I'M SORRY
I SLIPPED through my bed and sank in my pillows still thinking of the challenge I threw at Zeke out of the blue. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko naisip iyon. But I'm sure I meant it. I really want to beat Zeke, for once.
I want to defeat the king.
And then maybe it could give me the easy ticket to race in the upcoming world race championship.
Gusto mo lang ipamukha sa kanya ang mundong iniwan niya. You just want to see the man who took you to exhilarating heights—the man without inhibitions and without fear.
I frowned and shoved that little voice out of my head. Clearly, Zeke still think I can't beat him at anything. Iniisip pa rin niyang isa akong mahina, a girl who acted on pure impulse, naïve and head over heels in love with him.
Urgh!
I punched my pillow and closed my eyes, forcing away those unpleasant thoughts that always came with a pang of bitterness.
Ilang beses pa akong nagpagulong-gulong sa kama trying to find some sleep, but it seemed elusive at the moment. I'm still wide awake.
I gave up trying. I lied on my back and stared up at the dark ceiling, watching the memories in my head like an old black and white movie...
Year 2005, 10 years ago...
"Vera!"
Tiningala ko si Sheena na papalapit sa'kin habang nakaupo ako sa kalsada sa labas ng bahay namin. Pati siya hindi nakaligtas sa masamang tingin ko. Galit ako at naiinis ngayon. Sobra! Para na akong mapapraning sa sobrang inis ko ngayon. Kaya lumabas na lang ako kesa sa makita ang dahilan ng pagkairita ko.
Buwisit na lalaki iyon!
Umupo si Sheena sa tabi ko. "O, napano ka? Bakit ganyan ang mukha mo ng ganito kaaga?"
Asar na tiningnan ko siya. "Vicky ang pangalan ko. Ba't ba palagi mo na lang akong tinatawag na Vera? Ang baduy." Hindi bagay sa'kin. Masyadong pambabae.
Tumawa siya. Siya lang yata ang taong hindi tinatablan ng matatalim na mata ko. "Hindi kaya. At saka para malaman ng mga tao rito na babae ka."
"Tss... pagkakamalan lang nila akong bakla."
"Ikaw talaga." Lalo pa siyang natawa sabay hampas sa braso ko. Lalo ding nagdikit ang kilay ko sa ginawa niya. "Teka, ba't ba ang sama ng mukha mo ngayon? Bakit nandito ka sa labas?" Naningkit ang mga mata niyang tumitig sa'kin. "Huwag mong sabihing napikon ka na naman sa pang-aasar sayo ni Zeke?"
"Kelan pa ako naging masaya sa pang-aasar niya?" Simula no'ng dumating iyang lalaking iyan dito sa bahay, wala ng nangyari sa buhay ko kun'di puro kabalbalan. "Mas magugulat pa ako kung hindi niya ako binabara eh."
Grabe! Pakiramdam ko ang tulis-tulis na ng sungay ko sa ulo at tinubuan na rin ako ng buntot dahil sa kademonyohang naiisip ko pagdating sa lalaking iyon!
Ang sarap saksakin ng hairpin! Argh! Pasalamat siya wala akong hairpin!
Ewan ko ba kasi kung bakit pumayag pa si tito na patuluyin ang abnoy na iyon sa bahay. Ni hindi ako makakain ng maayos kapag kasabay namin siyang kumakain. Mukha pa lang niya nakakaasar na eh! Hindi na rin ako pinapapunta ni tito sa talyer niya kasi hindi na raw ako kailangan. Pati iyong inaayos kong kotse, wala na. Pinaandar na ng pangit na iyon sa isang araw. Samantalang ilang araw ko na iyong inaayos!
BINABASA MO ANG
Rebellious Love (PUBLISHED under PSICOM) #Wattys2016winner
Romantizm#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace them because they made me who I am and what I am now. I found a brother, people I can trust, and a gi...