Umpisa

18 1 0
                                    

There may be times when we are powerless to prevent injustice, but there must never be a time when we fail to protest.

Elie Wiesel

------------------------------------------------------

Nasa isang malawak na hardin ang batang babae at lalake, si Kriya at Dash, nakaupo ang dalawa sa damuhan na may sapin na puting tela, nakakalat ang mga laruan at libro, habang may cookies, sandwich at orange juice, sa tabi nila.

"Kriya anong gusto mo, when we grow up? Gusto mo bang maging doctor katulad ng mommy mo?" Tanong ng bibong batang si Dash kay Kriya na nagbabasa ng libro. Kumuha ng sandwich si Kriya bago tinapunan ng tingin ang pinsan .

"Hindi ko pa alam. Ikaw?" Walang ganang sagot nito. Simula ng nakatapak si Kriya sa lugar na ito, si Dash na ang nakakalaro nya, sya lang ang bukod tanging natagalan ang ugali nya, sa kanya lang panatag ang loob ng batang si Kriya, siguro dahil anak ito ng kapatid ng mommy nya.

"Ako gusto kong maging magaling na Pulis Kriya" masiglang pagkakasabi nito sa pinsan, tumayo pa ito at sumaludo, kuno ay nagbibigay ng respeto.

"Pulis? Psh!" Bigla itong tumayo at tumalikod sa pinsan, nagsimula ng maglakad papasok sa bahay nila

"Kriya san ka pupunta? Hindi pa tayo tapos maglaro at mag aral ah?" Nagtataka itong tinignan ang pinsan dahil bigla nalang itong nagalit sa kanya.

"Wag mo akong kausapin, ayokong magkaroon ng pinsan na pulis" pasigaw na saad ng batang si Kriya habang naglalakad ito papasok ng bahay nila.

Hindi na pinansin ng batang Dash ang sumpong ni Kriya, batid nitong sumpungin talaga ang pinsan nya. Sa kabila ng pagiisip sa ugali ng pinsan hindi nakatakas sa paningin ni Dash ang punit at lukot lukot na parte ng dyaryo, nagtataka nyang kinuha ito at binuklat, nakita nya ang picture ng Chief ng Police na iniidolo nya, ito ang inspirasyon nya para maging magaling na pulis, dahil base sa napapanuod nya sa balita mabilis nitong nareresolba ang mga krimen at mahusay itong mamuno.

Sa kabilang banda, umakyat na nagdadabog si Kriya papuntang silid nya. Pagkasara nya ng pinto doon unti unting bumuhos ang luha ng batang babae.

"Bakit ba gusto ni Dash na magpulis? madami namang iba dyan bakit pulis pa!" Saad ni Kriya habang walang tigil na pagiyak, "galit ako sa mga pulis" yan ang tangin laman ng isip ni Kriya habang umiiyak. Bata palang nito ay naramdaman nya na ang pait ng buhay, at ang tanging pangako nito sa sarili ay ang ipaghiganti ang mga mahal sa buhay.

"Kriya umiiyak ka ba? Huwag ka na umiyak bati na tayo please?" Kumakatok si Dash sa pintuan, hindi ito nakatiis na hindi pansinin ang pinsan na may sumpong, batid dito ang sinseridad na magkabati sila ng pinsan nya.

"AYOKO! Umalis ka na nga!, ayoko sa mga pulis!!" May diin sa mga salita ni Kriya kasabay nito ay ang paghagulgol nya ulit.

"Sige na nga! Hindi na ako magpupulis pero dapat bati na tayo ah?" Masayang sambit nito dahil batid ng batang Dash na babatiin na sya ni Kriya. Pero ang pangarap nyang maging pulis ay hindi nya isinasantabi,sinabi nya lang ito para magkaayos sila ng pinsan nya.

"Talaga Dash ? Mag promise ka muna" tumigil na sa pagiyak si Kriya, pagkarinig nya sa sinabi ni Dash. Pinunasan nito ang luha nya sa magkabilang pisnge nya at hinihintay ang sasambitin ni Dash.

"I promise Kriya, hope to die" sabi ni Dash, at nagulat sya ng pagbuksan sya agad ni Kriya ng pinto, pawis na pawis ito at madungis dahil sa pag-iyak. Hindi nag atubili si Kriya na yakapin ang pinsan sa kagalakan dahil sa sinabi nito. Masaya sya dahil sa unang pagkakataon, bukod sa mommy nya, may iba pang tao na nasa tabi lang nya at mapagkakatiwalaan nya.

"Hey darling bakit ka masaya" pababa ng magarbong hagdanan ang babaeng nasa mid 40's na pero batid parin dito ang kagandahan noon kabataan nito.

"May naalala lang ako Mom" sagot naman ni Kriya, habang hinihintay ang kanyang mommy na makababa, dahil magpapaalam sya na papasok na sya. Si Kriya ay isang mestisang babae, na may mapupulang labi, may isang pares na magagandang mata, na tila nangungusap kapag tinapunan ka ng tingin nito, at may matangos na ilong, kahit sino atang lalaki ay mabibighani sa kagandahan nito.

"Mom alis na po ako" bumeso ito sa ina at nagmartsa na sya palabas ng masyon.

"Sige ingat ka!, Darling!"pahabol na sigaw ng ina ni Kriya habang tinatanaw ang anak na sumakay ng hummer nito at minaneobra palabas ng gate nila.

Kriya POV

Nagdrive ako papunta sa isang simbahan kung saan gaganapin ang kasal ng anak ng pinakamalapit kong kakilala, ang alam ni mommy pupunta ako ng school pero hindi, mas importante ito kesa sa pag aaral ko. Nagpark ako sa gilid ng kalsada, dahil punuan na sa parking ng simbahan, nilagay ko ang Glock 19 Gen4 (9mm Luger) handgun ko sa may holster sa may kanan hita ko, in case of emergency lang naman. Nagtungo ako sa back seat ng kotse ko at kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng blue cocktail dress ko, para naman bumagay ako sa theme ng kasal. Nag suot ako ng black pumps, inayos ko ng konti ang buhok ko at dire diretso akong lumabas ng kotse. Tumayo muna ako sa bandang gilid ng simbahan, 30 minutes akong advance sa mismong oras kaya mas pinili ko munang tumayo sa gilid, may ilan ilang mga lalaki ang sumisimpleng tingin sa gawi ko, pero pasensya sila hindi sila ang pakay ko. Makalipas ang sampung minuto nagdesisyon na akong pumasok sa loob, dahil naulinigan ko na parating na ang groom. Umupo sa pinaka tagong pwesto ng simbahan, yun tipong hindi pansinin ng tao. Hanggat maaari ayokong may madamay na sibilyan pero sa sitwasyon ngayon hindi ko maiiwasan.

After 20 minutes nagdesisyon na din akong lumabas ng simbahan dahil nasa labas na ang bridal car, nagmadali akong maglakad pero yun tipong walang makakahalata, sa ganitong sitwasyon magaling na akong magpanggap. Sanay na akong kumilos na hindi pagsususpetsyahan ng iba.

"Ayy!!! SHIT !" umalingangaw sa labas ng simbahan ang tili at mura ko matapos kong matapilok, bwiset na pumps, ang taas taas, kundi lang kita kailangan para sa props ko tinapon na kita. May mangilan ngilan na kalalakihan ang tinulungan akong makatayo, pero, shit mukhang nagkatotoo yun pagtapilok ko, dahil may nararamdaman akong kirot

"Okay na ako salamat" wika ko sa isang lalaki na inalalayan ako, isa sa mga bisita ng kasal, dahil narin sa suot nito. Nang matansya ko na ayos na yun paa ko kahit paika ika, pinili ko ng makalayo, dahil nagawa ko na ang una sa mga plano ko. Nakakita ako ng puno na malayo ng konti sa simbahan pero sa anggulo dito sinisiguro kong tanaw na tanaw ko ang mangyayari.

THIRD PERSON POV:

BOOOOOM!!

Isang malakas na pagsabog ang gumimbal sa lahat ng panauhin, dali daling dumiretso ang mga tao sa mismong kotse ng bride kung maisasagip pa ang buhay nito at ang driver. Pero bigo ang lahat, dahil sa lakas ng pagsabog nito sunog na sunog na ang katawan ng driver at bride, makikilala mo nalang ito dahil sa pwesto na kinauupuan nila. Ang kasalan na mauuwi sana sa isang masayang pangyayari ay nauwi sa isang trahedya. Tanging iyak at paghihinagpis ang makikita mo sa kanila, kahit ang lalake na nakatakda sanang ikasal ay hindi napigilan ang mapaluha. Unti unti nagdatingan ang mga pulis at bumbero sa simbahan.

Lingid sa kaalaman nila, may isang babae na masaya sa pangyayari, wala sanang madadamay na sibilyan kaso nagbago ang isip nya. Kada nakikita nya ang taong pumatay sa mga mahal nya sa buhay na masaya, na parang wala lang sa kanya ang pagpatay, unti unting bumabalik ang galit sa puso nya. Galit na maraming taon na nyang kinukubli. Ang hustisya na pinagkait para sa mga mahal nya sa buhay ay sya na mismo ang magpapatupad.

"Naguumpisa palang ako Chief Rodrigo Santos, ipaparanas ko sayo at sa pamilya mo kung paano ako maningil" wika nito na may kakaibang ngiti sa mga labi habang dahan dahang naglalakad papunta sa kotse nito.

JUSTICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon