Chapter 5

34 1 1
                                    

Another day nanaman na nakakawalan gana -_- bakit, parang tinatamad ata ako ngayon??

Andito nako sa van, inaantay mga kaservice, ang boring, makapagsoundtrip nga

Kinuha ko yung earphone ko at nilagay ko sa tenga ko at namili na ng kanta, medyo inaantok ako kaya sumandal muna ako, si Mark katabi ko na nagsasoundtrip din, pero nakadungaw sa bintana

At dahil sa antok pako ay pumikit muna ako

******

Maria.......Maria......- Unknown

Huh?? Parang may tumatawag ata sa pangalan ko, kilala ko boses niya pero hindi ko makita muka niya

Maria.... Mahal na Mahal Kita - Unknown

Nang marinig ko ang mga salitang yon ayy bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan

Biglang may pumatak na luha galing sa mata ko, at hindi lang isa, kundi sunod sunod na patak, hindi ko alam pero parang ang sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga

At bigla siyang nawala sa paningin ko, hindi ko alam, pero parang hinahanap ko siya, pero, asan ba ko???

Hindi parin tumitigil sa pagpatak ang aking mga luha, at naging itim na lang ang aking paningin

******

Bigla akong napadilat. Akala ko naman totoo na, panaginip lang pala, pero, kilala ko talaga yung boses niya ehh

Iniisip ko parin hanggang ngayon kung kaninong boses iyon, at hindi ko namalayan ay nasa school na pala kami

Pero, may nakaagaw ng atensyon ko ng bumaba ang isa naming kaservice, hindi ko man nakita ang muka niya, pero bakit parang kilala ko siya???

Tinanong ko si Mark, kung sino yun, sabi niya bagong kaservice daw namin, at tinanong ko na rin pangalan nung bago naming kaservice pero hindi daw niya alam

Pero wala bang nabanggit si Mang Juan na pangalan??

Wala, ang sinabi ni Mark kaya bumaba na kami at nagpunta na sa mga room namin

Nga pala, si Mang Juan ang driver ng service namin, mabait si Mang Juan. Tatlong taon na namin siyang service at wala namang problema at minsan tuwing biyernes ay pinapasyal niya kami sa SM

Pero, hindi ko talaga maalis sa isip ko yung napanaginipan ko kanina, sino kaya yun??? At bakit ako umiyak ng sinabi niya ang mga salitang yun?? Ganun ba siya kahalaga sakin para iyakan ko??

Kasabay ko ngayon papunta sa room si Chris since magkaklase kami, nasa unahan niya ko at nasa likod ko siya, omygashh, may stalker na ko, ahaha charcoal xD

Pagkarating namin sa room ay sinalubong agad siya ng mga katropa niya, ako, nilagay muna yung bag sa upuan ako at pumunta na kina Kaila, wala pa naman kasi si Ma'am Mendoza

Chika Minute, XD

Uyyy girl, bakit magkasabay kayo ni Chris??? - Kaila

Ahhh, magkaservice kasi kami kaya napapadalas yung pagsabay namin papunta dito - Ako

Ahhh.... - Kaila

Asus Kaila, cr------ - Alexis

Hindi natuloy ang sasabihin ni Alexis dahil biglang tinakpan ni Kaila ang bibig neto

Anu yun Alexis?? - Ako

Ahhh, wala :D - Alexis

At bigla ng dumating si Ma'am Mendoza at nagsibalikan na kami sa upuan namin

High School Life Or High School Lovelife???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon