15th of July
*Enchant POV*
tiktok..
tiktok...
tiktok....
"GUTOM NA KO!"
"Tiis tiis lang Chan. Ganado pa teacher natin eh. mukhang extended pa tayo" - riyo
"ANO BA YAN!! *grr* kakainin ko na talaga siya" naiinis kong sabi. Bakit kasi ang tagal tagal nitong teacher namin magpa-recess.
Excited na ko. Kumain?
hindi noh! palusot ko lang yun. Baka sakaling marinig nung teacher namin at mapagpasyahan nang idismiss na kami.
May sasabihin kasi si HANNY sakin. ANO? kaya yun. kaya kanina ko pa gustong makalabas eh baka kasi maubusan na naman kami ng time at di na naman sakin masabi.
"Okay class magrecess na kayo."
"YEEESSS!!" sigaw ng karamihan sa room namin. Halatang mga excited na rin makalabas ng room.
"Chan, Tara canteen tayo?" -riyo
"Di ako magre-recess eh."
"Akala ko ba gutom ka?!"-riyo
"Alam mo ba yung JOKE?"
"Hay.naku Chan. Malala ka na." -riyo
"Malala na kung malala."
Adiks talaga 'tong si Riyow. At kung tatanungin niyo kung asan si Gyra na lage kong kasama. Ayun medyo close na sa mga new classmates na namin. Eh? Ganun naman talaga. Pag may mga bagong dumating, makakalimutan na yung dati.
But the good thing with us kahit may new friends na siya. Di niya pa rin nakakalimutan makipag bonding saming MARS.
"Asan kaya sila Hanny." tinatanaw ko sila sa loob ng room nila pero wala sila sa loob. Magisa na lang pa naman ako dito sa labas, iniwan na ko ni Riyo eh.
"CHAN!" -hanny
"Ha-anny!" Ba't parang natigilan ako dun? Masaya naman akong nakita ko na si Hanny pero nung makita ko na naka-akbay sa kanya si Mio.
Ewan? parang tinusok ako ng karayom.
parang unti unti akong nalulusaw
parang gusto kong mag-EXPLODE
Teka? Ang DRAMA masyado. Di na ko nasanay eh SWEET naman talaga silang dalawa eh.
Lalapit ba ko o Hindi?
1
2
3..
Puntahan ko na nga. Nang malaman ko na yung sasabihin niya sakin.
"Oi.bunso'y ba't ang tagal mo lumapit samin?" -Mio
"Ha?Ah-Eh kasi... May natapakan akong bubble gum kaya ayun medyo dumikit yung sapatos ko sa sahig.hehe" Psh? watta palusot.
"Wala na ba? mahirap pa naman tanggalin yun" -Mio
"Naku. Okay na madali lang yun lalo na pagsanay na." At bigla naman tumingin si Hanny kay Mio na parang nag uusap ang mga mata nila na di ko naman maintindihan.
