.........

4 0 0
                                    

Many laws as certainly make bad men, as bad men make many laws.

-Walter Savage Landor, Imaginary Conversations

------------------------------------------------------

Nagaayos ako para sa dadaluhan kong isang event para sa mga batang may sakit na cancer, ako muna ang representative ni mommy dahil hindi maganda ang pakiramdam nito, inaayos ko ang black shealth dress ko, na humahapit sa hubog ng katawan ko. Nag apply ako ng powder and matte lipstick na babagay sa suot ko. Kasama ko naman ang assistant ni mommy sa event na yun kaya wala akong problema.

Tapos na akong mag ayos at nagdesisyon akong puntahan muna si mommy sa kwarto nya, to check if she's ok now. Naabutan ko si mommy na nakahiga sa kama nya, dumiretso ako sa gilid nito at umupo, tulog ito kaya hindi ko inabala pang gisingin, kailangan ni mommy na magpahinga para umayos na uli't ang pakiramdan nito, hinalikan ko ang noo nito at lumabas na ako ng kwarto. Pababa ako sa hagdanan ng makita ko ang assistant ni mommy na si Cynthia, sa itsura nito ay mejo may katandaan na, sa pagkakaalam ko sya na talaga sa simula palang ang naging assistant ni mommy. Nginitian ako nito at ngumiti din ako pabalik, inalalayan ako nito sa kotse. Nasa back seat kami parehas, sinenyasan ko ang driver na umalis na kami.

Inabutan ako ni Cynthia ng mga list ng mga panauhin, pero tinanggihan ko ito, para san pa, when in the first place hindi naman ako ang bumuo ng program na ito, kaya't hindi na kailangan tignan ang guest lists, ang importante lang sakin ay ang mga bata, kaya napapayag din ako ni mommy na pumalit muna sa kanya.

45 minutes ang inabot ng byahe namin dahil bukod sa medyo malayo ang venue, sumabay pa ang traffic. Sabay kami bumaba ni Cynthia at pagtapak ko palang sa red carpet nagsimula ng mag flash ang mga camera, kahit kailan hindi ako masanay sanay sa ilaw ng camera. Habang naglalakad ako kung ano ano ang mga naririnig ko sa mga reporter,cameraman, at ibang panauhin na nasa entrance.

"Sya ba yun nagiisang anak ni Dr. Mondragon?"

"Oo sya nga, ang ganda nya noh?"

Psh. Naguusap nalang ang lalakas pa ng mga boses.

"Ano ba kayo! Hindi anak ni Dr. yan"

"Huh?"

Binilisan ko ang lakad ko, para makaalis ako sa mga usiserong reporter na nagtsitsismisan. Napakuyom ako ng kamao, si Cynthia napatingin sakin, bakas sa mukha nito ang pag aalala. Ngisi lang ang binigay ko sa kanya, dahil hindi ko kayang ngumiti kung ganoon ang maririnig ko.

Dumiretso kami sa designated seat para samin, umimom ako ng tubig mg may madatnan ako sa lamesa, ginala ko ang paningin ko, magarbo ang ginawa nilang pagsasaayos at sa venue, kung sana sa simpleng venue na lang, at idonate nila ang sosobra sa pondo nila, e di sana malaki ang madodonate nilang pondo, nakatulong pa sila sa mga bata. Tumikhim ako ng may mahagip ang mata ko.

"Cynthia patingin nga ng list ng guests" bakas sa mukha nito ang pagtatakha pero inabot din nya sakin.

Tinignan ko maigi ang list and d*mn kung alam ko lang, e d sana si Dash pina attend ko at binigyan ko sya ng pera para sa idodonate nya, bilang tulong sa mga bata na may sakit.

Umupo ito at ang pamilya nya sa kanang bahagi ng kinaroroonan ko, napakuyom ako ng kamao ko. Sa lahat ng lugar na pwede kitang makita, bakit dito pa?. Tumingin muna ako sa stage dahil naguumpisa na ang program, itutuon ko muna ang paningin ko sa ibang bagay, baka sa sobrang galit ko puntiryahin ko agad ang ulo nya.

THIRD PERSON POV:

Nagsimula ang programa sa isang opening song ng mga bata na may sakit na cancer, malaki ang ngiti ng organizer ng event, dahil malaki ang tulong nito para sa pagpapagamot ng mga bata.

Sa Kabila ng kasiyahan ng programa, umuusbong ang galit ni Kriya, nagpaalam muna ito kay Cynthia at tumungo sa labas ng venue. Kumuha ito ng stick ng sigarilyo sa purse nya at nagsimulang sindihan, eto ang kailangan nya para mawala ang tensyon na nararamdaman nya.
Bumuga ito ng usok sa kawalan at bumuntong hininga. Kinapa nito ang baril sa pagitan ng hita nya at muling pumasok sa loob ng hall.

KRIYA POV:

Bumalik ulit ako sa loob, nakita ko si Cynthia na nakatuon ang atensyon sa speaker sa harap, ginawa ko yung hudyat para kumilos, siniguro ko munang walang makakapansin sakin, lumiko ako sa may pasilyo kung saan nakalocate ang control room nila. And as I expected may CCTV, bago ka makapasok sa control room. Kumuha ako ng baril at nilagyan ito ng silencer, tinasya ko muna kung saan ang blind spot ng CCTV para hindi ako makuhanan nito. Hinintay ko munang magawi ito sa blindspot nya then BANG! wala ng sagabal. Tinago ko muna ang baril ko tsaka dire diretso kong tinungo ang control room.

"Anong ginagawa mo dito Miss, bawal po kayo dito!" tanong sakin ng taga check ng CCTV, nakauniporme ito na may apelyidong ALVAREZ.

"Ay sorry akala ko CR you know, comfort room. Yun pala control room hehe" umacting pa ako ng parang ihing ihi habang pinapasadahan ang kwarto, hinarap ni Alvarez kuno ang screen na nakakonekta sa mga cctv sa buong venue, habang tinuturo nito sakin kung saan ba ang comfort room. Napakamot ito sa batok ng mapansin ang namumukod tanging cctv na nakablack out. Dahan dahan akong lumakit sa kanya at pinaputukan sya sa may bandang leeg, lagapak itong bumagsak sa saheg.

"Don't worry pampatulog lang yan kuya" wika ko, as if naman na maririnig pa nya ako. Nilock ko muna ang pinto ng Control room at dumiretso sa upuan, hindi ko na inabala pa ang sarili ko na itali si Alvarez dahil 12 hours ang bisa ng pampatulog. Bawat screen ay tinitignan kong maigi, sa isang screen na may numerong 28, nakita ko ang pakay ko na masayang nakikipagkwentuhan sa table nila. Nagiisip ako ng magandang pwesto para paputukan ang matigas nyang bungo. Wala na akong pakialam sa mga pwedeng mangyare sakin basta ang alam ko kailangan kong makapaghiganti sa kanya. Tinungo ko ang pintuan ng control room at dahan dahang lumabas, animo'y wala akong ginawang masama. Kung sabagay sa ngayon wala pa naman akong ginagawang masama, pinatulog ko lang naman sya at nangalikot lang ako. Bukod don wala pa naman akong ginagawa na masamang masama.

Umakyat ako sa ikatlong palapag ng venue, dito kitang kita ang nangyayare sa ibaba, maganda ang pwesto dito pero kailangan ng konting ingat, dahil open ito may posibilidad na may makakita sakin. Naghanap ako ng magandang pwesto para maisagawa ko ang plano ko. Hinanap ko ang kinauupuan ni Chief Rodrigo Santos pero Sh*t nasan sya ? Ginala ko muna ang paningin ko sa baba para mahanap sya, then there you are, the great
Chief Rodrigo Santos having a great time with the cancer patients, napakagaling mo talagang umarte. Nagpapanggap na anghel sa harap ng mga bata pero in the first place you are a demon. Hinayaan ko muna makalayo sya sa mga bata, ayoko masaksihan nila ng harapan ang gagawin ko. Ilang minuto ang lumipas bumalik na ito sa lamesa kung saan kasama nito ang asawa at ang anak nya.

I aim his head, this is it! Huminga ako ng malalim bago kalabitin ang gatilyo. Maiigaganti ko na din kayo!

Bang!

Shit!

Damn you Dash!

Ahhhhhh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUSTICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon