She's Handsome

333 4 2
                                    

Chapter 1

“Tol, sa tingin mo pwede na kong manligaw?... hmmm.. nasa right age naman na ako at saka may summer job pa, oh diba!” sabi nya habang nakaupo sa bed ko at nag-gigitara.

“sira ata ulo mo Alex!” sabi ko sa kanya sabay agaw ng gitara at umupo sa tabi nya.

“tss.. ang epal talaga oh, feel na feel ko pa pag gigitara ko eh!” sumimangot sya,sabay hampas ng unan sa gwapo kong mukha at humiga.

“eh kasi naman oh.. lagi mo nang sinabi kung pwede kang manligaw,” humiga din ako sa tabi nya at lumingon sa kanya, siya naman nakatingin lang sa kisame at nakasimangot pa rin “kababae mong tao gusto mo manligaw ..shunga ka?” tapos lumingon din siya sakin at kinurot ang dalawang makinis kong pisngi ko.

“HANGGANG KELAN KO BA SASABIHIN SAYO NA HINDI AKO BABAE!!!!>_ mas lalo pa niyang diniinan yung kurot sa pisngi ko.. pero pagkatapos niya sabihen yun binitawan na rin niya mukha ko

“aray! -_-# oo na, lalaki ka na!” sabay himas-himas ng pisngi ko, ang sakit eh.. ayaw nya kasing tinatawag siyang babae, eh babae naman talaga siya.

At siya ang best friend kong si Alexandria Mae Garcia, “Alex” ang tawag ko sa kanya.. sabi nya eh yun daw ang itawag ko sa kanya, dati naman “Andria” ang tawag ko sa kanya, ok lang ngayon ayaw na nya ng Andria. Kinder pa lang kami lagi na kaming magkasama at magkaklase hanggang ngayong college na kami kasi laging sa iisang school lang ang pinapasukan namin dahil ayaw naming maghiwalay nyang loka-lokang yan…

 Ooops, loko-loko pala, haaayy… hindi nga daw kasi siya babae, lalaki daw siya.. Oo yun na nga TOMBOY siya, noong high school nya pa napagtanto na tomboy daw siya, nagulat nga ako nung inamin niya sakin, di ako makapaniwala kasi dati naman nung elementary pa lang kami kung sino sinong ikinukwento nya saking lalaki na crush daw niya tapos sasabihin nya saking tomboy pala siya, hay naku buhay nga naman parang life..

Ahh.. di pa pala ako nakakapagpakilala ako nga pala ang pinakamabait at pinakagwapong nilalang sa balat ng wattpad si Jericho Cabrera, “Eco” ang tawag sakin minsan ni Alex. Pero minsan lang, kasi “Tol” ang call sign namin, mahilig akong maggitara at marunong DIN namang kumanta, kaya siguro naging magkasundo kami ni Alex kasi magaling siyang kumanta at marunong ding maggitara, friends din naman mga magulang naming dahil magkasosyo sila sa mga business kaya compatible na compatible kami nyan.. hehe

“tara! labas naman tayo ng makahanap ng mga pwede mong ligawan” pero syempre joke ko lang yun, para sumama siya sakin sa labas.. ang boring kasi, 3 weeks nang bakasyon at napaka boring pag nasa bahay lang.

“huh? Talaga? Sige sige sige *tango tango* tara na! bilisan mo” then she grab my wrist at hinatak hatak ako palabas =_=

“ T-te-teka! Teka! Teka!” natatalakid na kasi ako sa hagdan naming, ambilis kasi tumakbo nitong babaeng to parang mahuhuli sa flight papuntang Jupiter.

“bakit?!”

“di ka naman masyadong excited no?!” sabay bitaw niya sa kamay ko.

“eh diba sabi mo hahanapan mu ako ng maliligawan?” loko talaga to di man lang naisip na nagbibiro lang ako.

“syempre joke lang! ang gusto ko may manligaw na sayo, hindi yung ikaw ang manliligaw” habang naglalakad na kami palabas ng bahay.

“bakit ba lagi mo na lang sinasabi sakin yan?” dun siya sa kabilang direksyon nakaharap habang papunta na kami sa park, mukang nalungkot sa sinabi ko ah.

“haay, nagtampururut na naman!” tapos inakbayan ko siya at kinutusan sa ulo para hindi na magtampo, ayaw niya kasing sinasabihan na magpaligaw sa mga lalaki

“Aray!” tapos ngumuti na ulit siya.

“Bwahahaha!>:D” sabay takbo palayo “paunahan sa dating tambayan! Ang mahuli.. manlilibre ng maraming maraming isaw at shake, choco hotfudge ang flavor ha! Hahahaha:DD” at ayun iwan na naman si pagong, siguradong busog na naman ako mamaya nyan Mwahahahaha!

She's HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon