Chapter 7.5

12 0 0
                                    

Peters POV

Grabe talaga, ang ganda ng tree house!!.

Sabi ko habang nag papahinga kami dito sa isang puno na may mga fairy at pixie.

"Peter maaari ko bang malaman ang pakay mo dito?." Tanong ng mitt saakin ,"Gusto kong mailing tas ang aking kapatid kay Veronica" sabi ko at sumama ang tingin niya saakin at nagtago ang mga pixie at ang iba pa dahil sa sinabi ko. Takot ba sila?.

"Wag tayong mag usap dito" sabi nito at nag transform siya at naging tao, at pumasok kami sa isang kwartong malaki. "Isa lang ang mapapayo ko sayo, iyon ay Umuwi na lang kayo" sabi nito, "Hindi pwede, kailangan kong iligtas ang kapatid ko" sabi ko pero tumingin siya ng diretso saakin at nakita ko ang isang matang puno ng galit at kalungkutan.

"Hindi mo alam kung gabi kasama si veronica, at kung papaano siya nag bago" sabi nito, "Hindi kita maintindihan" sabi ko at umayos siya ng upo."Nag bago ang Veronica na kilala namin simula ng mawala siya ng isang linggo, lahat nag bago at ang lahat ay natakot" pag kukuwento niya.

Throwback

"Nuong ika Apat na pulang buwan, natagpuan si veronica sa kastilyo ng mga horte, ang lugar na masaya at payapa ito ang gitnang kastilyo na nagbubuklod sa apat na kaharian, ngunit pag dating namin duon ay wala ng natira ng buhay sa mga Herigor at mga horteimian, lahat sila ay naka handusay sa sahig at duguan. Natagpuan si Veronica sa tuktok ng kastilyo na ibang iba, ang kanyang katawan ay patay na ngunit ang kanyang pangalawang katauhan ang pumatay sa totoong siya."
"Lahat ay nagalit lalo na kaming mga tagapag silbi ng mga panginoon herigor, kaya sumiklab ang labanan ng mga Mitt, ngunit ako nalang ang natira sakanila. Pag lipas ng ilang araw ay natagpuan si Panginoong Gaide sa ilog ng Praiye, ang ilog ng walang hanggan, ang natitira ng herigor na panginoon na maaaring nakatali kay veronica"

End of throwback

"Daan daan na ang kanyang pinaslang at pinahirapan, at gusto ko na matigil na ito sa madaling panahon, ngunit kahit na ilang libo pa ang mga mitt na malalakas at Ghaera na lunaban sakanya ay hindi parin siya natatalo" malungkot na kwento ni mitt.

"Wag kang malungkot, lalo na sa isang tragedyang mabibiyan ng hustisya" sabi ni Gaide na nakatayo sa likod ko, "Ah panginoon kanina ka pa ba dito" tanong ni mitt, "Oo" maikling sagot nito at yumuko bilang paggalang, "Gaide, hindi ko maintindihan. Sino si veronica?" Tanong ko ,"Si prinsesa veronica ang pinaka Dakilang at visual ang puso, ngunit ang haring Chaldes ay na bulag sa itim na mahika at inalay si veronica sa pulang buwan, lumabas ang ikalawang katauhan niya at pinatay ang tunay na siya at ang kanyang dugo at magiging anak niya ay kasama sa Itim na sumpa." Sabi nito, edi kung ganun kami ni Roderick ay kasama sa sumpa?..

"Hindi sila dapat mabuhay sa mundong ito" sabi ni Gaide

Hindi...
Nag kakamali ka ....

"Dahil sa pagsapit ng ika limang pulang buwan, tuluyan ng nasusuka ang balance ng mundong ito at ang mundo ng tao" sabi pa nito.

"Paano kung mababait ang anak niya" sabi ko "Hindi impusible, ngunit hindi maiiwas an ang itinakda." Sabi nito at lumabas ng kwarto kasama si mitt.

Paano ang gagawin ko?!...

Hindi ko na alam....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon