...........

9 1 0
                                    

Injustice anywhere is a threat to justice everywhere.

- Martin Luther King Jr.

------------------------------------------------------

Pagkatapos ng pagsabog, dumiretso na agad ako sa kotse, mahirap na baka may maghinala pa sakin, mabubulilyaso pa ang mga plano ko. Nagmaneobra ako agad papuntang school, kailangan kong umabot kahit last subject lang. Kung hindi baka makarating kay mommy na hindi ako pumasok. Naalala ko na naman ang nangyare kanina, hindi ko maiwasan sumaya, this is just the beginning, and i will promise that, I'll stand until the very end, even if I'll risk my life.

Naghanap ako kaagad ng parking space, then dumiretso ako sa comfort room. Doon na ako magpapalit ng school uniform timing at walang katao tao sa cr ngayon, dahil lahat ng students ay may klase pa. May 15 mins pa ako para magbihis. Lumipas ang limang minuto at natapos na ako. Pinusod ko ang hanggang balikat ko na buhok then dumiretso na ako palabas ng cr. Tinignan ko ang wrist watch ko at may 10 mins pa ako para magikot ikot muna sa school.

"Stop with your revenge thing, Kriya" nagsalubong agad ang kilay ko pagkarinig ko sa kanya, nakasandal sya sa pader ng ladies cr at nakapamulsa. Shut up Dash! Gusto ko sabihin sa kanya pero wala akong lakas na magsalita ng ganyan kapag sya ang kaharap ko.

Tinalikuran ko kaagad sya pero mabilis nyang nahawakan ang braso ko, sobrang higpit hudyat na galit na galit sya. Tinignan ko ang pagkakahawak nya sa braso, kitang kita ang higpit nito. Sinalubong ko ng matalim na titig ang mata nya. Stop dominating me Dash!. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya sa balikat ko, then I throw a dagger look to him.

"If you don't want to help me, then don't meddle with my plan Dash" kung hindi kakalimutan kong magpinsan tayo. Tinalikuran ko sya, gulat ang nakapaskil sa mukha nya. Nang paliko na ako, hinawakan ko ang braso ko na hinawakan nya, sa sobrang higpit ng paghawak nya kanina, nag iwan ito ng mamula mulang marka,binalewala ko na lamang ito. Napangiti naman ako, kahit binalaan kita Dash alam kong susuwayin mo parin ako, gagawin mo ang lahat para pigilan ako, then i will do everything para hindi mangyare yun. Dumiretso na ako sa huling klase ko, si Dash naman ay nakasunod sa akin, bumalik na rin ang aliwalas ng mukha nito, hindi tulad kanina. Hmm ano kayang iniisip mo Dash? Will you be my ally or my enemy ? Just choose only one Dash.

Umupo ako sa assign seat para sakin, as usual magkatabi kami ni Dash, since grade school palage nyang gustong magkatabi kami, and I don't know why? Parang palageng nakabantay sya sa mga kilos ko, at kung may pagkakamali ako sya ang kumikilos para itama. Tumingin ako sa peripheral vision ko at ayan na naman sya, kahit may professor kami sa harapan nakatuon parin ang atensyon nya sakin, na walang nakakampansin kung hindi ako. He gave me goosebumps, and I hate that.

Tinapunan ko sya ng matalim na tingin pero ngumisi lang ito sakin. And i mouthed "I hate you" at tinuon ko na uli ang atensyon ko sa prof, na nagpapaliwanag sa harapan. Hapitan kami sa mga quiz at kung ano anong requirements ng ibang prof dahil next week ay midterm exam na namin. Kaya mag hinay hinay muna ako sa mga plano ko. Besides isa sa mga inaalala ko ay si Dash, I can't read his mind and also his action, i just need to be careful.

Umiinom ako ng bottled water sa may hallway ng school and thank GOD hindi nakaaligid sakin si Dash kung hindi.......

"Le me guess?" Damn nasa may tagiliran ko sya, hindi ko man lang naramdaman. May nakatutok sa tagiliran ko, pero alam kong hindi sya baril.

"Guess what Dash?" Tinapik ko ang daliri nya na nakatutok sa tagiliran ko. You never failed to amuse me Dash, hindi man lang kita naramdaman.

"Ahm" humawak pa ito sa baba nya, animo'y nagiisip. But he can fool me, alam ko na alam nya kung ano iniisip ko. Lumapit pa ito ng bahagya sa tenga at bumulong "I am your ally Kriya, and I always be" napatingin ako bigla sa kanya, parang may something sa sinabi nya. Bigla akong kinilabutan d*mn!

"Psh, dyan ka na nga!" Binilisan ko ang lakad ko,para hindi ako maabutan ni Dash. Ilang minuto lang, alam kong hindi na sya sumusunod sakin, dahil kahit anong bilis ko sa paglakad ay maaabutan at maabutan nya ako. Pero nawala sya bigla sa likod ko. May nangyare kaya?

Paliko na ako sa isang pasilyo ng makita ko si Dash, teka san lumusot yun, may kaakbay syang lalake, na mukhang goons. Anong meron? Tumakbo ako ng mabilis para maabutan ko sila. Lumiko sila sa isang pasilyo, pero ng nakaliko na ako, wala ni bakas ni Dash at nung lalake. Tsk!

Hay! Makauwi na nga, bumalik na ako ulit sa parking at nagdrive na ako pauwi sa bahay.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa bahay na ako, and as expected, laman na ng balita ang nangyare kanina sa simbahan. Naabutan ko si mommy na nanonood ng news sa living room.

"Kinalulungkot ng sambayanang Pilipinas ang pagkamatay ni Ms. Sophia Javier at ang driver nito. Si Ms. Javier ay na nakatakdang ikasal sa anak ni Chief Rodrigo Santos, bago pa maganap ang seremonyas sa simbahan ay may narinig na malakas na pagsabog sa labas, kung saan tinupok ng apoy ang bridal car na kinaroroonan ni Ms. Javier. Hindi pa matukoy ng awtoridad ang pinagmulan ng pagsabog, malaking palaisipan sa awtoridad ang nangyare.

Muli nakikiramay kami sa pamilya Javier at Santos

Ako si ***** naguulat". Saad ng reporter.

"Hay naku grabe na talaga ang panahon ngayon" saad ni Mommy matapos mapanuod ang balita, isinantabi ko ang sinabi nito at hinalikan sya sa pisnge.

"Oh darling andito ka na pala, tara't kumain ka na, napanuod mo ba yun balita? Naku darling mag iingat ka palage, lalong lalo na ngayon, masyadong hindi na ligtas ang paligid natin" dire diretsong saad ni Mommy, tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya at niyaya syang kumain sa may pool area namin.

"Kawawa naman yun pamilya nung ikakasal at yun mapapangasawa nito" tuloy tuloy na salita ni Mommy habang binabaybay namin ang papunta sa pool, kung saan may nakahanda ng juice at kung ano anong pagkain sa table sa table.

"Oo nga my" yun lang ang tanging sagot ko sa kanya, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, bakit parang nakokonsensya ako, si Rodrigo Santos ba nakonsensya sa ginawa nya sa mga mahal ko sa buhay. Maraming taon akong nalugmok sa pighati kaya dapat hindi ko maramdaman ito. Ni hindi ako dapat makonsenya, dahil simula't sapul sya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon, kung bakit nababalot ng galit at paghihiganti ang puso ko.

Napahigpit ang hawak ko sa baso ng juice habang inaalala ang paghihirap ko. Gusto kong maningil, at alam ko sa sarili ko na kulang pa! Hindi pa sapat ang ginawa ko sa kasalan kanina.

"Darling ayos ka lang ba?" bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Mommy, nakatingin ito sa kamay ko na may hawak ng juice, napansin nya siguro ang tensyon na nararamdaman ko

"Yes mom" niluwagan ko ang hawak sa baso ang nilapag ito. Tumingin ako sa nagaalalang mukha ni Mommy sakin, nginitian ko sya, para sabihin na ayos lang ako. Maswerte ako na dumating si Mommy sa buhay ko, naging masaya ako pero hindi natatakpan ng kasiyahan na yun ang lungkot at galit na nararamdaman ko.

Naguumpisa pa lang ako, kulang pa yun sakit na ipaparanas ko sa kanya at sa pamilya nya. Handa akong gawin ang lahat, magtagumpay lang ang plano ko, kahit ang kapalit nito ay ang buhay ko.


JUSTICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon