, she's awake."


Agad akong napamulat ng mga mata at napapikit muli dahil sa pagkakasilaw. That's Mika speaking! She's inside my room!


Kinusot ko ng mariin ang dalawang mata ko upang makapagadjust sa mga makikita ko. Pagbukas na pagbukas palang ng mga ito ay tumambad na sakin ang dalawa na nakapameywang sa harapan ko. Parehas silang nakataas ang mga kilay at parang kanina pa naghihintay sa paggising ko.


Bumuga ako ng hininga at muling nagtakip ng unan sa mukha. Sumasakit ang ulo ko! I won't drink that effin' liquors again!

The Sexy Bitches(HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon