Chapter 6: Feelings

32 0 0
                                    

Chris's POV

Andito sa bahay namin si Dida, magpapractice kasi kami para sa mapeh namin, music ata to, kasi may kantahan, about sa diwata, pero para sakin, para siyang diwata, teka, anu yung sinabi ko?? Nagugutom siguro ako kaya kung anu- ano pinagsasabi ko

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya. Ang ganda pala ng mga mata niya, may pagkabrownish

Napansin niya akong nakatingin sakaniya

Anu tinitingin tingin mo diyan?? - Taray niyang tanong

Ang ganda pala ng mga mata mo - sabi ko

Hoyy, anung nakain mo at anu ano pinagsasabi mo - Dida

Masama bang magpuri ng isang kagandahan sa isang tao ??? - Ako

Kinilig ka naman?? Mata lang maganda sayo, ahaha - at tumawa na lang ako

Ahaha, xD ang saya kaya asarin nito, inis na inis agad pag inaasar, kaya palagi kong inaasar to ehh

Ng makapili na siya ng kanta ayy, sumang ayon na lang ako, wala naman kasi akong talent sa pagkanta, kaya, tutugtog na lang ako ng gitara

Hinanap ko muna sa google yung chords nung kanta at, madali lang naman pala

Sinimulan ko na yung Intro nung kanta

Maya maya ay sinimulan na niyang kumanta

Habang kumanta siya at tinutugtog ko yung gitara, parang gusto ko lang mag gitara at siya yung kumakanta, ang sarap pakinggan ng boses niya, at hindi namalayan na nakatitig nanaman ako sakaniya, bakit parang palagi ata akong napapatitig sakaniya?? Ang ganda kasi ng mga mata niya, parang nakakaattract

Ng matapos namin yung kanta, parang, ayokong itigil yung kanta, kaya humirit pa ko kay Dida

Dida, last na song na, kantahin mo lang tong tutugtugin ko, at pwede ka ng umuwi - sabi ko

Haaayy naku, sige na nga, pasalamat ka mabait ako - Dida

At sinimulan ko ng tugtugin ang intro

At sinimulan na niya

There are times, that I just want look at your face
With the stars in the night
There are times, that I just want to feel your embrace, in a cold night

I just can't believe that you are mine now

You were just a dream that I once knew
I'd never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore

At natapos na namin, ewan ko ba, parang ayoko siyang patigilin sa pagkanta, ahaha, xD ehh di napagod na

Dapat may bayad tong pagkanta mo sakin ehh - Dida

Maya maya ay pumasok sa loob ng study room, si mama

Ohh, Dida, kain ka muna, eto ohh, naghanda ako ng meryenda, im sure, nakakagutom ang pagkanta - Mama

Ahaha, opo tita, totoo po yun - Dida

At nagtawanan sila ni Mama

Ohh, ayan na yung bayad ko, ahaha, xD - sabi ko sakaniya

At kumuha na siya pagkain at inumin

Tinititigan ko nanaman ulit siya, kahit habang kumakain siya, ang sarap niya lang titigan, parang nabubusog akong kumain kapag nakikita ko siyang kumain. Hala, anu tong pinagsasasabi ko, nababaliw na ata ako

High School Life Or High School Lovelife???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon