Another day nanaman. Same routine. Papasok sa University, makikita yung mga collections, aattend ng class, uuwi and mag babasa sa USB ni Claudette.
The more kong mabasa at makita yung laman nung USB na yun, the more kong kinakainisan yung sarili ko.
All these years, I was fooling around with girls that I don't love. Making out with them with out any commitment o kahit love man lang. Eh pwede naman palang simula palang eh may siya at ako na.
Pero honestly, napapaisip ako. If she love me this much, bakit hindi siya nadadala sa pagpapacute ko and all? And to think of it, bakit kaya siya umiiyak kagabi?
--
" RD!!! TABI!!! "
Napalingon ako sa direction nung sumisigaw nang biglang * BLAG *
Isang matigas na bilog na bagay ang tumama sa mukha ko.
Nawalan ako ng balanse sa sobrang lakas nung pagkakatama ng bagay na yun sa mukha ko.
Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sahig, nakayuko at hawakwak ang pisngi ko sa sobrang sakit.
" RD, sorry " sabi ng malabing na tinig ng babaeng nasaharap ko.
Amputa, ang sakit makita ko lang kung sino kang babae ka humanda ka sakin. Pagsisisihan mong sakin mo pinatama yung bolang yun. I'll make you one of them..
Hinila ko yung kamay nung girl para mapaupo din siya sa kinakaupuan ko. Inaangat ko yung mukha ko at sinigurado kong saksakto sa mukha niya.
Bigla bigla kong hinalikan yung babaeng asa harap ko.
*PAK!!!*
WHAT THE HELL!!!
Tang'na ang sakit nun ah.
Tinitigan ko yung babaeng hinalikan ko.
Tang'na..
Tang'na talaga..
" Claudette.. " O_O " I'm so.. "
Bago ko pa natapos yung sasabihin ko tumayo na si Claudette. This time tumayo na ko para habulin siya.
" Ui sandali lang " habol ko sa kanya.
Pero hindi siya lumilingon. Napilitan tuloy akong hawakan siya sa braso.
" Sabi ko sandali lang. Hindi ka ba marunong makaintindi ng sandali? " pagsusungit ko sa kanya.
Humarap siya sakin.
" Anu bang gusto mo? " singhal niya sakin.
" Anu gusto ko? Lakas mo din naman palang makatanong. Tinamaan ako ng bola na galing sa direction mo, tapos sinampal mo ko with out even saying a single sorry? Tapos tatanungin mo ko anung gusto ko " medyo gigil kong sabi
Nakatingin siya sakin na parang gusto nanaman niya akong sampalin.
" Pagtapos mo kong hatakin paupo sa sahig? Pagkatapos mo kong halikan, pagkatapos mo kong paasahin hihingi ka ng sorry mula sakin? Ang kapal naman pala ng mukha mo. Hindi ako magtataka na hindi ka hinimatay sa tama nung bola." bawi niya sakin sabay irap.
Hindi ako agad nakasagot sa bawi niyang yun. Pero tama ba ako sa nadinig ko, pinaasa ko siya?? In what way??
" Anu ba yang pinagsasasabi mo? " confuse kong tanung sa kanya.
" Wala, wala, wala " sabi niya sabay alis.
Gaga 'to ah. Wala na ba siyang ibang gagawin kun'di ang walk out-an ako.
" Claudette, anu ba? Nakakatanga ka ah. Anu ba problema mo? May pa-paasa paasa ka pang nalalaman. Kelan kita pinaasa? At bakit ka umaasa? "
" Wala ka ng pakialam dun " - Claudette
" May pakialam ako, kasi.. " -ako
" Kasi anu? Kasi madadagdagan na ulit ang collection mo? Ayoko maging isa sa kanila " -Claudette
" Wala naman akong balak isama ka sa kanila ah " -ako
" So, anu pala? " -Claudette
" Balak kong.. " sabi ko habang nakayuko.
" Anu balak mong? Anu? "-Claudette
" Balak ko.."
" RD, huwag mo nang ipagpatuloy pa yang sasabihin mo. Ayoko na madinig " sabi niya sabay karipas ng takbo.
" Balak kong seryosohin ka.. " pagpapatuloy ko.
T_T
Para 'kong ewan, sa harap ng ibang babae ang galing galing ko. Sa harap ng ibang babae ang lakas ng loob ko. Pero bakit sa harap niya, para kong walang alam sa mundo. Bakit sa harap niya para kong natatameme, para kong walang lakas ng loob. Bakit ganito na totorpe ako.
:C
--
Claudette's POV
Anu bang pumasok sa utak ng lalaking 'yon? Bakit niya ko hinalikan? And anu yung balak balak na sinasabi niya..
Ewan ko sa kanya.
" Kyle, what happened? " tanung sakin nung mga classmate ko.
" Wala naman, ininis lang ako nung RD na yun. Sobrang hangin "
" Sus, sobrang hangin. Pero bakit parang lagi kang nasa department nila? Don't tell me, sa lakas ng hangin niya natatangay ka papunta sa kanya. AYIE!!! " pangaasar ng bestfriend ko.
" Anu ba, huwag ka ngang ganyan >////< "
Nakakainis naman 'tong si Jeanna. Alam naman niyang sobrang patay na patay ako kay RD eh, tapos gaganyan ganyan siya.
RD is like the brightest star in my sky. Even though sobrang layo ng agwat namin, siya parin ang gusto ko. Siya at siya lang. Kahit alam kong the only time na magugustuhan niya ko bilang ako, yung tipong seseryoshin niya ko at hindi itutulad dun sa iba, eh siguro 'pag nagkaroon ng himala.
BINABASA MO ANG
A USB STORY
Teen FictionThis is my first time to write a story na may pagka-rated SPG. But don't worry, hindi naman po balahura ang nakasulat dito. :) Hope you will give this one a try :)