Chapter 3
POV: Eco
“Haaaaaaa” *hikab* -___- kakagising ko pa lang, tinatamad pa ako bumangon.
Kinuha ko yung gitara ko para makapagpraktis.
“Ang tahimik ng paligid… so peace—“
*boogsh! boogsh! boogsh!*
“AYY LANGAW NA DUMAPO SA ILONG NG KALABAW!!!” Sa gulat ko naihagis ko yung pinamamahal kong gitara.. OH MY GUITAR! (T_T)
“HOYYY!! BATUGANG LALAKE ..LUMABAS KA NA DYAN, TANGHALI NA, BILISAN MO!!” eto pa lang bruhang to.. aba ang aga aga gustong wasakin ang bahay namin, kung makasipa ng pinto wagas parang bahay niya ahh.
Hindi ako sumagot kunyari tulog pa ko.. mwahahaha, bahala siyang maghintay diyan nang makaganti naman ako sa ginawa niya sakin kahapon, tsk.. dalawang oras din akong naghintay noon ah.
*after 30 mins*
“ahihihi, sigurado inip na yun ngayon, makaligo na nga” inihanda ko na yung pamalit kong damit sa bed ko.. pumasok na rin ako sa CR para maligo,
POV: Alex
Nandito ako ngayon sa rooftop nina Eco.. ang ganda kasi dito, nandito yung pool nila tapos may mga halaman din, ang cute nga eh.. parang nasa hotel lang. Nandito ako ngayon kasi hinihintay ko yung mokong na yun. Ginising ko na kanina yun ah, hindi pa rin bumaba hanggang ngayon. Katagal eh-eh!
“tsk, hantagal naman” may 30 mins na ata ako nagiintay ah..
PUNYEMAS!! Hindi ko na kayang maghintay pa, papasukin na kita sa kwarto mo.
“tita, meron po ba kayong duplicate key ng kwarto ni Jericho?” sana meron… sana meron, tita say YES! Kausap ko ngayon ang mama ni eco si Tita Risa.
“ah oo meron nga.. teka kukunin ko”
“sige po tita..”
Nung makuha ko na yung key.. pumunta na ko sa kwarto ni mokong! Wahahaha.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto..
Naliligo pala siya ..umupo lang ako sa bed niya habang iniintay siya.
Maya-maya…
Biglang bumukas yung pinto ng CR niya.. at .. at …
“WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA, BAKIT KA NANDITO?!!!!!”
(O.O)
“AHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH, WOOOOOOOO, HAHAHHAHAHAHAHHAHA” habang nagwawala dito sa bed niya.. lumabas kasi siya sa CR ng nakabrief lang eh.. wahahahaha..
Kumuha agad siya ng towel para takpan yung… ano niya.. yung ano.. alam niyo na yun!
“pano ka nakapasok dito?!”
“hahahahhaahahha.. bakit bawal ba? Hahahaha.. saka bakit tinatago-tago mo pa yan, eh nakita ko na yan.. sabay pa nga tayo maligo noon eh! Hahahahhaahaha”
*SAPAK!*
“ARAY NAMAN!” sabi ko sa kanya ..binatukan ba naman ako.
“noon yun! mga bata pa tayo nun eh!.. atsaka ma...malaki nang p-pi-pinagbago nito ngayon, nagmatured na siya.. kaya bawal mo nang makita!”
“HASUS! Dami mong alam…. Infairness…. Daming abs ah! Ahahahaha” sabay karipas ng takbo palabas ng kwarto niya.. ahahahaha
“pfft.. Bwahahahahhahaha” hanggang ngayon natatawa pa rin ako..
Kasi naman sa hinaba haba ng panahon.. ngayon ko na lang siya ulit nakitang nakatopless, pero infairness naman huh, may six pack na pandesal din pala yung mokong na yun, hmmm pwede ng pagkakitaan para isali sa macho dancer sa tabi tabi, hahaha YUMMYNESS din naman siya ehh
“bwahahahahaha” siguro para na akong tangang taw ang tawa dito sa sala nila. Buti na lang at umalis si tita mwehehehe XD.
POV: Eco
Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nagbibihis na.. haay, kakainis talaga yung BALIW na yun sarap ingudngod sa pader mukha niya nakita niya kasi akong nakaunder wear lang kainis talaga GGGRRRRR!
Nakakahiya ..ano pang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon, nakakasura talaga.
Pababa na ako ngayon sa hagdan pero natigilan ako.. tss, hanggang ngayon tumatawa pa rin ang luka haayshh, parang ayoko nang magpakita sa kanya.. I’m so SHY!!.
“tol! ..pfft bwahahahahahaha” sinasabi na nga ba eh.. pagkakitang pagkakita sakin yan agad ang mga salitang lumabas sa bibig niya. -___-
Tawa parin siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan at ipinapagpag ang mga paa sa sofa.. sa sobrang tawa napahiga na kasi siya sa sofa.. parang TANGA.
“psh.. -__-#” umupo na ako sa tabi niya habang siya as usual laughtrip pa rin.. kasura!
“ano ba ginagawa mo dito?! Bakit ang aga mo pumunta?!” tanong ko sa kanya.
“pfft..” sabay turo sakin “bwahahahahahahahah ang sakit na ng panga ko ayoko na hahahahaha” hindi na ako nakatagal.
*BOGSH*
“ARAAAAY! Ang pwet ko!” habang himas himas ang pwet niya “bakit mo ginawa yun? Huhuhu” artida tong luka na to ah.. hahaha sinipa ko kasi siya kaya nahulog siya sa sofa at nauna yung pwet niya pagkahulog mehehehe>:D ansama ko ba?
“eh ayaw mong tumigil kakatawa ehh.. eh anon gang ginagawa mo dito?” tumayo siya at umayos ng upo sa tabi ko habang nakasimangot pa rin.
“eh diba mamaya na tayo magpeperform dun sa bistro.. sabi mo dapat magpraktis na tayo kaya andito ako ngayon hahaha oh ayos ba?!”
Oo nga pala noh.. meron kasi kaming summer job ngayon amboring kasi kung tatambay lang sa bahay lalo na ngayon at bakasyon. Bakasyon kasi ay ang tabaan time.. saying naman abs ko kung mananaba lang kami ni tol ngayong bakasyon kaya namin naisipang magkaroon ng summer job. Kakanta siya ako naman ang maggigitara. Kaya sinabi ko sa kanya dati na dapat magpraktis kami kaya siya nandito ngayon kesa naman magpatanga tanga kami dun noh.
“AHHH! Oo nga pala noh” sabi ko.
“so anong kakantahin ko? Sabihin mo na sakin para masaulo ko na yan!” sabi niya.
“eh wala pa nga akong naiisip na kanta eh”
“ANO?! Wala ka pang naiisip! Eh isat kalahating tanga ka rin pala eh, mamayang gabi na kaya yun! Tapos wala ka pang napipili.. NAKUU NAKUUUU! Kapag mamaya pa-anga-anga ka dudurugin kita!”
“Chilaks! Kayang kayak o yan di kita ipapahiya.. doncha worry”
Heto kami ngayon bising bisi maghanap sa internet nang makakanta niya.
Hanap hanap din ng song pag may time. Mwahaha.
“eto kaya.. ayy ampanget.. hmmmm, alin kaya dito” sabi niya naghahanap din kasi siya sa ipad niya ng song ako naman dito sa laptop ko.
“AHA!”
“bakit?! May nakita kana?” tanong ko sa kanya.
“oo .. tingnan mo to!” lumapit ako para tingnan yun..
Glad You Came Acoustic by Princess Velascoà yung nakita niya tapos pinarinig niya sakin.. hmmm maganda nga! Maganda rin yung pagka-guitar version sarap pakinggan kaya napagdesisyunan namin na yun na nga ang tugtugin.. kaya nagsimula na kami ng fraktissss :D.
(A/N: yemen.. update lang ng update kahit walang readers! wahahaha XD)
BINABASA MO ANG
She's Handsome
Ficção AdolescenteTungkol sa isang "TOMBOY" at isang masugid na "BESTFRIEND" na ..... EWAN basta basahin niyo na lang.. at subaybayan hanggang matapos.. wahahahahahaXDDD..