A Soldier's Wife Confession (Short Story)

2.5K 56 22
                                    

A Soldier's Wife Confession

All Rights Reserved (c) 2013 

____________________________________________________________________________

"Greg, I Love You"

"I Love You Too Belle"

"Greg, Pwede bang huwag ka na lang umalis? Dito ka na lang kasama namin ng anak mo?"

"Belle, Akala ko ba napagusapan na natin to? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?"

"Pero Greg, Kasi natatakot akong baka,... Baka hindi ka na bumalik eh."

"Shh, Babalik ako"

"Pangako?"

"Pangako" Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. Lumapit siya sa anak namin at binuhat ito.

"Baby Levi, Huwag kang magpapabigat dito kay Mommy mo ha. Tandaan mo, Love na love ka ni Daddy" Pagkatapos ay binaba na niya ito.

"Yes Daddy!!" Sagot ni Baby Levi saka sumaludo kay Greg.

"Belle, Kailangan ko nang umalis" Dito na ako napahagulgol ng iyak. "Belle, Please, Huwag ka nang umiyak ha? Hindi ko kayang umalis hangga't nakikita kitang ganyan" Sabi niya saka pinahid ang mga luha ko.

"Greg, Uuwi ka dito ha! Sabay nating papalakihin yung anak natin, Sabay tayong tatanda"

"Kahit hindi mo na yan sabihin, Basta kahit anong mangyari, Mahal na Mahal ko kayo ni Baby Levi ha" Dito na ako kinabahan sa sinabi niya.

"Greg, Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Walang kahit anong mangyayari sayo, Maliwanag?" Sabi ko saka siya hinalikan, Sana..... Sana hindi pa ito ang huli.

"Maliwanag" Tumingin siya sa kanyang relo at muling humarap sakin "Kailangan ko na talagang umalis" sabi niya saka binuhat at mga maleta niya at naglakad na papalabas ng pinto.

"Magiingat ka ha!" Tumango lang siya "Babalik ka ha!" Sabi ko bago siya tuluyang makaalis.

Sa totoo lang, Tutol talaga ako sa propesyon ng asawa ko, at bakit? Dahil isa siyang Sundalo. Alam niyo naman ang trabaho ng mga sundalo diba? Sila ang nagtatanggol sa bayan, Kahit kapalit pa nun ang kanilang buhay. Pangungulila, Yan ang nararamdaman ng bawat pamilya na naiiwan nila sa tuwing sasabak sila sa isang digmaan o giyera. Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa sila ng buhay o hindi, At yun ang kinatatakot ko, Ang hindi na siya bumalik at tuluyan na kaming iwan ng anak ko.

***

"Mommy, May sulat ba galing Daddy?"

"Wala pa Baby eh"

"Mommy, Di ba malapit na yung Birthday ko? Uuwi ba si Daddy?" Tanong ng anak ko saka kumandong sakin.

"Oo naman Baby! Diba nagpromise siya sayo?"

Tumango naman siya saka nagsalita "Mommy, Miss ko na ni Daddy"

"Miss ko na rin ang Daddy mo anak" Sabi ko saka niyakap siya ng mahigpit.

"Mommy, Paglaki ko, Gusto kong maging maging sundalo!" Napatitig naman ako sa anak ko.

"Bakit naman Baby?"

A Soldier's Wife Confession (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon