Chapter 4
POV: Eco
Natapos din ang walang kwentang praktis… alam nyo kung bakit? E parang wala naman kaming prinaktis kanina kapag tinutugtug ko na yung intro biglang sasabihin na hindi pa daw siya nakakapag-vocalization chu chu… buti na lang at ayaw ko ding mapahiya kaya hinayaan ko na lang siya… pero siyempre sa huli nagawa din namin ng maayos yung kanta and PERFECT! Galling nga din kasi kumanta ni tol eh, minsan nga naisip ko baka hindi naman talaga siya tomboy.
“uy, uwi na me… maghahanap pa ako ng isusuot eh”
“ano namang isusuot mo?” tanong ko
“kaya nga maghahanap pa eh… alangan naman magsuot ako ng jersey dun kahiya-hiya naman, kaya uuwi na ko… oh sige na bye na!” tumayo na siya at palabas ng pinto.
“teka… anong oras kita susunduin?”
“wag na… ako nang pupunta dito, kung ikaw rin lang ang pupunta sa bahay baka malate pa tayo” tumigil siya sa harap ng pinto at lumingon sakin “pagwapo ka ha! Hehe” tapos kinindatan pa ko at ngising ngisi tapos dali daling takbo palabas.
Di ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti sa sinabi nya… sana maging babae na ulit siya para mas maliwanagan ako sa kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
POV: Alex
Nakahanap na ko ng susuotin ko… actually suot ko na nga ngayun eh sana nga hindi ako pagtawanan ni Eco baka kasi isipin non para akong ewan dito sa suot ko.
Time check: 7:30 pm
8:30 pa ang punta namin sa bistro. Tapos na ako magayos kaya pupuntahan ko na si Eco baka kasi mamaya nakabarong na yung lokong yun eh wahahaha.
.
.
.
.
.
.
.
Dito na me sa harap ng bahay nila Eco. Wala ng pa-doorbell doorbell pa nagtuloy tuloy lang ako ng pasok feel at home lagi ako dito eh hihihi… nakasalubong ko si tita.
“oh nandito ka na pala” kakahiya naman basta basta na lang ako pumasok nandito pala si tita… so embarrassing “naku yung bestfriend mo nandun pa sa taas at nag-aayos ng buhok niya kanina pa yun dun eh baka pinapahot oil niya pa yung hair antagal na sa taas eh di pa bumababa” sabi ni tita.
“ah ganun po ba sige po ba… sige po pupuntahan ko na lang baka mamaya kinalbo na nya buhok nya eh hehe”
“ahhmm.. Alex” sabi ni tita
“bakit po?”
“gusto ko lang sabihin na mas gumanda ka ngayon sa suot mo… sana laging ganyan ang ayos mo”
Napangiti lang ako sa sinabi ni tita… ewan ko pero parang natuwa naman ako masyado sa pagpuri sakin kahit sanay na ko sa mga ganyan nyehehe ^o^.
POV: Eco
“ARRGHH”
Kanina ko pang inaayos tong buhok ko wala talagang bumagay sakin… suklay dito, suklay doon, nabungi na nga yung suklay eh sumuko na ata sa buhok ko.
30 mins na akong nasa harap ng salamin wala pa rin baka nga mamaya yung salamin naman ang masira, antagal ko na dito eh… 8:00 na , 30 mins na lang din para pumunta sa bistro.
Biglang may pumasok sa kwarto ko… alam kong si Alex yun, sino ba kasing laging pumapasok ng kwarto ng walang paalam, kaya di ko na lang siya pinansin busy ako eh… busy dito sa putris na buhok na to.
“HOY! Baka manlagas na buhok mo nyan… eh kanina ka pa daw jan eh” sabi ni Alex na nasa likot ko.
Humarap ako sa kanya…
“eh sa walang bumagay sa---“ natigilan ako sa pagsasalita. Napatitig lang ako sa kanya.
WOW… yun na lang nasabi ko sa isip ko… di ko alam kung maiiyak o matatawa sa tuwa dahil look oh, babaeng babae sya ngayon. I can’t bilib this. Simple lang naman suot niya eh, pero parang bumalik na si Andria at sana magtuloy tuloy na.
“HOY!! Bakit ganyan ka makatingin?!”
“wala… naninibago lang ako sayo ngayon”
“bakit naman?”
“ ikaw pa ba yung bespren ko?? Kasi tingnan mo haa… dati ang lagi mong suot na shorts ay yung mga pangbasketball pero ngayon… wow pinapakita mo na talaga yang legs mo haa jan sa short shorts mo.. tapos ang mga suot mo naman top, laging loose na t-shirt pero ngayon nakablouse ka na haa at naka tack-in pa, tsaka lagi kang nakarubber shoes, converse o kaya nakatsinelas na Sandugo tapos ngayon naka Keds ka na” sinabi ko lang ang totoo noh.. di ko napigilan bunganga ko eh, kusang nagsalita.
Hindi siya agad nakasagot at parang namula siya… uy perstaym ko siyang nakitang nagblush hehe… hindi kaya babae na talaga to?
“h-hindi naman” namumula pa rin haha “e ikaw nga tingnan mo yang buhok mo parang hinimod ng baka!”
“nakakahurt ka na ah.. pinuri kita tapos ikaw nilalait mo ko”
“akin na nga” hinablot niya sakin yung suklay “ako ang aayos jan.. kawawa ka na eh”
Lumapit siya sakin kasi inaayos niya nga yung buhok ko kaso sobrang lapit naman, kasi halos kalahating ruler na lang pagitan namin eh…
Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusuklayan ako… sana talaga maging babae na siya para masabi ko na sa kanya dahil sigurado na ako na gusto ko na siya… hindi pala… MAHAL ko na siya.
“oh ayan bagay na sayo yan… ganyan naman lagi ayos mo eh” tumingin siya sakin.
Nag eye to eye kami… hindi ko magawang alisin yung mata ko sa kanya hindi ko alam kung bakit… parang ang lalim ng mga sinasabi ng mata niya… Andria sana magkaroon na ko ng pagkakataon na magtapat sayo, magbago ka na… bumalik ka na sa dati… PLEASE!
“anak! 8:15 na! baka malate na kayo nyan… masesante agad kayo saying naman trabaho nyo!” at dun lang sa sinabi ni mama naputol ang tinginan namin.
BINABASA MO ANG
She's Handsome
Teen FictionTungkol sa isang "TOMBOY" at isang masugid na "BESTFRIEND" na ..... EWAN basta basahin niyo na lang.. at subaybayan hanggang matapos.. wahahahahahaXDDD..