Sweeter Than Reality 3

70 2 0
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula noong nagpunta kami ni Tania sa matandang tumulong sa akin.

Ito ang araw kung kailan mapupunta na ako sa mundo ng mga tao.

Ito rin ang araw ng kasal ko..

Hindi ko alam kung nananadya lang ba talaga ang tadhana o baka alam na ng aking ama ang aking binabalak.

Ngunit kahit anong mangyari walang makakapigil sa akin. Hindi ako magpapakasal!

"Athena... ang gwapo talaga ng iyong mapapangasawa... napakakisig pa.." kanina pa bulong ng bulong sa ain si Tania at kung anu ano sinasabi tungkol dun sa prinsipe.

Hindi naman ako nakikinig sa kanya. Dahil una sa lahat wala akong balak malaman kung ano meron sa prinsipeng iyon at isa pa wala akong pakialam sa kanya.

"Grabe ka naman... kung nakita mo lang kasi siya eh... baka mamaya magbago pa isip mo.." sabi niya.

Siniko ko siya. "Wag mo ngang basahin ang isip ko!" sabi ko sa kanya.

"Agh!" nakatingin lang ako ng diretso at hindi pinansin si Tania.

"Grabe ka talaga... kailangan manakit?" sabi nito habang hinihimas himas yung ulo niya.

Binatukan ko lang naman siya sa pamamagitan ng pag gamit ng hangin.

"Tumigil ka na kasi diyan.. hindi naman nakakatuwa yung mga sinasabi mo.."

"Hmp!"

Nandito kami sa labas ng malaking silid. Silid kung saan isinasagawa ang malalaking pagdiriwang at mga okasyon.

At dahil ikakasal ako dito magaganap iyon. Yung prinsipe na DAPAT mapapangasawa ko ay nasa loob na.

Hinihintay ko na lamang ang pagdating ng aking magulang. Sa oras ng kanilang pagdating ay magsisimula na ang kasalan.

"Narito na ang hari at reyna! Magbigay daan!" agad akong lumingon sa likod nung marinig ko iyon.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang magagandang ngiti ng aking magulang. Bilang ganti, ngumiti rin ako sa kanila. Kahit na sa kaloob looban ko ay gustong gusto kong sumimangot.

Nang makalapit sila ay agad nila akong binate.

"Athena.. napakaganda mo ngayon. Manang mana ka talaga sa akin." Sabi ni ina.

"Tama ka aking asawa. Napakaganda nga ng ating anak ngayon."

"Ako ho ba? Hindi niyo pupurihin?" napatingin ako kay Tania na ngayon ay nakangiting tagumpay.

Narinig ko ang tawanan ng aking magulang. "Ikaw talaga Tania.. syempre naman.. napakaganda mo rin ngayon.." sabi ni ama.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at siya naman.. nagbelat lang. -_-

Maya maya ay narinig ko na ang tunog ng kampana. Hudyat na magsisimula na ang kasal.

Kumapit na ako sa braso ng aking ina at ama.

Unti unting bumukas ang malaking pinto at bumungad sa akin ang magarbo at napakagandang silid.

Nagsimula na kaming maglakad. Sa bawat hakbang ko ay mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Hindi dahil sa ikakasal ako kung hindi dahil sa mangayayari sa akin kaag napunta na ako sa mundo ng tao.

Dahil lumilipad ang aking isip hindi ko namalayang nandito na pala kami sa pinakaunahan ng silid.

Napatingin ako sa matangkad na lalaking nasa harap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweeter Than Reality (#AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon