chapter 1

114 8 9
                                    

Nagising ako sa isang madilim na kagubatan at tanging sinag lamang sa buwan ang aking nagsisilbing liwanag upang makita ang paligid.

Di man ganon kaliwanag ngunit kitang kita ko padin ang dugong nagkalat na aking kinatakot.

Kahit saan ako tumingin ay may bakas ng dugo. Tinignan ko ang aking sarili at laking gulat ko na lamang ng makita kong may mga bahid ng dugo ang aking damit at mga kamay.

'Nasan ako?' Tanong ko sa aking sarili.

Maya-maya pa ay biglang humangin ng malakas. Napayakap ako sa aking sarili at muling sinuri ang paligid.

"Alex..."

Napasinghap ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Alex..." sambit muli nito na parang bumulong sa hangit ngunit sapat para aking marinig.

Muli kong tinignan ang paligid para hanapin kung saan nanggagaling ang boses pero wala akong makita. "Sino ka?"

"Alex.." muling sambit nito.

Maya-maya ay may lumabas na isang pigura ng taong nakasuot ng itim na cloak galing sa loob ng gubat..

"Mag-iingat ka, gagawin nila ang lahat upang makuha ka... Tumakbo ka habang ay pagkakataon! Magtago ka kung kinakailangan! parating na sila." Sabi nito habang unti- unting naglalaho sa dilim.

" Sandali!!!" Sinubukan ko syang habulin."Sinong sila?! Sandali!"

"Parating na sila..."

"Parating na sila..."

Pauilit ulit nitong sabi hanggang sa tuluyan itong mawalasa dilim.

Napahinto ako at muling inilibot ang aking paningin.. maya maya pa ay may kung anong dumaan sa aking harapan. Habang tumatagal parang dumadami ang mga ito,pero hindi ko mawari kung ano ito dahil sa sobrang bilis at sa isang iglap bigla itong nagsitigil at naglahong bigla.

Pinagmasdan niya ang buong palagid at nakiramdam. Nang masiguro niyang wala na ang mga iyon ay nakahinga sya ng maluwag at naitakip nalamang niya ang dalawang palad sa kanyang muka. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

'Sana pagdilat ko wala na ako sa lugar na ito. Please sana panaginip lang to!' Piping sigaw niya sa kanyang isipan. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at tinaggal ang kanyang mga palad. Nadismaya siya dahil andun padin siya sa lugar na iyon pero laking gulat na lamang niya ng makita ang tatlong bulto ng tao ang nasa harapan niya. Nakasuot din ang mga ito ng cloak ngunit kung kanina ang babae ay nakaitim na cloak ang mga ito naman ay kulay dugo.

Hindi niya makita ang mga mukha nito dahil sa hood ng kanilang suot at hindi sapat ang liwanag ng buwan para masilip ang kanilang mga itsura.. Umangat ng bahagya ang mg ulo nito at halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Ang mga mata nito ay naging kulay dugo na nagliliwanag sa dilim. Nanginginig siya sa takot at halos mabingi na sya sa lakas ng tibok ng kanyang puso na parang gusto nang kumawala sa kanyang dibdib.

Ang nilalang na nasa gitna ay humakbang papalapit sa kanya. Napaatras siya sa pag lapit nito ngunit maling hakbang para sa kanya, dahil sa sobrang panginginig ng kanyang katawan halos mawalan siya ng panimbang at lakas dahilan para mapaupo sya. Gustuhin man niyang tumayo at tumakbo ayaw makisama ng kanyang katawan. Sa sobrang pagiisip kung ano ang nararapat niyang gawin, hindi niya namalayan na nakalapit na ito sa kanya.

Sumulyap siya sa dalawang kasama nitong ngayon ay nakangisi sa kanya ng nakakatakot at muli ay ibinalik ang tingin niya sa nilalang na nasa harapan niya. Hindi niya padin makita ang itsura nito. Napatitig siya sa mga mata nito,,takot may hindi niya maiwasang humanga sa mga mata nito,,tila isa itong napakamahal na dyamante napakaganda ngunit napaka mapanganib. Bumalik siya sa kanyang sarili ng makita niya ang nakakakilabot na ngisi nito, maya- maya pa ay nakita niya ang pagtulis ng mga pangil nito. Gusto niyang sumigaw pero para siyang nawalan ng boses, pigil ang kanyang paghinga, lumapit ang muka nito sa may kanyang tenga at bahagyang kinagat ito na para bang nangaakit, napasinghap siya sa ginawa nitong iyon.

"Dumating na ang takdang panahon, sa wakas ika'y mapapasaakin na rin" bulong nito sa aking tainga. Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg gustuhin ko man magpropesta wala akong magawa ayaw gumalaw ng aking katawan at tila ba ako ay isang pipi na hindi makapagsalita.

' Jusko anong gagawin ng nilalang naito sa akin papatayin niya na ba ako? O gagawing kauri nila? HINDI AYOKO MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAMATAY KESA MAGING KATULAD NILA! Dito na nga ba matatapos ang aking buhay ng ganun ganon na lamang? ' iyan ang mga tumatakbo sa aking isipan at sa hindi inaasahan kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na ang mainit nitong paghinga at kanyang mga labi na kadagdag kilabot sa aking katawan.

Ramdam ko ang pagbuka ng kanyang mga labi. Napatitig ako sa buwan na siyang magiging saksi ng lahat ng ito bukod sa dalawa pa nitong kasama. Muli ay naramdaman ko ang dalawang pangil nito sa aking leeg at maya-maya pa ay ibinaon niya iyon. Ramdam ko ang sakit ng pagbaon ng kanyang mga pangil sa aking leeg kaya napakapit ako sa kanya ng husto.

Ramdam ko din ang pagbaba ng tibok ng puso na halos paisa isa nalamang ang pagtibok nito sa soblang bagal, unti- unti naring nalalabo ang aking paningin,ipinikit ko nalamang ito dahil parang umiikot ang aking paligid... at ano ito? Para bang may mainit na likidong dumadaloy sa aking mga ugat. Ang sakit na nararamdaman ko ay hindi lang sa pagkagat niya sa leeg ko kundi sa aking buong sistema. Ang init!! parang nasusunog ang loob ko.. kinakapos narin ako sa aking paghinga at ang puso ko na paisa- isa nalamang, ngayon ay sobrang bilis.. Nahihilo may iminulat ko ang aking mga mata. 'TAMA NA! PAKIUSAP!' sigaw ko sa aking isipan habang nagpupumiglas upang kanya akoy bitawan subalit sadyang malakas ito. Unti- unti na akong nilalamon ng kadiliman nawawala na din ang aking lakas. ' Mahal na Panginoon kayo ma po ang bahala saakin.. at sa mga mahal ko na aking maiiwan. Ipinapaubaya ko na po sainyo ang lahat. Patawarin Mo po ako sa lahat ng aking mga kasalanan at mga pagkukulang."

*blackout*

"Alex..."

"Alex..."

Ang tinig na yun, pamilyar sakin ang tinig na yun.

"Alex!!!"

Boses yun ni ate Alesana. Hindi ako maaring magkamali. Naglakad ako sa gitna ng kadiliman para sundan ang tinig na tumatawag sakin.

"ALEX!!!"

At sa dulo ng kadiliman ng lugar na ito nakakita ako ng liwanag dali- dali akong tumakbo sa liwanag na iyon.

" ALEXANDRAAAAAAA!!!" teka naku parang galit na si ate kaya binilisan ko ang takbo. Sandali ano to? Bakit basa?

Nagulat na lamang ako ng isang rumaragasang tubig galing sa may liwang ang papunta sa aking direksyon.

"Waaaaaaaaaaaaaa-"

Kinapa kapa ko ang aking sarili " B-buhay ako?"

Napatingin ako sa paligid ko at napalunok na lamang ng laway ng wala sa oras.

" ah-oh Im dead. "

++++++++++

Paging blood donor... megesh... after123456789 days nakaisip ulit ng ita-type hirap pala magumpisa ulit sa naumpisahan na... Bat ba kasi nabura sila sa draft at sa kamalas malasan nawala ang notebook na pinagsulatan ko..T.T

May nagaabang ba neto hahahaha..

Dark AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon