A/N: NEW UPDATE guys!
Macee's POV
"Dito ko ngayon sa bahay, just browsing the net. Sobrang boring naman kasi ng bakasyon. Hindi na namin pinag usapan ni Coleen ang about kay Gab. Alam naman na niya na siya lang ang mahal ko eh. Hindi na niya ko kailangan pang kwestyunin about sa bagay na yun. Malinaw na din ang lahat kay Gab na hanggang friends na lang talaga kami and besides, she's dating Cathleen. Sadyang di lang ako ang true love niya. Tsaka mas gwapo pa ako sa kanya. Were really not meant to be."
"Nagitla naman ako ng biglang pumasok si Raine sa room ko."
"Dudeee, hindi ba uso kumatok?" pabwiset kong sabi.
"Bakit dudeee? Nanunuod ka ng ano noh?" pambibiro niya sakin.
"Ulol. Di ako kagaya mo. Oh? Bakit andito ka? Hihingi ka ng pagkain? Punta ka na lang sa baba. Maghanap ka dun sa ref ng makakain." sagot ko then nagtuloy ako sa pag iinternet.
"Kala mo sakin? Patay gutom? May pagkain kami sa bahay noh?" sagot niya sa akin.
"Eh bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?" sagot ko naman.
"Porke pumunta may kailangan agad? Hindi ba pwedeng may sasabihin lang ako. Napaka ano mo naman." pagtatampo niyang sabi. Ulol lang yang pinsan ko. Napakatampururut.
"Di ako interesado sa sasabihin mo." sagot ko ng pag aasar sa kanya.
"Deh wag. Makaalis na nga. Bwiset!" padabog niyang sabi, aalis na sana siya sa kwarto ko. Pero pinigilan ko siya. Haha. Timang lang ako ei. Binibiro ko lang naman kasi siya. Sineseryoso niya agad.
"Dudeee, joke lang. Grabe ka magtampo, para kang chix." sagot ko habang tatawa-tawa pa.
"Oh? Ano ba yung sasabihin mo?" sabi ko.
"Ano kasi?" sabi niya.
"Anong ano kasi?" sabi ko naman ng pagtataka.
"Si Mykkha kasi?" parang nag aalinlangan pa siya kung sasabihin niya sa akin oh hindi.
"Ay ano?" sabat ko. Puro pa putol, di pa sabihin agad. Nakakabitin tuloy. Tss.
"Katext ko siya kanina sabi niya gusto daw siyang isali sa pageant dito sa barangay natin. Di ba malapit na ang fiesta?" sabi niya.
"Naalala kong malapit na nga pala ang fiesta. So kasali siya sa mutya? Ayos ah. Pero sabagay ang ganda naman ng girlfriend ni Raine eh. Talagang panlaban sa mga ganyan.
"Oh? Ayos ah. Oo nga pala, lapit na." sabi ko.
"Hindi yun ayos dudeee." sabi niya na medyo naaasar.
"Bakit ka asar dyan? Di ka ba proud na kasali ang girlfriend mo?" sabi ko.
"Hindi. Ayoko siyang sumali dun." sabi niya ng pagmamaktol pa rin.
"Bakit naman?" sabat ko. Mukhang seryosong usapan namin 'to ng pinsan ko ah.
"Dudeee, magsusuot siya ng napakaikling palda, at magtutube pa siya pag rumampa na siya sa stage. Sabihin mo nga kung ano dapat ko maramdaman dun? Hindi yun nakakatuwa. Eh madami pa man din bastos sa panahon ngayon." sabi niya.
"Syempre, natameme ako. Wala ako masabi. Tama nga naman si Raine."
"Pero dudeee, bago mo pa naman siya naging girlfriend lumalaban na siya sa mga ganyan di ba? Katulad nung una natin siyang nakita. Kasali siya sa muse. Ibig sabihin talagang hilig niya ang mga pageant na kagaya niyan. Malay mo talagang kasiyahan na niya yan. Wag mo naman sana isipin lang ang sarili mo dahil pinagdadamot mo siya. Oo, you have a point. Pero...." hindi ko pa naiituloy ang sasabihin ko. Binato na niya ko ng unan.
![](https://img.wattpad.com/cover/5291543-288-k308917.jpg)