Chapter 2: Mission accomplished

280 4 1
  • Dedicated kay Karl Roy Llorera
                                    

Mission Accomplished

[ Maddie ]

"Dismissed." 

Agad akong napatingin kay Melissa na mabilis na tumayo sa kinauupuan at nagmamadaling naglakad papalabas ng room. Halos sabay pa silang lumabas ng prof. namin sa pintuan dahil sa bilis niyang kumilos. Oh my gosh, interesado talaga siya sa date na iyon! Pathetic loser!

Narinig ko ang mahinang paghagikgik ni Mika sa gilid ko. Napalingon ako sakanya na naglalagay ng lip gloss sa ibabang labi at nakatingin sa maliit na bilog na salamin.

"Isn't it too cruel, Mads? I mean, she'll look stupid kapag mag-isa lang siyang nandoon. Malalaman niya kaagad na set up ang date at baka umalis siya agad. Any back-up plans?" taas-kilay niyang pagtatanong.

I shrugged my shoulders. "I don't have, yet. Help me think."

Ipinasok niya sa loob ng Chanel na bag ang lip gloss na ginamit pati narin ang salamin. Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang mga daliri at pumangalumbaba paharap sakin. "Maybe you should come, too."

Kumunot ang noo ko sa suhestiyon niya. "What do you mean?" 

Umirap siya at hinawi ang buhok palikod. "Text Kurt na you'll meet him sa sinabi mong place. Paunahin mo siya dun. Then hintayin mong magkita sila ni Mel tsaka ka lumabas." 

Inisip kong mabuti ang sinabi niya. Napangiti ako nang nakita ko sa imahinasyon ang lahat ng pwedeng mangyari. She'll probably make a scene doon pero siya lang rin ang magmumukhang tanga. I so love this idea.

"Minsan pala Mika, may sense ka ring mag-isip." Ngiti ko. Madali kong kinuha ang cellphone at tinawagan ang lalaking kasama sa plano ko. I really don't call first, pero para lang maituloy 'to ay ginawa ko. Kurt should thank Melissa dahil siya ang dahilan kung bakit ako ang unang tumawag sakanya ngayon.

"Hey, babe. Missed me?" bungad niya sa kabilang linya.

Napairap ako ng mga mata at automatic na tumaas ang isang kilay. "Dream on, Kurt. Anyway, let's meet up. 3 o'clock. St-rbucks."

Humalakhak siya. "Alright. I'm on my way." 

Tinapos ko na ang tawag at ngumiti sa naghihintay na si Mika sa harap ko. Sakbit na niya sa isang balikat ang bag habang naka'ekis ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "So? Let's go!"

Tumango ako at agad na ring tumayo para makapunta na sa kotse ko. I'm really excited sa mga mangyayari. I wanna see Mel's mad face! Damn, that's going to be priceless!

"I won't come. Tumawag ka na lang kapag malapit ka nang mamatay. See ya!" Pumasok na siya sa kotse niya.

Dumiretso ako sa katabing kotse at madaliang binuksan ito. Agad akong nagmaneho paalis para makapunta kaagad sa pinakamalapit na mall na sinabi kong pagkikitaan namin. Kailangan kong mauna don para makita ko ang katangahan ni Mel.

The Sexy Bitches(HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon