A USB STORY by aqchimutya

72 3 16
                                    

" Oi Kyle, tama na ang kakadaydream dyan. Nabanggit lang si RD para ka ng timang d'yan. Ayus ayus din. " -Jeanna

" Tse! Panira moment ka. " - ako

Minsan talaga hindi ko alam kung bestfriend ko talaga 'tong si Jeanna eh. 

" Nga pala Kyle, nakita mo na ba yung hinahanap mo? " -Jeanna

" Hindi pa nga eh. Hindi ko na nga alam saan ko pa hahanapin yun eh. " Sagot ko sa tanung niya " Natry ko na nga atang halughugin yung buong University eh " Habol ko.

Isang linggo na nga ata ang nakakalipas mula nung mawala ko yung USB na yun. 

Pero hanggang ngayon hindi ko parin makita. I'm hoping na sana walang nakakita nun. Mas gugustuhin ko pang nawalis na lang yun ng mga Janitor or natapakan at nadurog o kaya naman nasipasipa tapos lumipad hanggang outer space. 

Grabe, nafrofrostrate na ko. Hindi ko talaga alam saan ko nawala yun. Sa sobrang frostrate ko, napapaiyak na lang ako.

Speaking of napapaiyak. Last night asa building ako nila RD to look for my USB nung bigla ko siyang nabangga. Nakakahiya much talaga ako. Minsan ko na nga lang makita si RD na halos walang tao ganun pa yung itsura ko. Mukha kong bilasang isda.

" Anu ba kasi yung hinahanap mo na yun? " curious na tanung ni Jeanna

" Ahmmmm. Naalala mo yung USB na binili natin nung bago palang tayo dito, yung  nagpunta tayong SM. Yung hello kitty na USB. Yun yun eh " Medyo hirap kong sagot sa kanya.

" Yun lang naman pala eh. Edi bili na lang tayo ng bago. Kesa naman para kang timang dyan na paikot ikot sa buong University, payuko yuko sa ilailalim tapos pati gabi nandito ka para lang dun. Oo alam kong cute yun and one of a kind, pero siguro naman may ganun pa sa ibang SM o kaya sa online shops. " Medyo nagtataray na siya.

Jeanna is a really pretty girl. Gorgeous nga daw sabi nung iba, minsan nga Goddess pa eh, pero may pagkamaldita siya. You can never mess around with her. 

We are really diffent from each other. The total opposite, sabi ng iba. Pero she is the best among the best. Wala na kong mahihiling pa. If bibigyan ako ni Lord ng chance mareincarnate, I will pray na sana even after this life siya pa din ang maging bestfriend ko. :)

" Eh kasi anu... >///< Panu ko ba 'to sasabihin.. Ahmmmmm " medyo nag stastater kong sabi.

?_?

" Anu ba sasabihin mo o anu? " -Jeanna

" Sasabihin na po. Yun po kasi yung pinag lagyan ko ng lahat ng kalandian ko kay RD. Letters, Pictures etc. Isipin mo na lahat, andun yun. Jea, mukhang mamatay na ata ako " Pagpapaliwanag ko.

*TOINKS!!*

Isang malakas na kaltok ang inabot ko sa kaartehang ginawa ko.

" Aray! masakit yun ah. Bakit mo ginawa yun? Nahihirapan na nga ako oh. "

" Eh, kung hindi ka ba naman isa't kalahating sira ulo eh, yun lang naman pala yung nawala eh, tapos mamatay agad? Exagge? " Sabi ni Jea habang nakataas yung kilay niya.

" Alam mo naman how important that thing is. Alam mo naman na pinutakte ng mukha ni RD yung USB na yun eh. I'm going to be dead pag maynakakita nun. " naiiyak iyak ko ng sabi

" Siya, siya huwag ka nang umiyak d'yan. Papanget ka eh " -Jea

Pinunasan ko yung namumuong luha sa mata ko bago pa man 'to bumaksag ng tuluyan.

" Oh siya, tama na yang drama mo. Tutulungan na lang kitang hanapin yang USB mo bago ka pa talaga tuluyang mabaliw. HahHahHA! "- Jea

**

A USB STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon