Oh ere na tagalog. Basahin nyo po ang story ni Mae Tentacles Jr.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1
“Ay! Shemay talaga dre ang gwapo!!! Tignan mo pawisan na at mukhang nanlilimahid ang hot pa din.” kilig na kilig kong sabi kay Wen-wen habang pinaghahahampas sya. Babala wag na wag kayong tatabi sa babaeng kilig na kilig dahil malamang sa malamang bugbug sarado kayo.
“Grabe naman Ella alam ko kinikilig ka pero kailanagan talaga kong patayin? Pedi namang tumili lang. Jusme! Magpakadalagang Pilipina ka naman. Abay daig mo pa si Sub Zero kung maka-brutality ah.” daing nya.
Bakit ko nga ba mine-murder si Wen-Wen? Eh kasi naman andito kami ngayon at sinusulyapan si Qieone Paul Davide may future husband habang nagpapractice sila sa gym.
Ganda ng pangalan nya noh, tunog heratthrob? Hay, samantalang yung akin super plain. Ella, Ella Somera. Walang kadating dating parang ako, kaya siguro di ako napapansin ng Hubby ko. Eto tuloy ang beauty ko pasulyap-sulyap na lang sa kanya.
Tinry ko na noong magpaligaw sa iba at ibaling sa kanila ang nararamdaman ko para kay Qeione kaso ayaw talaga ni Heartness ko eh. Paano mo ba naman kasi kakalimutan tong handsomeness overload nato eh kahit parang signal number three na ang bagyong pwis na nananalanta sa kanya eh parang ang sarap paring yakapin.
Nagpapractice kasi sila ngayon ng basketball. Malamamng sa malamang varsity sya, sa katunayan nyan sya pa nga ang captain eh. Gwapo na athletic pa, hahanap ka pa ba ng iba?
Para syang si Rukawa na naging tao. Kaya lang kumpara naman kay L-O-V-E Ruwaka may loves eh may utak-utak naman tong future husband ko.
Kung hindi nga lang nakakahiya eh sisigaw-sigaw na rin ako dito ng L-O-V-E Qieone-kun habang nagwawagayway ng pink na pompoms katulad ng mga cheerer ni Rukawa na iisa ang itchura.
Nabulabog ang pagde-day dream ko kay Qieone ng magtitili ang mga mukhang hitong kaagaw ko sa kanya ng makashoot ang Hubby ko. Hanep talaga sa galing tong future ko. Biruin mo tatlo-tatlo na yung na yung nagbabantay sa kanya nalusutan pa.
Siguro nga totoo yung balibalita na may offer na sya mula sa PBA kaso tinanggihan nya at study first daw muna. Iba talaga alindog ng Hubby ko. Di pa man nakaka-graduate daming PBA teams na agad ang nangliligaw sa kanya.
Ay! Shocking Boogie! Lumakas lalo ang tilian ng mga hitong bilasa habang ako naman halos lumuwa na ang mata at di makahinga. Paano ba naman kasi tong si Qieone nagpunas ng pawis gamit ang shirt nya, yung sa may bandang tiyan. Ayan tuloy lumitaw yung sexy body nya. May abs sya kaso di ganun ka define, pero meron.
Lintukan ang sexy!!!! Halaka tiyak nasa panaginip ko to mamaya. Halimaw, kahit nga dilat ako yun pa rin ang nakikita ko weh. Teka, bakit parang uminit ata?
Ilang minuto pa kaming namalagi dun ni Wen-wen at tinutunaw sa tingin ang future husband ko. Makalipas ang limang milyong pilit ni Wen-wen lumabas na rin kami upang kitain na rin ang iba pa namin dabarkads.
Teka teka, preno muna tayo. Ako nga pala si Ella Somera, seventeen years of age and a BS Civil Engineering student. Lupit di ba?
Planado ko na nga ang future namin ng Hubby ko weh. You see, si Qieone my love so sweet kasi ay isang arki student at ako, at tanging ako lang (wow possesive?) ang perfect partner nya. Di lang sa buhay kundin pati na rin sa work. Hay, I so love our future life.
*Puk--- isang makapugot ulong batok.
“Aray naman!!! Muntik nang matanggal yung ulo ko ah. Nalaglag tuloy yung iba kong brain cells.” bulyaw ko sa bumatok sa akin.
“Kasi naman ghurl daydreaming na naman yang drama mo. Asan ka naman nakarating ngayon, sa Encantadia? No, let me guess iniisip mo na naman si Fafa Qieone noh?” sagot sakin ng beki naming friend na si June.
“Hoy! Ikaw June ah inaaway mo na naman tong si Bunso.” saway sa kanya ng aking paladin in shining lipgloss. Humanda kang bekimonster ka. Transform into angel mode...
“Oo nga ate Mariko. Inaapi na naman ako ng June Antonio Velarde na to eh di ko naman sya inaano.” sumbong ko sabay unleash ng super puppy dog eyes ko.
“Hoy! Ikaw Ella-sumbungera tigil tigilan mo yang pagpapa-awa mo kay ate Mariko noh.” ani June. Wahaha wala nang maisip na responce, alam kasing talo na sya.
“Ikaw naman June favorite na favorite mong inisin si Bunso. Kung di lang mas makapal ang make-up mo sakin iisipin ko may gusto ka dito eh.” sabi ni ate Mariko.
“Oh may gee ang eeewy nun.” sabi ko sabay sabi naman ni June na....
“yucky ka-dirt-dirt. Over my dead yummylicious body with a 24inch waistline.” pagrereact ng bekimonster.
“Naku halikan kita jan eh.” biro ko.
Wahaha di ko ata carry yun. Bekilu ang magiging first kiss ko? Hindi mangyayare dahil... alam nyo na. Wag na nating ipangalandakan ang kaladian ko.
“Oh my gee! I'm gonna make suka na may liver.” tingnan mo tong baklang to makareact.
“Talaga??? Sige nga sample?” abay pagnaisuka nya liver nya bilib na ko sa kanya.
“Tama na nga kayong dalawa. Ikaw June ah wag mo na ulit sasaktan tong si Bunso. Lalaki ka pa rin at babae pa rin yan.” pangangaral ni ate.
“Nako ate Mariko eh mas maton pa yan kesa sakin eh.” pangangatwiran ni June.
“Kahit pa.” balik ni ate Mariko.
Binalik ko ang tingin ko kay June at binelatan sya. Nyahaha iba talaga pagbunso at makatunaw puso ang puppy dog eyes.
Para kong baliw na patalikod na naglalakad habang pakanta kanta pa ng bigla akong may nakabangga. Naramdaman ko na may kamay sa bandang likod ko at isa pang kamay na nakahawak sa braso ko. Sinalo nya ko bago ko pa man ma-face-plant ang simento.
Oh may GOD.!!! Dug-dug-dug-dug. Lampas 1million bets per nanoseconds na ata ang tibok ng puso ko. Grabe pusibli ba to? Wala na kong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko. Naririnig mo rin kaya to? Cue in slowmotion effect. Grabe ang daming heart sa paligid. And play the sweet sweet love song. Eto yun oh. Gantong ganto yung napapanood ko sa tv eh.
Lintik! Isang anghel ang ipinadala ng langit para lang pigilin ang pagbagsak ko sa lupa. Oh oras huminto ka!!! Harry Potter may spell ba para dun? Expecto Petronum? Reducto? Expeliamas? Ridicilous? Ano? Sabihin mo meron ba?
“Oh! Ayos ka lang?” Tanong ng anghel. Wala naman akong ibang naging reaction kundi ang tumangotango lang na parang yung asong tango ng tango sa dash board ng taxi.
“Sa susunod mag-ingat ka ha?” uy! Concern. Teka mamamatay na ko sa kilig.
“Laway mo.” sabi ni Wen-wen sabay punas sa pisngi ko. Meron ba talaga? Oh my gee nakakahiya.
“Hoy! Babaeng tulala wala na kaya pedi ka nang gumalaw.” puna ni June.
“Guys, di na ata humihinga dalin na sa ospital yan.” biro ni ate Mariko.
“Idadaan pa ba sa ospital yan? Ituloy na natin sa funeraria sayang lang ibabayad sa ospital eh.” dagdag ni June.
Hay! Wapakelz kahit san nyo ko dalin at kahit anong sabihin nyo. Hinawakan ni Qieone ang kamay ko. Sinalo nya ko. Concern sya sakin. Oh my gee di ko huhugsan ang kamay ko. Isusupot ko to. Forver na sya dun. Grabe!!!!!
BINABASA MO ANG
Ella Assumera (Pansamantagal Na Ititigil)
Fiksi RemajaExpecting doesn't hurt as much as assuming does. I know kasi I had the firsthand experience. I expect and because of that I got hurt pero the time I assumed I got shattered. Sa pageexpect masasaktan ka pero atleast may nararamdaman ka pa dahil ones...