Chapter ♠ 3

321K 6.2K 165
                                    

THE CHALLENGE


THIS WAS a bad idea.

I should've left fifteen minutes ago. Partying is not my scene, ever. I know I should have been used to it by now, considering my career as a successful car racer. Laging may afterparty at celebration sa tuwing naiuuwi ko ang trophy.

My manager, Avon Trinidad, doesn't tolerate my antisocial nature. After all, social appearances provides exposure that will definitely help my career. Kaya pinagbibigyan ko siya at pumupunta ako sa mga party na para sa'kin. But I don't stay too long.

So what am I still doing here?

Tiningnan ko ang relo ko—it's still seven. Masyadong maaga pa kung uuwi ako, and I will broke Jack's heart. Gusto daw akong makita ng asawa niya dahil, ang sabi niya, isa sa number one fan ko ang asawa niya. She was running late dahil sa traffic and that's why I am still here...

Pitch black eyes flashed across my mind.

Suddenly I burst out laughing. Nakita ko pang tiningnan ako ng bar tender na para bang isa akong baliw na nakawala sa mental.

Hindi ko lang kasi maiwasan pagkatapos kong maalala ang araw na iyon—him holding that pot lid and standing in my aunt's kitchen, topless and looking so lost.

Pinagbabato ko pa siya no'n ng sabon at lahat na ng nadadampot ng kamay ko. He used the lid as a shield. Tapos tumakbo na ako paakyat sa kuwarto. I slammed the door shut and I can still clearly remember how my heart was beating erratically for the first time. And suddenly I realized, it was also the first time I felt conscious of myself around a boy.

I acted out of my character that day. Hindi ko kasi matanggap na may nakakita sa'kin sa gano'ng kalagayan. Hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. I felt girlish and feminine.

Zeke really has a knack on turning girls to be a woman. Kahit ako hindi pinalagpas.

Growing up with my brother, my uncle and his friends, and with the job I do, it was no wonder why I turned out to be one of the guys too. Madalas pa akong pagkamalang lalaki ng mga costumer ni tito at tinatawag akong 'bata' o 'hijo'. And I never bothered to correct them.

I had pexie cut hair, at lagi akong may suot na sombrero. I always wear baggy shirts, jumpsuits, and jersey shorts. Gano'n din ang suot ko sa klase. Hindi pa uso ang uniform no'n sa amin. Nalalaman lang nilang babae ako dahil sa pangalan ko.

Kaya siguro walang gustong makipagkaibigan sa'kin kasi akala nila tomboy ako. Duh.. mukha naman talaga akong tomboy no'n.

But I still had a friend. Si Sheena. Kapitbahay namin siya kaya alam niyang hindi talaga ako lalaki at tibo. Naging kaibigan ko na siya simula no'ng lumipat kami kina tito. Pero magkaiba kami ng eskuwelahan. Nasa private school siya, ako sa public lang.

Si Sheena ang kabaliktaran ko. Maganda, makinis ang balat, maputi, mahinhin, mabait at higit sa lahat, babae. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ang daming nanliligaw sa kanya. Lahat yata ng binate sa barangay namin, nagpapalipad hangin sa kanya. Pero ni isa, wala siyang natipuhan.

Puwera sa isa. At ang lalaking iyon, siya lang din ang hindi nanliligaw sa kanya. Si Felix Vincent Alteza—ang kuya kong walang ibang inatupag kun'di pag-aaral at trabaho.

Mabilis kong nilagok ang laman ng baso ko. The death of my brother still pains me. Kahit pa maraming taon na ang nakalipas. I've lived with it and I'm still trying to survive from it.

The DJ played an upbeat song and people lose their inhibitions.

I should dance. Kesa naman sa mag-isa lang ako dito kasama ang masasakit na alaalang iyon.

Rebellious Love (PUBLISHED under PSICOM) #Wattys2016winnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon