Chapter 2

5 0 0
                                    

"Hoy Fret! Ok ka lang ba? May galos ka tuloy sa binti mo."


"Ha? Oo, buti concerned ka pa dyan. Tawa nang tawa ka naman kanina.  Kahit kailan talaga nagdidilang anghel ka, wag ka nalang magsalita kasi."


"Haler, as your bff, I promise to catch you when you fall after I stop laughing. Ha ha ha. Pero in fairness, naging totoo yung panaginip mo te, ikaw nga lang yung biktima."


"Naku, sabihin mo na lang na makahanap na ako ng trabaho para naman makatulong yang dila mo."


"Makakahanap ka ng trabaho fret, oh ayan na, nasabi ko na. Gamutin nalang natin yang galos mo pag-uwi natin."


At nakarating na rin sila sa sanglaan. Dali-daling pumasok si Pola papunta kay Didang.


"Anong amoy ba to? Ang panghi!" Ani ni Didang nang lumapit si Pola.


"Pasensya ka na, nahulog yan sa kanal eh." Wika ni Yumi


"Oo ako na yung mabaho, hayaan mo na Didang, mabilis lang ako dito at uuwi na rin ako. Nandito pa ba yung inireserve kong singsing? Yung sinanla ko noong tatlong linggo nang makalipas?"


"Ahh yun, ah, eh, eh." Palingo-lingo nitong sabi. Kinutoban na si Pola.


"Di ba sabi ko na ireserve mo yun para sa akin kasi nga tutubusin ko ulit?Nagmamakaawa ako sa'yo nun Didang kasi kailangan ko nga ng pera pero di ba nangako ako na tutubusin ko yun ulit, wag mo lang iyon ibigay sa iba." Mangiyak-ngiyak na sumbat nito na waring magwawala. Kinalma naman siya ni Yumi.


"Wala akong magawa eh, sayang naman yung pera kasi may mayamang matanda na lumibot na sa buong lugar dito at sa Metro para lang makahanap ng mga antique na singsing, eh di ko naman akalain na kukunin niya yung singsing mo, nagbayad ng mas malaking presyo. Wala akong choice, nandoon yung boss ko at siya mismo ang nagbenta. Pasensya na talaga Pola." Paliwanag ni Didang na nagmamakaawa kay Pola.


Napanghinaan ng loob sa Pola at balisa na naman ito habang papalabas ng sanglaan. Agad siyang sinundan ni Yumi matapos senyasan si Didang na mauuna na sila. Tumulo na ang luha ni Pola at nagpatuloy ito sa paglalakad.


Nagmadaling kumuha ng maliit na papel si Didang at sinulat dito ang pangalan at address ng matandang babaeng bumili ng singsing. Hinabol niya sa labas ang magkaibigan at iniabot sa balisang si Pola ang papel.


"Sorry talaga Pola, di ko sinasadya, baka makatulong to sa pagbawi mo nung singsing. Sana mahanap at mabawi mo."


Tinanggap ni Pola ang papel at ngumiti kay Didang.


"Ok lang, pasensya na rin. Salamat nga pala Didang."


Nang makarating na sa apartment ay agad naglinis ang magkaibigan at naligo ulit si Pola dahil sa nangyari sa kanya.

Wala na bang Pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon