"Prinsesa Athena.. pinapatawag na kayo ng hari.." tinignan ko ang tagapaglingkod at kanang kamay ng tatay ko. Si Terrence.
"Bakit raw?" tanong ko sa kanya saka pinagpatuloy yung pagkain ng mansanas. Hihi. Kinuha ko to sa may puno dito sa bintana ng kwarto ko. Ang sarap!
"May mahalaga siyang sasabihin sa iyo." Ano naman kaya yon?
Tumayo na ko at pumunta sa harap ng salamin para mag ayos.
Umikot ikot ako sa harapan ng salamin.
"Prinsesa Athena.. naghihintay po ang---"
"Oo na. Eto na nga oh. Papunta na." nagsimula na kong maglakad papunta sa silid ng ama ko.
Ramdam na ramdam ko ang pagiging prinsesa dahil sa dami ng mga bumabati sa akin.
Nginingitian ko lang sila.
"Ang ganda talaga ng prinsesa.."
"Napakaswerte ng mapapangasawa niya."
"Maganda na mabait pa.."
Yan lang ang ilan sa lagi kong naririnig sa tuwing dumadaan ako.
Naglalakad ako dito sa pasilyo ng Kingdom Hearts.
Ang ganda ng pangalan ng kaharian namin noh?
Hindi ko nga alam kung bakit yan yung naisipan ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng--- basta! Yung pinakaninu-ninuno namin ang nag isip niyan.
Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng malaking pinto ng silid ng ama ko.
Biglang may pumalakpak.
Napalingon ako sa likod ko at nakita si Terrence pala yon.
Nakasunod pala sa akin to. Kala ko nawala na.
Pagkapalakpak niya bumukas ng dahan dahan ang pinto.
Pagkabukas nito dirediretso akong pumasok at pumunta sa harap ng ama ko na nakadapa sa malaki niyang kama.
Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Pinatawag niya ko tapos ganto lang ang maabutan ko.
Sobrang tagal ko bang maglakad kaya nakatulog na ang tatay ko.
Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad papaalis ng harangan ako ni Terrence.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Padaan." Sabi ko at saka tinabig yung braso niya.
Hindi pa ko nakakalayo sa silid ng biglang naramdaman kong namanhid ang mga paa ko.
Ang lamig!
Napatingin ako dito at nakitang nakabalot sa yelo ang mga paa ko.
Gumagapang ito paakyat hanggang sa nasa tuhod ko na to.
Lumingon ako kay Terrence at sinamaan siya ng tingin.
"Pakawalan mo nga ako! Malamig kaya!" reklamo ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Sweeter Than Reality (#AlDub)
FantasíaDalawang magkaiba ang mundo. Magtatagpo at papatunayan na walang pwedeng humadlang sa dalawang nagmamahalan kahit pa tadhana pa yan. #AlDub <3