Chapter 3

10 0 0
                                    

 Maagang gumising si Pola at matapos maligo ay kumain na ito ng almusal. Matapos maglinis sa kinainan at handa na sa araw ay umalis na ito ng kanyang apartment. Sumakay ito ng tren patungo sa destinasyon niya. Hawak-hawak niya ang isang file organizer kung saan naglalaman ng kanyang mahiwagang kwento.

Nang makarating na sa CBC, isa sa pinakamalaking advertising and media company sa Pilipinas ay dali-dali itong pumasok.

Ang ngiti ni Pola ay napalitan ng plastik na ngiti nang makita ang sandamakmak na taong nakapila para makapasok sa elevator. Ang dami ng tao.

"Sa tenth floor pa naman ako. Hayy. No choice, hagdanan nalang tayo."  Nagpunta kaagad si Pola sa hagdanan.

Nang makarating na sa tenth floor ay hingal na hingal na itong si Pola. Ang haggard na rin ng fes niya. Ikaw ba naman kasi ang umakyat hanggang tenth floor. Dahil sa feel niya na hindi na siya nagmumukhang tao ay agad siyang tumungo sa cr.

"How's my hair?"

"I like your lipstick, what Mac color is it?"

"Girl, your foundation is too much, mukha ka nang siopao."

Nang pumasok si Pola sa cr ay ito ang kanyang dinatnan- mga pabebe. Magaganda at batang babae, mga somewhere along 18 to early twenties samantalang siya ay gorang na.

Nakatingin ang lahat sa kanya kasi siya lang naman ang pinakabata doon at pinakanakaayos. Kayo ba naman umakyat ng hagdanan. Nailang si Pola dahil ayaw na ayaw niya ang titigan kaya nagmadali itong pumasok sa cubicle at doon nalang nag-ayos ng sarili.

Matapos mag-ayos at makontento sa ayos niyang mukhang tao na ay lumabas na ito. Hindi niya kasi kinaya ang mga babae sa loob.

Nang makapaglista na ito para sa mga interviewees ay agad itong pumunta sa waiting area. Nanlumo ang buo niyang katawan nang makita ang haba ng linya. Nakakuha siya ng slot sa number 50, buti nalang at di siya ang pinakahuli.

Umupo siya sa upuan at nagmamasid lang sa ibang tao sa pila. Nakangiti siya samantalang ang iba ay matulog-tulog na sa kakahintay. May ibang labas masok sa cr at may ibang todo pa rin ang make over sa sarili. Yung iba naman tapos na sa interview ay lugmok na lumabas, may iba namang abot tenga ang ngiti. Hindi mahaba ang kanyang pasensya pero hinabaan niya ito para sa pangarap niya.

Makalipas ng isang oras ay nawala na ang ngiti sa kanyang mukha. Nakakapagod din pala ang ngumiti at nakakangalay sa bibig. Napalitan ng antok ang excitement at nakatulog na nga itong si Pola.

Mag-aalas dose na nang maidlip si Pola sa kanyang pagkakatulog. Dalawa nalang pala sila na naiwan sa area. Lumakad na ang lalaki patungo sa office samantalang takang-taka pa rin sa mga nangyari si Pola. Nakita niya ang numero ng lalaki at number 100 ang nakalagay dito.

Agad tumayo at lumapit sa may front desk si Pola at tinanong ang secretary.

"Miss, excuse me pero kanina pa sana ako dito ah, tingnan nyo oh, number 50 tapos yung lalaking kakapasok lang 100. Ano bang nangyayari?" Nagdrama ang bagong gising. Agad niyang inayos at ipinakita ang kanyang numero.

"Ganoon ho ba miss? Eh tinatawag po namin yung mga numero pero kung wala pong comfirmation, yung susunod na number ang kukunin namin. Nasaan ho ba kayo nung tinawag yung number nyo?"

Hindi maidrawing ang mukha ni Pola at kahit ipinaliwanag na sa kanya ng babae ay mainit pa rin ang kanyang ulo. Pero kailangan niyang maging maingat sa pananalita at maayos kaya nilunok niya ang nagbabagang apoy sa kanyang lalamunan at bumalik sa upuan.

"Ah, sige miss. Salamat."

"Hay nako, tanga, tanga, tanga ka talaga Pola! Pati ito tinulugan mo?!?! Kailangan mong gumraduate kaya mag-ayos ka naman! Hay Lord, buti nalang talaga nagising ako. Thank you!" 

"Ms. Amapola Martina Garcia." Sa wakas ay tinawag na rin ang pangalan niya. Maayos siyang tumayo sabay ngiti na para bang ubod nang confident.

Nang malapit na ito sa front desk at pintuan ng office ay may sinabi ang sekretarya.

"Bumalik nalang ho kayo pagkatapos ng lunch break, aalis na kasi si Ms. Lovely."

Dahil sa inis ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa office na parang walang narinig at dali-dali naman siyang sinundan ng sekretarya para pigilan.

"Miss magagalit ho si Ms. Love-"

At binuksan niya ang pinto.

Dalawang taon nang makalipas nang huli siyang pumunta rito para sa screenplay niya. Ngunit, hindi siya natanggap.

"Oh, it's you again Ms. Garcia." Ani ni Ms. Lovely, ang head ng production department at ang interviewer. Siya rin ang huling nag-interview kay Pola.

"Good noon ho Ms. Lovely."

"Maam pilit ko ho siyang pinigilan ngunit nagpupumilit pong pumasok. Pasensya na ho talaga." Ani ng sekretarya

"Miss kanina pa ho talaga ako rito. Maaga akong gumising, nagluto, naghanda para dito. Number 50 po ako sa listahan kaso nakatulog ho ako at wala man lang nagmagandang loob na gisingin ako kanina at di ba kelangan kumpirmahin din ng sekretarya nyo kung nasa pila ang mga taong tinatawag niya. Eh ang laki-laki nga ng number ko oh at dito pa sa harap nilagay, sa laki ba naman ng mata ng secretary nyo, di niya pa to makita?" Sumbat ni Pola na hindi na nakayanan ang mga nangyari.

"Don't worry let her be. I still have time." Ani ni Ms. Lovely matapos magdalawang isip.

At tiningnan ni Pola ang sekretarya nang nakataas ang kilay. Ikaw ba naman ang paasahin at paghintayin. Umalis agad ito sa office at naiwan si Pola kasama ni Ms. Lovely.

As usual, wala pa ring ipinagbago sa office niya. Isang dalaga si Ms. Lovely. Sa edad niyang forty ay medyo mahirap nang makahanap ng lovelife dahil ba naman sa ugali nitong perfectionist. Kaya nga pangalan niya ang ipinapatawag niya sa kanya kasi ang apelido niya ganoon pa rin.

"Take your seat please and let's see what you have here."

Mahinahong umupo si Pola at iniabot niya ang resume at letter para sa ojt at ang kanyang story.

"Well, well, ojt ka na pala. Hmm. I think we had too much interns already so -what do we have here, the same story all over again? Anything new?" Wika ni Ms. Lovely nang nabaling ang tingin sa cover ng story ni Pola.

"Ho? Eh dito po kasi kami kelangan magojt eh. Maam please kahit anong posisyon ho, kelangan ko na po talaga gumraduate. At ang story ho, nirevive ko na ho yan, sinunod ko ho yung sinabi ninyo na kailangan may puso yung kwento. Sana ho pagkalooban nyo ng oras na basahin ho yan. Pinaghirapan ko ho talaga yan Maam."

"But, I'd have to say, we have received a lot of stories today, and they're so much better than this. I'm sorry and for your ojt, I was just joking, of course you are welcome here but I still have to decide kung saan kita ilalagay-"

"Ms. Lovely! Please alam ko ho na hindi na ito pormal pero kailangan ko ho talaga ng trabaho ngayon at yang story, dugo't pawis ang inilaan ko para matapos lang yan, sana naman ho bigyan nyo ng konsiderasyon na basahin man lang kahit di nyo na tanggapin. At ang ojt ko ho, please kahit anong posisyon ho talaga tatanggapin ko nang buong puso at kaluluwa."

At may biglang tumawag sa office. Nasira ang pagdadrama ng dalawa. Hindi maidrawing ang mukha ni Ms. Lovely. At bigla itong napapikit na waring nainis dahil sa kausap o kung ano man ang kanilang pinag-usapan. Napaupo ito at napahawak ang kamay sa noo. May headache yata.

"Pola?

May parang nagdoorbell sa tenga ni Pola habang nakatitig sa waring problemadong Ms. Lovely.

"Yes po maam?"

"I think we've had enough. I'll just need to contact you within this day as for your position, okay? And about your story, bring it with you. You may go."

"H-ho ganun po ba, ah eh sige po maam, mag-aantay ho ako sa posisyong ibigay nyo. Salamat ho." Ngunit hindi na kumibo si Ms. Lovely at nakonsumo na ng galit.

Agad namang lumakad patungo sa pintuan si Pola na parang pasang-pasan ang buong mundo isali na ang buong solar system sa bigat ng kanyang haggard na masyadong mukha. Lalabas siya dala-dala ang kwentong kanyang pinagpaguran.

"Naku Pola, pati ba naman dito, malaking malas ka talaga. Wala na, wala nang chance. Wala na akong matitirhan, wala na akong pera. Humanda kayong lahat at babangon ako at dudurugin ko kayo. Ikaw, ikaw na babae ka mananatili kang dalaga kahit singkwenta ka na!" Isip niya habang lugmok na lugmok ang mukha.

Hawak na nito ang doorknob nang may biglang bumukas nito sa kabila. Nabagok ang ulo ni Pola sa pintuan at ito ay natabunan nang dahil sa malakas na pagbukas.

"A-" Ani nito sabay hawak sa kanyang noo. Ramdam nito na may mabubuong bukol dahil sa lakas ng epekto ng pagbukas.

"What's with all the Personal Assistants we have? Can't you hire more responsible ones? You told me you would handle that, that you would find someone today. I only need one assistant for today and yet no sign of that person?

Hinay-hinay na lumabas ang natabunan ng pintuan na si Pola. Nakita niya ang lalaking may sala sa pamumuo ng bukol sa noo niya. Matangkad ito at matipuno. Artista ito. Sa likod pa lang, alams na. Vitamins. Yung di matamis na vitamins.

"Kung makaenglish kala mo kung sino. Walang modo! Hoy magsorry ka sa'kin! Di porket sino ka, nako, nako, nako. Makaalis na nga dito! Bagay kayong dalawa at magsama kayo! Edi ang galing! Di ka na dalaga!" Isip ni Pola at tahimik itong humakbang para lumabas ng pintuan.

"Creeeekkk." Tumunog ang pintuan. Nakatalikod na si Pola kaya di na niya alam kung ano ang ginagawa nila sa loob. Pumikit ito dahil alam niyang alam nila ang presensya niya.

"Patay." Isip ni Pola.

"Actually, she's here. Gelo, meet Amapola, your new PA." Ani ni Ms. Lovely sabay turo sa may pintuan kung saan nandoon ang waring kapapasok pa lang na si Pola.

Nanigas ang buong katawan ni Pola at nanginginig ang mga tuhod. Hindi ito makagalaw sa kanyang postura na hawak pa rin ang doorknob at nakatalikod sa kanila.

Pola's POV:

Anak ng bibi naman! Kung nag-ingat ka sana Amapola! Ako? PA? My goodness, ni sarili ko di ko kayang alagaan, ibang tao pa kaya! At etong Ms. Lovely na to, alam ko isa ring pabebe, ginawa pa naman akong pain! Hu hu hu ansarap kumain ng sili! Bubuga ako ng apoy sa harap nila! Di man lang tinanggap tong story ko. Ipapakain ko to sa inyo! Pag ako naging writer or director, kakainin nyo tong pages ng story ko!

Ramdam niya na akmang papalapit ang lalaki sa kanya ngunit dinaanan lang siya nito. Ang bango niya at maganda ang boses in all fairness and honesty. Spokening dollars ata.

Nang makalabas na ang lalaki ay nakahinga na rin si Pola. Lumingon ito kay Ms. Lovely at lumapit sa kanya. Nilapag nito ang story sa mesa.

"Maam! Anong ibig sabihin nito?!?!" Nagdrama na ang bruha.

"Look here I'm doing you a favor. You needed a job and-"

"Eh miss hindi naman ito yung pinangarap kong trabaho, writer ho ako. Ginawa nyo pa akong pain at alalay ng ibang tao."

"Well, you needed a job and believe me this is far the best we could give anyone who didn't even apply."

"Eh hindi naman po talaga ako nag-aapply para maging PA ho, prod assistant pwedeng-pwede. Tapos ang tagal-tagal kong naghintay dun sa labas tapos wala pa pala akong posisyon-"

"I'm very sorry. Now ang rason kung bakit ikaw ang napili kong PA, personal assistant and well, okay sige- personal assistant at the same time, maliban sa ikaw ang tanging nakita ko dito sa panahong yun ay dahil sa age at status mo given that that man is probably just around your age and he is our newest director."

"Production? Production? Age at status? Anong ibig nyong sabihin?"

"Yes and yes dear, production at the same time personal assistant. Well, you are older than most of our interns, 26 right?"

"Eh grabe naman ho kayo maam. Ako po yung pinakamatanda?"

"Yes, 18 to 20 sila and considering your status, you are married I believe."

"Separated ho five years ago."

"Oh I'm sorry. So, ikaw ang bagay sa trabaho, you have more experience and mas responsable like marunong mag-alaga ng tao kaya yun ang lamang mo sa iba."

"Eh maam-"

"Look, I'm really sorry Ms. Garcia, I really had no choice. Sinabi mo naman sa akin na kailangan mo ng trabaho di ba? Then this is it. Minsan sa buhay hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo. Now I'm giving your story a chance as well, I'll read it. I promise. Just help yourself with what you have now. This is not an easy job but we'll pay you well. I'll call you when I read it."

Huminahon naman si Pola. Naliwanagan na rin kahit papaano. Hindi rin naman masama maging alalay. At kailangan nya ng pera. Pera na pangbawi niya sa singsing na kanyang ipinrenda. At pera para sa apartment niya.

"So, are you willing to take it?"

Pola's POV:

Hmm. Hindi rin naman siguro masama kung maging alalay, alalay ng direktor, naku tsamba naman oo, kelangan ko rin naman ng pera talaga. For sure, marami rin akong makikilalang artista pa! At baka maging artista rin ako! Ha ha ha. Hindi na rin masama. Masama lang ang ugali ng amo ko pero, pero-

"Pero Ms. Lovely, paano yung ojt ko ho?"

"Alright. I'll give you a pass to every activity na kailangan gawin ni Gelo. Therefore, you're free to learn and observe. To think of it, mas marami ka pang access kaysa sa iba. And you'll earn more. So, here's the contract, you'll have to sign if you agree to the conditions."

Binasa na muna ni Pola ang kontrata at nanlaki ang mata nang may makita itong kaaya-aya.

"Ma-maam? Totoo ho ba tong, iisang bahay lang ang titirhan namin ng amo ko?"

"Yes, well actually, you'll live separately, like in another house beside his house, given na the director we have is new here in the country and he is someone who needs both a prod assistant and personal assistant, you have to help him 24/7, at tsaka wala ka namang dapat ikabahala dyan, I assure you nothing will happen. Of course sa hitsura mo naman-"

"Yes! Salamat Lord!!! Totoo ho talaga to Maam?!?!" At nabigla masyado si Ms. Lovely.

Parang binuhusan ng iced tea at pinakain ng rebisco itong si Pola. Ang sarap ng feeling ikanga. Sa panahon ba naman ngayon kung saan lahat nagmahahal at wala nang libre, naawa talaga ang Diyos sa kanya at libre bahay na rin siya ngayon.

"Ay hindi, hindi, sa kalsada ka titira."

"Maam naku! Akala ko ho malas kayo ay sorry, pero kayo pala ang angel in disguise ko! In disguise talaga kasi di naman kayo mukhang anghel. Pero salamat maam! Paaalisin na kasi ako sa apartment sa susunod na linggo kaya salamat ho talaga!"

"Lakas mo ring mangasar noh Amapola?"

"Eh kayo nauna eh. At tsaka maam, sinunod ko ho yung sinabi nyo tungkol sa story ko, na lagyan ko ng puso. Kaya sana basahin nyo rin."

"Ok, alright kung hindi lang nakakasawa yang mukha mo, for the last two three years lagi mo na lang akong kinukulit. Oh well, this time, I think I'll have to thank you for saving me. So, please, can you do it?"

At nilagdaan na ni Pola ang nasabing kontrata.

"Thank you Ms. Garcia. It would be a pleasure to work with you. Welcome and goodluck as you will have to start your work now."

"Now?"

"Yes. Puntahan mo na si Gelo sa dressing room o kayay sa studio."

Dali-daling lumabas si Pola para puntahan ang kanyang amo. Nang palakad-lakad ito sa hallway ay may nabunggo ito.

"Ano ba! Mag-ingat ka nga sa dinadaanan mo! Nakakaloka ka girl."

Nakabunggo siya ng isang bakla na may kasunod na magandang babae. Artista. Artista yung babae.

Tila nastarstruck itong si Pola sa ganda, tangkad at kinis ng babae. Napatingin lang ito sa kanya.

"Excuse me? May manners ka ba? Hindi man lang marunong magsorry." Sumbat ng bakla sabay witik ng daliri sa harap ni Pola.

"Ah, I'm sorry ho." At tumabi ito sa gilid para makadaan sila.

Hindi na kumibo ang bakla at nagpatuloy na sa paglalakad kasama ang magandang artista. Nabigla nalang itong si Pola nang may kumalabit sa kanya.

"Hayaan mo na yun, ganun talaga yun kasuplada." Tugon ng isang maliit na babae. Mahinahon ang boses nito. May glasses at medyo geeky.

"Ah okay lang buti nga maganda yung kasamang artista."

"Hmmm. So, bago ka rito noh? May hinahanap ka?"

"Oo, ang laki pala rito at ang ganda! Ah, hinahanap ko kasi si Direk Gelo, and bilis naman kasi maglakad, nawala nalang parang bula. Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Ha ha, masanay ka na, busy kasi yan si Direk Gwapo, este Gelo, ikaw kaya ang maging bagong head ng mga directors dito sa network. Pressure, pero wow! Swerte mo naman. At swerte ako kasi nahanap kita, pinapahanap ka ni Direk eh. Nagsimula na yung photoshoot dun sa studio, kailangan mo nang ligpitin yong mga damit na nagamit ng mga models. Nagkalat lang kasi sa dressing room eh. Halika."

"Saan ang swerte dun? Bukod sa libre nga rin naman ang bahay, oo nga swerte na ako kasi malaking malas ang idinulot ko sa buhay ko ng mga nakaraang taon." Isip ni Pola.

"Oo nga, ang swerte ko." Sagot naman nito in a sarcastic way.

Dahil mukha naman siyang makakapagkatiwalaan ay agad naman siyang sinundan ni Pola. Maraming mga rooms na ang kanilang dinaanan at tumigil sila sa may studio kung saan nandun ang amo niya.

"Wow." Sabi ni Pola sa sarili na narinig naman ng kasama niya.

"First time mo?"

"Oo. Ganito pala kadaming tao. Wala akong makita kundi mga utak. Ha ha ha."

"Ha ha ha. Ang corny mo rin eh noh. Pero hindi naman ganito talaga pag may shoot, ngayon lang."

Kumikinto-kinto silang dalawa kasi wala naman silang makita sa dami ng tao sa loob.

"Ngayon lang? Anong ibig mong sabihin?"

"Ano ka ba, di mo ba kilala yang amo mo?"

At tumigil na sila sa kakanood ng mga ulo at lumabas. Naglakad uli sila patungong dressing room.

"Ako nga pala si Jill Mejares, isa akong assistant staff ng wardrobe team ng mga talents dito." Wika ni Jill habang nakikipagkamayan kay Pola.

"Pola, Amapola Garcia."

"So, ang galing mo ah, ikaw yung nakakuha ng slot na maging next PA at PA ni Direk Gelo. Matinik ata si Ms. Lovely pumili. Buti nakuha mo."

"Anong nakuha, eh-"

"Shhh alam mo ba, dinig ko lahat daw ng PA niya yung nagreresign, di raw kinakaya ugali ni Direk. Pero syempre, rumor lang naman din yun. Hindi naman siguro ganun si Gelo loves ko."

"Ah talaga? Loves?" Napalunok na sambit ni Pola.

"Oo, kaya goodluck sa'yo. Uy, magchika ka naman sa'kin, lahat nalang kasi ng mga PA niya isang araw lang ang expiration. Di ko na tuloy nakikita."

"Ano? Ganun kabilis? Eh may problema pala yang Gelong yan eh!"

"Hmm, siguro nga pero wala naman talagang nakakaalam at makakaalam, ikaw lang. Oh, eto ang dressing room niya. Ang gagawin mo lang, iaarrange mo nang maayos ang mga ginamit niya nang damit." Napalunok na lamang itong si Pola sa mga narinig niya.

Ang laki ng dressing room at ang linis-linis maliban nalang sa mga bagong ginamit na damit. Pumasok silang dalawa at tuloy sa pagpapaliwanag si Jill sa mga kailangang gawin ni Pola.

"Yun lang ba ang gagawin ko?"

"Well, sa ngayon kasi ikaw lang matitira dito at kailangang maayos ha, napakaOC kasi ni Direk kaya ayaw niya ng marumi o kaya'y kahit maliit na gusot lang. Ayusin mo ha para tumagal ka."

"Ang galing naman ng advice mo. Naku kung boss ko yan siguro ngayon lang din ako tatagal. Tingnan nalang natin."

"Oh sige, aalis na ako at naorient na kita. Heto ang number ko, wag kang maghesitate na tawagan ako kung may kailangan ka ha. Oh by the way, may mga models din na dito magbibihis mamaya, ayusin mo na lang din yung kalat nila ha. I'm just one text away. Good luck Pola, it was nice to meet you."

"Salamat Jill. Sana magkita pa tayo ulit."

At naiwan nang mag-isa itong si Pola sa dressing room. Agad niya nang sinimulan ang pag-aayos ng mga damit.

Pola's POV

Lord, alam nyo na thank you talaga nang sobra kahit na hindi ito yung gusto kong trabaho pero Lord baka di rin naman ako abuting ng araw neto kung ganung klaseng tao ang magiging amo ko. Hu hu hu. Siguro nga may plano talaga kayo para sa akin kaya sige nalang, buong puso ko tong tatanggapin. Sana lang po gabayan nyo ko lalung-lalo na sa pinasukan ko. Amen.

Matapos maglinis ay napatingin si Pola sa may salamin. Tinitingnan niya ang mga magagarang kagamitan na sa tv lang niya nakikita. Tiningnan din niya ang sarili sa salamin. Malaki na ang ipinagbago niya. Naalala niya ang mga sinabi ng kaibigang si Yumi at napatango ito. Alam niya sa sarili niya na hindi na siya yung tulad ng dating Amapola. Ngunit bigla niyang naalala ang nangyari kanina nang mapansin niyang namamaga ang kanyang noo at tila may bukol nang namumuo.

"Leche flan naman talaga tong pinasok ko oh. Ay sorry Lord, di ko na mapigilan. May bukol tong mukha ko, hay buhay nga naman. Losyang na nga, may bukol pa! Naku, naku, kung ngayon man ang last day ko pramis Lord, ngayon lang to, maghihiganti talaga ako. Humanda siya-" sabi niya sa sarili nang biglang tumunog ang kalamnan niya.

"Pola?" May kumakatok sa pintuan.

Binuksan ito ni Pola at nakitang si Jill ang nasa pintuan. May dala itong pack lunch.

"Oh eto, pasensya ka na ha natagalan, busy kasi dun. Kumain ka na at maiwan na muna kita, kelangan ko nang bumalik eh." Sabay abot ni Jill ng pagkain.

"Salamat Jill, gutom na rin kasi ako eh. Sige, mag-ingat ka!" Ani ni Pola sabay kuha ng pagkain.

Matapos kumain ay niligpit na ni Pola ang kanyang mga kinainan. Namahinga na rin ito sa may sofa sa gilid at nakatulog.

Makaraan ng ilang oras ay may narinig itong boses ng mga tao sa loob ng kwarto kung kaya naman ay inalimpungatan ito.

Maraming lalaki. Literal na lalaki at busy silang lahat. Lakad dito, lakad doon, panay ang paggalaw nila hanggang sa isa-isa na rin silang magtanggalan ng damit. Nabuhay ang natutulog na kaluluwa ni Pola at napatayo ito agad sa kanyang kinauupuan.

"Oh sige double time! Double time! Ano ba naman, kailangan na natin matapos to! Bilis-bilis naman!" Ani ng isang bakla na kakapasok pa lang sa kwarto. Siya ang manager ng mga models.

Pola's POV

Pola, pola, focus! Ano ba naman to, nakakahiya! Ano ba tong pinasukan ko. Ah teka, saan kaya dito sa kanila ang amo ko? Di ko pa pala siya kilala.

Waring hindi komportable si Pola sa kanyang kondisyon ngayon. Hindi siya diretsong makatingin sa mga lalaking modelo na nagbibihis sa harap niya. First time nya kasing makasaksi ng ganitong klaseng eksena. Dahil sa hindi mapakali ay napansin siya ng manager nila.

"Oh, hija, ano pang ginagawa mo dyan? Tulungan mo kaya silang magbihis nang matapos na tayo ng madali dito." Ani nito sa kanya.

"Ho?"

May isang modelo pang huling pumasok at nagpatulong ito kay Pola sa pagbibihis. In fairness naman sa kanilang lahat, magaganda ang mukha at ang katawan pero hindi pa rin komportable si Pola dito.

Nang magsipaglabasan na ang lahat ay naging magulo na naman ang buong kwarto. Dali-dali naman itong nilinis ni Pola at baka maabutan siya ng kanyang amo, neat freak pa naman kaya yun. Maingat niyang itinupi ang kahuli-hulihang damit na nasa sahig nang tumawag si mother nature sa kanya.

"Patay. Ba't naman ngayon pa. Nadamihan ata ako sa pag kain." Wika nito sa sarili. Buti nalang at may cr sa loob mismo ng dressing room at dali-dali siyang pumasok dito.

Lingid sa kaalaman ng ibang tao, pag nagdedeposit si Pola ay nakikinig ito ng musika. Nakaearphones lang ang peg kasi daw mas maganda kung may background music, mas maganda yung flow ikanga. Makailang minuto pa ng paghihintay ay lumabas na rin ang kailangang lumabas.

"Sa wakas, thank you Lord!" Ani nito sa sarili.

"Direk! Please, rumor lang talaga lahat ng iyon, I am still willing to do the movie, you can't give it to anyone else but me."

"I made myself clear, did I?"

Pumasok sa loob ng kwarto si Gelo at ang babaeng artista na bida sana ng ginagawang movie project  nito.

"Because I'd still say yes to you again, my darling for you I'd do it all again, yes I'd still say yes to you again..."

Patuloy pa rin sa pakikinig si Pola ng kanyang all time favorite song nang may marinig itong bangayan sa labas. Agad nitong tinanggal ang earphones at nakiramdam. Chismosa ba naman.

"But I am Patricia dela Riva. You can't do this to me. Nobody ever do this to me!"

"I'm "the" director, I can do what I want, I can choose you or let you out. And I say, out."

  Hindi na sumagot pa ang babae at padabog na lumabas ng kwarto.  

Nang wala nang marinig si Pola sa labas ay dali-dali itong nagpunas at akmang tumayo na ito para suotin ang damit pang-ibaba at sisilip na sana sa labas nang nagflush agad ang bowl. Automatic pala ito.

"Anak ng tae naman oh!" Sigaw ng kanyang isip habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang bibig. Hindi na ito huminga.

"Who's there?" Tanong ng lalaki sa labas.

"S-s-si Amapola po to sir, yung bago nyong PA." Natatarantar na sagot nitong si Pola na hindi mapakali sa loob ng cr at di magawang maayos na buksan ang pinto dahil sa nangininig ang mga kamay nito.

"I'm very sorry po s-s-er." Mahinang sagot nito nang makalabas na ito sa cr dahil nakita niya ang amo sa labas. At nakatalikod.

Pola's POV

Ano ba naman to, puro likod na naman nakikita ko. Artistahin nga ang likod mo. Pero nako, nako, nako, ang attitude te! Sobra pa as in grabe talaga hindi ko masikmura ngunit oo nga naman, don't judge a book kung hindi mo pa nababasa, babasahin muna kita. Hmm let's see. Hindi naman porke't gwapo tong alaga ko ay pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo noh. Buti na lang talaga at gwapo ka eh noh, likod mo nga lang. Pero for sure, gwapo ka.

Titig at titig si Pola sa amo nitong nakatalikod pa rin. Malay mo bang gusto lang din niyang ka-eye to eye ang pader. Pake nyo.

"Bring me some water. It's in the bag." Tugon nito na nakatalikod pa rin.

"Opo."

Nagmadaling kumuha ng bottled water si Pola sa maleta ng amo niya. "In fairness, ang ganda at gwapo ng boses, ang weird nga lang, pader ba kamo ang kinakausap." Isip niya.

At nang lumingon si Pola sa amo niya ay biglang nagslow motion. May parang kung ano bang music na panghorror ang nasa background.

Nanlaki ang mga mata ni Pola. Nanatiling nakatitig lamang siya dito dahil nakaharap na nga ito sa kanya. Ang gwapo niya that's a given. Natameme na lamang siya habang tinititigan ito. Hindi man lang kumurap at nakanganga pa. At nagslow motion itong lumakad patungo sa kanya. Wala na yung music, wala na siyang marinig kundi ang sariling tibok ng kanyang puso.

Pola's POV

Asdfghjkl. Shet! Leche flan! Aaagghhh! Panaginip lang ba to? Ba't parang totoo? Ay hindi, nananaginip lang talaga ako. In fairness, hightech na rin managinip, 3D ang effect. Pola, kailangan mo nang magising. Huwag na huwag mong hahayaang lumapit siya sa'yo. Gising!!!!!

"Aaghhh!!!" Panay ang sigaw ni Pola at nagwild at nagmadali itong lumabas ng kwarto na natataranta.

Ngunit guni-guni lang niya pala dahil ang totoo nakatayo na ang amo niya sa harap niya. Nakatingin lang din ito sa kanya. Akmang gumalaw ang kamay nito patungo sa mukha niya. Ngunit, kinuha lang pala ang tubig sa mga kamay.

Namulat na sa mundong ibabaw si Pola nang kinuha ng amo niya ang tubig sa kamay nito. Ininom niya ang tubig at umupo sa may sofa.

"Oh. My. Goodness. This can't be. Hindi ako pwedeng magkamali." Isip ni Pola na nakatingin pa rin sa amo niyang nakasandal sa sofa habang nakapikit. Panay na ang tulo ng pawis niya kahit naka-aircon naman ang kwarto.

"What?" Tanong ng amo niya kahit nakapikit. Kanina pa siguro niya namamalayang panay ang titig ni Pola sa kanya.

"Wa-wala po. Ah sir, may iuutos pa po ba kayo?"  


Wala na bang Pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon