A/N: Hindi sa lahat ng oras, palaging masaya, palaging sweet, palaging naglalambingan. Dadating sa puntong araw-araw na kayong nag aaway. Yung inakala mong siya na talaga ang makakasama mo habang buhay, pero mali pala. Iiwan ka rin pala niya.
Macee's POV
"Isang buwan na rin ang lumipas simula ng makagraduate ako. Nagpamedical agad ako nun pagkatapos ko grumaduate. Tuloy na ang pagpunta ko sa america. Ayaw ko man pumayag sa gusto ni Dad, wala naman akong magagawa. Dun ko na daw ipagpapatutuloy ang pag aaral ko kasama sila Kuya Jan at Kuya Ron."
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Coleen, kasi alam kong sobra siyang malulungkot kapag nalaman niya yung tungkol sa pag alis ko. Pero kagaya ng sabi ni Dad, kung talaga daw mahal namin ang isa't isa, kahit na magkalayo kami ng daang milya, kami pa din ang magkakatuluyan. As long as nagtitiwala kami sa isa't isa. Hindi ko kaya eh. Hindi ko kayang malayo kay Coleen ng sobrang tagal. Nasanay na ako na palaging siya ang kasama ko. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko."
"Gusto kong lubusin ang mga panahong nandito pa ako sa pilipinas kasama siya habang hindi pa lumalabas ang visa ko."
"Sa loob ng bakasyon, halos walang araw na hindi kami magkaaway ni Coleen. Siguro dahil hindi din kami nakakapagkita sa dami ng inaasikaso ko tungkol sa pag alis ko. Dumating pa nga sa puntong nakipaghiwalay ako kasi sobra akong nasaktan sa mga ginagawa niya."
May 8, 2012
"Hi beb, saan ka ngayon?" text ko kay Coleen.
"Dito lang sa bahay. Bored nga eh. Bakit beb?" reply niya.
"Ahm, pwede tayo magkita sa plaza ngayon? Miss na miss na kita eh." sabi ko.
"Sige beb. Paalam lang ako kay mama. Miss na miss na din po kita. 12pm tayo magkita. Iloveyou." sagot niya.
"Sige. Hihintayin kita ah. Iloveyou." reply ko.
"At yun nga, pumayag siya makipagkita sa akin. Dito ko na handang sabihin sa kanya ang about sa pag alis ko. Tatanggapin ko kung makikipaghiwalay siya sa akin. Tatanggapin ko kung hindi niya kakayanin ang LDR. Kasi ako naman yung lalayo eh."
============================================================
"Nakaupo na ako sa may bench habang iniintay si Coleen."
"Hello beb!" sabi ni ng babaeng nasa harapan ko, ang isa mala-anghel na dalaga. Napakaganda niya talaga.
"Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Pinipilit kong wag itulo ang mga luha ko, dahil ayaw kong makita niya na malungkot ako. Kasi alam ko naman na magiging maayos lang ang lahat."
"Namiss mo talaga ako noh?" sabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Sobra!" sagot ko.
"Halata nga eh. Kasi sobrang higpit ng yakap mo. Hehe!" sabi niya.
"Inaya ko na siyang umupo sa bench, nakatitig pa rin ako sa maamo niyang mukha, pinipilit ko na wag umiyak. Para wala siyang mapansin. Pero mukhang nakakahalata na siya."
"Ahm, beb. May problema ka po ba?" sabi niya tapos hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Hmm. Beb, may sasabihin ako." sabi ko. Tumalikod ako ng konti sa kanya kasi konting-konti na lang papatak na ang luha ko.
"Ano yun beb?" sabi niya na parang may pagdududa.
"Handa ako sa lahat ng magiging reaksyon mo. Tatanggapin ko lahat. Basta ito ang tatandaan mo, mahal na mahal kita." sabi ko.
"Nakatingin lang siya sa akin. Habang ako nakatingin din sa kanya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay ng sobrang mahigpit."
"Beb, aalis ako." sabi ko. Dun na natuluyang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na nagawang pigilan.
"Ha? Anong aalis? Saan ka pupunta?" sabi niya.
"Pupunta na akong america. Doon ako magpapatuloy ng pag aaral kasi yun ang gusto ni Dad." sabi ko.
"Hindi nakaimik si Coleen sa sinabi ko. Tumulo na din ang mga luha niya. Nakayuko lang siya sakin habang iyak siya ng iyak. Hindi ko alam kung paano ko siya i-cocomfort. Hindi ko alam paano siya patahanin, dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Napakasakit para sakin nun."
"Beb, mahal na mahal kita." sabi niya at agad akong niyakap ng sobrang higpit.
"Mas mahal na mahal kita beb." sagot ko.
"Kakayanin natin. Hindi tayo maghihiwalay." sabi niya.
"Nagulat ako sa mga sinabi ni Coleen. Kasi expected ko na makikipaghiwalay siya sa akin. Pero mali ako. Hindi ganong klaseng babae si Coleen. Hangga't kaya niya. Lalaban siya."
Coleen's POV
"Kinausap ko si tito ng maayos ng hindi nalalaman ni Macee. Nag-please ako kay tito na wag na niya pag aralin si Macee sa ibang bansa at dito na lang. Pero bigo ako. Gusto daw niyang maging responsable si Macee sa lahat ng bagay. Hindi tutol si tito sa relasyon namin, bagkos proud pa daw siya kasi malaki ang ipinagbago ni Macee simula nung naging girlfriend niya ako."
"Kung talaga daw mahal namin ni Macee ang isa't isa. Kami pa rin daw ang magkakasama hanggang huli just don't forget the word "TRUST EACH OTHER" daw.
"Naiintindihan ko si tito, ayaw ko naman maging selfish, oo ayaw kong paalisin si Macee. Pero ayaw ko din naman maging hadlang sa mga gustong mangyari ni tito Aeron para kay Macee. Sobrang nakakalungkot nga lang na malalayo kami sa isa't isa which is alam kong hindi ko kaya."
"Pero wala din kaming choice na dalawa, tinanggap niya at mas lalong tinanggap ko ang long distance relationship namin kapag nakaalis na siya. Pero sa ngayon gusto namin i-enjoy ang bawat sandali na magkasama kami. We want to make happy memories before she leave though 6 months pa bago maging maayos ang visa niya."
"Thank god I still have 6 months, 6 months para makasama si Macee, 6 months para maging masaya kasama si Macee. Pero feeling ko habang papalapit ng papalapit ang 6 months, nabubuo na yung takot sa sarili ko. Na malalayo na siya sa akin. Na baka may iba na siyang magustuhan, pero ayaw kong isipin yun. Gusto kong isipin na "AKO LANG." Ako lang ang para kay Macee.
Keep in touch my S H E readers. :)