Chapter 3: Plans and Clues

17 0 0
                                    

Louie's POV

Nandito ako ngayon sa park kung san pumunta si Louise. Sinundan ko sya kanina at baka kung sang lupalop ng earth magpunta. At eto ako ngayon Nagsspy "kuno" ako sa kanya kasi baka biglang may dumating na asungot.

Nakaupo lang si Louise don sa mga bench habang kumakain ng streetfoods. Hindi pa rin talaga sya nagbabago.

Bumili muna ako ng makakain at nagugutom na rin kasi ako.

Lumapit ako kay Manong Fishball at bumili ng makakain.

"Manong, pabili po ng 10 pisong fishball at 10 pisong Kwek-kwek at isa na rin pong palamig." habang hinihintay kong matapos si manong, tinignan ko si Louise na nakatingin sa dalawang matandang couple. Nakangiti sya. Nakangiti si Louise, isang ngiting hindi FAKE.

Since nung bumalik kami dito sa Philippines galing New Zealand ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng tunay. Hindi ko alam kung bakit nasabi kong hindi fake yung mga ngiti nya ngayon, Ngumingiti naman sya kapag kasama namin sila Yna at Alex pero yung mga ngiti nya ngayon, tila kakaiba sa lahat ng ngiting ipinapakita nya saamin.

"Ijo, eto na yung mga binili mo."

Bigla naman akong bumalik sa katauhan ko nung marinig ko si manong.

"A-ah salamat ho." sabi ko kay manong at kinuha ko yung wallet sa bulsa ko at naglabas ng 500 at inabot kay manong.

"Ah Ijo, wala ka bang barya dyan?"

"Sige na po, tanggapin nyo na po yan."

"Napakabait mo namang bata. Maraming salamat, Ijo."

"Wala pong anuman." kinuha ko na yung mga pagkain ko at umupo sa di kalayuang bench para makita ko si Louise. Tila na ako stalker dito.

inumpisahan ko ng kainin yung mga binili kong pagkain. Nakakamiss rin palang kumain ng mga ganito. Sa ibang bansa kasi walang ganito.

Nakita ko namang papalapit na Kelly kay Louise. Si Daren naman papalapit na rin kaya tumayo na ako para harangin sya.

"Oh, Daren nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito sa mokong na 'to.

"Ah pupuntahan ko sana si Louise. Nandito kasi sya eh." sabi nya sakin.

"A-ah ano kasi ... K-kasi merong dalaw ngayon si Louise. Tama yun nga."

"Dalaw?"

"You know, girl thing. Kaya kung ako sayo ... Di muna ako lalapit kay Louise."

"Huh? Bakit naman?" Nak ng! Daming tanong!

"Kasi nanapak sya pag may dalaw sya. Okay? Kaya alis na! Shoooo." tapos tinulak tulak ko na sya palayo.

"P-pero kasi ...."

"Walang pero-pero!!" then tinulak ko ulit sya palayo.

The More I Hate, The More I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon