Chapter 1 - Tatlong taon makalipas ang masaklap na katotohanan

619 9 3
                                    

Chapter 1 - Tatlong taon makalipas ang masaklap na katotohanan.

[Cassandra Lei's POV]

["Bhessy, sorry hindi talaga kita masasamahan mag-mall ngayon. May date kasi kami ni Ryo eh. Sorry talaga.."] sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

"Sige okay lang. Mag-enjoy ka nalang sa date ninyo. Next time mo nalang ako samahan Bhessy. Osiya I'll hang up na! Ingats!"

["Sige Bhessy! Ingats din! Muah!"]

And I ended the phone call. Nagtataka ba kayo kung sino yung kausap ko? Bestfriend ko yun. Si Vanessa Ann Valera. Pero Vana nalang ang itawag natin sa kanya. Magkababata kaming dalawa. Ang boyfriend niya naman ay si Ryo Cruz. Matagal na rin sila. Siguro kasing tagal namin ni Ace kung buhay pa siya ngayon..

Naalala ko na naman siya ...

Sabagay, magtataka pa ba ako? Hindi naman kasi siya nawala sa puso't isipan ko...

Nagtataka ba kayo kung bakit wala sila sa eksena nung nakaraang kabanata ng buhay ko? 

Katulad nga ng sabi ko, marami akong hindi na-ishare sa inyo.

Sa puntong ito, gusto kong magpunta ng mall para magliwaliw. Nakakatamad na kasi dito sa bahay, hindi ako pumasok sa office. 

Huwag kayong mag-alala kasi hindi naman ako matatanggal dun kahit hindi ako pumasok ng isang linggo. Kasi kami ang may ari ng opisina kung saan ako nagtatrabaho.

------

Makalipas ang ilang minutong biyahe, andito na ako ngayon sa mall..

Ngayon napapaisip naman ako kung ano ba ang dapat kong gawin dito..

Sa totoo lang, wala naman akong bibilhin, gusto ko lang talaga malibang. Dahil kung magmumukmok lang ako sa loob ng kwarto ko maghapon, panigurado papatayin ko na naman ang sarili ko sa kalungkutan.

Mabute nga at buhay pa ako. Akalain ninyong nakatagal ako ng tatlong taon pa. Tatlong taon na puro pasakit ang nararamdaman ko.

Hindi madaling kalimutan ang mga bagay na nagpabago ng buhay ko.

-----

Pumasok ako sa loob ng isang coffee shop at umorder ng mocha frappe, siguro dito na lang muna ako tatambay .... 

Three Years After [MHIY sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon