"Sigurado ka ba dito sa gagawin natin Tania?" tanong ko kay Tania. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring masama kapag tumuloy pa kami.
"Ano ka ba? Syempre nama---kyaahhh!!!!!!" parehas kaming bumagsak dahil sa gulat nung biglang may lumipad na paniki.
Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi pa nga ata kami nangangalahati sa daan papunta don kung anu ano ng kamalasan nangyari.
Hindi lang paniki yung nakasalubong namin. Meron ding ahas, baboy ramo, meron pa ngang unggoy eh.
"Nakakainis naman kasi yung matandang yon! Napakalayo ng tirahan!" inis na sabi ni Tania at saka pinagpagan yung damit niya.
Tumayo na rin ako at pinagpagan din yung damit ko.
"Sigurado ka bang may magagawa siya para mapigilan yung kasal ko? Mamaya isa lang pala siyang ordinaryong nilalang." sabi ko.
"Hindi ah! Marami na akong napagtanungan at ang sabi nila matalino daw at mapamaraan yung matandang yon."
"Kanino ka ba nagtanong?"
"Sa mga hayop at halaman."
*****
Nandito na kami sa tapat ng isang bahay kubo.
May liwanag na nanggagaling duon. Nawawala tapos babalik ulit.
Tinitignan lang namin yon at nag aabang kung ano pa ang susunod na mangyayari.
"Athena.. nakakatakot naman dito. Mamaya kung ano mangyari sa atin." sabi ni Tania at kumapit sa braso ko.
"Ikaw tong humatak sa akin papunta dito tapos ngayon magrereklamo ka."
"Sabi ko nga eh." sabi niya.
"Pumasok na tayo." hinatak ni Tania yung kamay ko at papasok na sana kami kaso nauntog kami pareho at bumagsak na naman.
Yung totoo? Lagi na lang ako bumabagsak.
Pagtingin ko kay Tania kinakapa kapa niya yung hangin.
Ako din ganun yung ginawa. May nakapa ako na parang may harang yung hangin na hindi naman nakikita.
"Ang galing naman ng matandang yon. May sarili siyang panangga para hindi siya mapsok ng kung sinu sino." patingin tingin lang ako kay Tania habang siya salita ng salita.
"Ano ng gagawin natin niyan? Mukang hindi naman tayo makakapasok." sasagot na sana si Tania ng biglang lumiwanag yung bahay kubo.
Tinakpan ko ang mata ko dahil nakakasilaw yung liwanag.
Unti unti ng nawawala yung liwanag kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa mata ko.
May nakita akong matanda na hinihimas yung mahabang niyang balbas na kulay puti.
"Sino kayo? At anong kailangan niyo?" tumayo ako.
"Kailangan ko ng tulong."
BINABASA MO ANG
Sweeter Than Reality (#AlDub)
FantasyDalawang magkaiba ang mundo. Magtatagpo at papatunayan na walang pwedeng humadlang sa dalawang nagmamahalan kahit pa tadhana pa yan. #AlDub <3
